31

61 6 32
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam sa kung paanong paraan ako nakauwi or ano bang nagawa ko para umuwi ako dito sa future.

Bumangon ako sa sofa para umakyat sa kwarto at para maligo. Kailangan ko mag freshen up! Na iistress ako!

Pag pasok ko ng kwarto ay agad akong dumiretso sa cr. Oo yes! May banyo na per kwarto. Ancestral house sya pero pinagawan na talaga sya ng cr. Lalo na sa taas, kasi nakakapagod naman kung iihi ka sa gabi tapos kailangan mo pa bumaba at umakyat sa hagdan.

Nakakapagod yon no!

Habang naliligo ay iniisip ko pa din kung paano ako nakauwi? Hindi naman ako nasaktan. What if sinaksak ka pala ni Anita habang nasubsob ka?

Pwede rin.

Or what if binaril ka?

Maaari.

Paano kung nilason ka pala?

Paano nga eh, hindi pa naman ako kumakain ng kahit na ano.

"Jusko, kahit sarili ko ang gulo din. Hindi ko na magets mga nangyayari. Saan ko naman hahagilapin si Mang Ising nito".

Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay iniisip ko kung sa paanong paraan lalabanan si Don Alfonso. Kung saan siya mahina. May kahinaan ba yon? Paano kung isugal ko na kaya yung magpanggap ako bilang kakampi niya?

"Ihh, tang!na. Hindi ko na alam".

Tinapos ko na ang pagligo ko para makapag pahinga na ako. Bigla tuloy sumakit ulo ko kakaisip ng mga bagay bagay.

Nagtapis lang ako ng tuwalya sa katawan ko at sa ulo ko. Paglabas ko ng cr ay shet talaga naman!

"Aaah! Anong ginagawa mo dito!" Sigaw na malala as in! Fuuuccc

Taenang buhay to!

"Tumalikod ka! Labas!" Sigaw ko kay Percy. "Ano ba kasing ginagawa mo dito!"

"Kanina pa ako katok ng katok ngunit hindi ka naman sumasagot. Kaya naisipan kong buksan. Hindi ko naman alam na----Nakahubo't hubad kapa----wala akong nakita. Lalabas nako".

Talagang lalabas ka! Alangan naman panoorin mo pa ako mag bihis.

"Anong naka hubo't hubad? May tapis ako! Labas!" Sabay hagis sakanya ng kung anong bagay na mahawakan ko.

"Oo na lalabas na". Ihhhh!!!! Ano yon? Nangyari yung biglaang pag uwi ko para mangyari lahat ng to?

At talagang sa ganitong suot ko pa talaga!?

"Siguraduhin mong wala kang nakita ah!" Sigaw ko. Mas maganda na yung sure.

"Wala nga" aniya sabay labas na sa pinto. Walk like a crab ang paglalakad ng Lolo niyo para lang hindi ako makita.

Nang makalabas na ito ay napahilamos talaga ako ng malala sa mukha ko! Nakakahiya! Sa ganitong sitwasyon niya pa talaga ako nakita.

At talagang pinag titripan din yata talaga ako eh.

"Wow ah! Grabe tong tadhana na to. Talagang nakatapis pa ako! Pwede namang wala nalang. Cheret lang!"

Nagbihis na ako dahil baka mamaya eh pumasok nanaman siya dito. At baka maabutan niya na talaga akong walang saplot.

Nang makabihis na ako ay hindi ko alam kung lalabas ba ako o mag kukulong nalang. Dahil nakakahiya Yung kanina! Paano kung isipin niyang sinadya ko talaga yon? Delulu pa naman yon.

Habang nakaupo sa kama at hindi alam ang gagawin ay biglang may kumatok sa pinto.

"Senyorita, pwede po ba kayo makausap?" Ani ng pamilyar na wika.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon