Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng pagkatok sa kwarto ko. Tamad na tamad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sakin si Minda na nakangiti at may hawak na mga damit. Walang sabi sabing pinapasok ko siya. Inilapag niya ang damit sa kama ko at tumingin ito sakin.
"Masarap po ba ang luto ni Senyorito?" tanong nito sakin at ang mga ngiti niya ay parang nang aasar. Napairap naman ako sa hangin at ngumiti sakanya.
"Masarap naman, bakit?" natatawang sabi ko. Lumapit naman ito ay parang nang aasar na tinapik ang alikat ko.
"Alam po ba ninyo na halos maghapon niluto ito yon ni Percy para lamang po sainyo" hagikgik nito. "Hindi po siya marunong magluto kaya naman napaka swerte po ninyo na kayo ang kanyang unang nilutuan. At talagang pinag aralan pa ho niya talaga"ngingiti ngiting tingin sakin.
Samantalang ako naman ay nagpipigil ng ngiti. Dahil hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano eh. Dahil ang hirap naman paniwalaan kasi, naging mag jowa si Maragrita at Percy kaya naman imposibleng hindi ito nag try na magluto. Seryoso ko naman nilingon si Minda.
"Imposible namang hindi nilutuan ni Percy si Margarita nung sila pa?" tanong ko naman. Lumapit ito at bumulong sakin.
"Nako hindi ho, kagaya po ng sabi ko sainyo kanina ay hindi po siya marunong magluto, kaya naman po ay kailan man ay hindi pumasok sa kusina para lamang matuto magluto"
"Kung unang beses siya nagluto eh bakit masarap pagkakaluto niya sa pakbet?" nagtatakang tanong ko kay Minda. Kasi totoo naman. Minsan nga ay kapag unang beses tayo natuto magluto ay hindi pa ito masarap.
Umupo ako sa kama at pabagsak na humiga. Kasi nalilito ako sa isipina kung bakit nag tiyaga siyang magluto maghapon para lang paghandaan ako kung bakit siya nagtitiis sa sama ng ugali ko at kamalditahan ko.
"Ay oo nga po pala Senyorita" tawag atensyon na sabi sakin ni Minda "Magkakaroon nga po pala ulit ng kasiyahan dito bukas. Kaya po dinalhan ko kayo ng susuutin para bukas" sabi nito sakin sabay turo ng damit na nakalagay sa kama ko.
Tinignan ko ang damit at napa buntong hininga. Kasi naman tinititigan ko palang ito pero ramdam ko na ang bigat niya kapag sinuot. Lumapit namn sakin si Minda at tumingin sakin.
"Bakit po, hindi po ba ninyo gustuhan ang Traje de Mestiza na ito?" tanong nito sakin.
Umiling naman ako bilang tugon.
Tumingin ako sakanya at napakamot ng noo.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)