Matapos ang mahaba habang lakaran ay sa wakas, jusko. Narating din namin ang paroroonan.
Haaays! Nakaka relax talaga sa mga ganitong lugar.
Nasa isang maliit na lawa kami at may isang puno doon ng Banaba. Nakakamangha talaga tong puno na to. Daig mo pa yung nasa Cherry blossoms sa Japan.
"Ang ganda talaga ng puno ng Banaba" wika ko habang nakangiti. Kung pag mamasdan mo kasi parang hindi siya totoo. Too good to be true ba ganon. Basta ganon!
"Paborito ko din puntahan itong Puno ng Banaba. Kakaiba kasi ang katangian niyang ganda". Tinignan ko sya.
Nakita ko itong nakangiti din sa puno habang pinag mamasdan.
"Sa hinaharap kaya. Mayroon pa din kaya tong puno na to dito?" Bulong na tanong ko sarili ko. Pero parang napaka lakas yata kasi sumagot si Super Lolo.
"Sana andito pa din ito sa hinaharap" aniya.
Kapag nakauwi ako. Try ko hanapin ulit itong lugar na to.
"Halika na nga. Maglatag na tayo, gusto ko na maupo. Ang layo layo naman pala ng lugar nato" reklamo ko sakanya. Pero sa totoo lang, gusto ko lang talaga mabago yung topic. Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na mag kwento tungkol sa future.
Nang makalatag na kami ng uupuan namin gamit ang isang tela ay agad agad akong naupo at inalis ang bakya na suot ko. Jusko po! Napaka tigas, sarap isampal sa mukha ni Anita. Cheret!
"Patingin nga ang iyong paa" Aniya sabay suri ng paa ko. Lord? Hindi po ako kinikilig!
Marahan niyang sinipat sipat ang paa ko. Napapa make face pa siya habang sumisipat. Kala mo tumitingin ng manok na panabong eh.
"Grabe ang pamumula ng talampakan mo." Sabi nito habang hawak pa din ang paa ko.
"Oo, ang tigas ba naman kasi ng bakya eh. Tapos ang layo layo pa ng nilakad natin". Reklamo ko.
Napatawa naman siya sa sinabi ko. Well, hindi na bago yon. Parang masaya yata sya kapag nagrereklamo ako eh.
"Nang maibsan naman ang kirot ng talampakan mo". Walang kaartehan na hinilot niya ang mga talampakan ko.
"Wag na, baka madumi yung paa ko" sabi ko sabay bawi ng paa ko. Pero hinatak nya ulit yon pabalik.
"Hindi naman madumi, sa katunayan nga niyan ay mamula mula ang mga ito" shutanes!? Bakit pa kasi kailangan ngumiti eh hihilutin mo lang naman.
"S-sige". Luh! Bat ka nauutal tih!
In fairness ang sarap niya mang hilot
Siguro ay nasa 5 minutes niyang hinihilot ang mga talampakan ko at binawi ko na ito. Nahihiya na kasi talaga ako. Napaka pasmado pa naman ng mga paa at kamay ko.
"Okay na yan" sabi ko sabay hatak ng mga paa ko.
"Sige, pero kung masakit pa yan iyan ay ipahilot mo lamang sakin para mabawasan ang pamamaga niyan" aniya. Sabay umayos ng upo patabi sakin.
Tangines! Bat naiilang nako.
"Oh baka gusto mo ito?" Inaalok niya ako ng hiniwang pakwan. Kinuha ko iyon dahil inalok na nga ako, tatanggi paba diba.
"Sige----siya nga pala. Bakit tayo andito? Pano mo to naging paborito?" Tanong ko sakaniya.
Bakas sa mukha nito ang halong lungkot at saya. Mix ng emotions parang halo-halo.
"Okay lang kung hindi ka handa ikwneto" sabi ko. Baka kasi super personal sakaniya ng lugar na to. Kaya ko lang naman na open yung topic na yon at wala na kaming ibang mapag usapan".
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)