Kasalukuyang nagaganap ang kasiyahan dito sa mansion. Wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod lang kay Percy. Sa katunayan nyan ay ngawit na ngawit na talaga yung paa ko sa kakalakad at kakatayo. Gusto ko na nga sana umupo pero nasa Sofa naman sila Margarita at masamang nakatingin ito sakin.
"Hoy Percy, mamamatay na yata ako" bulong ko sakanya habang umiinom ito ng tubig. Nilingon ako nito at seryosong tumingin sakin.
Inginuso ko naman sakanya si Margarita. Nang napatingin doon si Percy at nag iwas naman ng tingin si Margarita. Natawa naman ako.
"Oh diba? Sabi sayo mamamatay ako eh. Kung kutsilyo lang tingin ni Margarita. Baka tadtad na ako ng saksak" sabi ko habang natatawa.
"Hayaan mo na lamang sya. Hindi lang sya makapang gulo dahil bantay sarado sya ni Manang Flora" sabi ni Percy. Nakita kong titig na titig si Manang Flora kay Margarita.
Nakatayo ito sa pinto na malapit sa kinauupuan nya at titig na titig. Mukhang pinaghandaan talaga nila Manang ang balak ni Margarita.
Habang may kinakausap si Percy ay ako naman ay nakatabi lang sakanya. Nasa ganun akong senaryo ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Nang nilingon ko iyon ay nakita ko si Juancho na buhat buhat si Benito.
"Kumusta kana Mira?" Tanong nito saakin. Narinig kong pinutol agad ni Percy ang usapan nila ng kausap nyang binata at itinuon nito ang pansin niya saamin.
"Ayos naman, ilang araw kang wala ah. Tska grabe kahit saan ka talaga mag punta dala dala mo si Benito" nakangiting tanong ko sakanya sabay kuha kay Benito.
"Oo dahil nalulungkot ako kapag hindi ko sya kasama" sagot naman nito. Tumingin si Juancho kay Percy na hanggang ngayon ay nakatitig pa din samin. "May dapat kang malaman, Percy" sambit nito.
Seryoso namang napatitig si Percy at para bang nag tatanong ang mukha nito. Itinigil ko muna ang paglalaro kay Benito at tumingin sa dalawa. Baka kasi mag away nanaman sila kagaya ng huling beses na nagkita silang dalawa.
"Ano ba iyon?" Tanong ni Percy. Tumingin naman sakin si Juancho na para bang nagtatanong kung okay lang ba na andon ako habang nag uusap sila. "Kailangan din naman malaman ni Mira ang iyong sasabihin, hindi ba?".
Nakita kong napailing si Juancho.
"Magdedeklara ng gera si Don Alfonso laban sa iyong pamilya" seryosong sabi nito.
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko para akong nakaramdam ng panglalambot at panghihina. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganitong pangyayari ang lahat. Talagang napaka halang ng kaluluwa ni Don Alfonso.
"May isang huwad sainyong mansion, Percy. Isa siya sa mga mata ni Alfonso para malaman ang lahat ng inyong kilos" bulong ni Juancho habang inililibot ang mga mata nito.
Biglang napasagi sa isip ko si Margarita. Pinagtitibay lang ng mga paratang ko yung todong pagbabantay ni Manang sakanya at tska yung ginawa nila kahapon na pag mamatiyag samin.
"Hindi kaya si Margarita?" Tanong ko naman sakanilang dalawa. Napailing lanh naman si Juancho sa tanong ko sakanya.
"Malabong si Margarita. Dahil ang bawat kilos ninyo ay naipaparating kay Alfonso" sabi nito .
"Hindi kaya, ikaw ang Huwad?" Seryoso sabi ni Percy. Napa ngisi lang naman si Juancho sa sinabi nito.
"Kung ako ang huwad ay bakit andito ako at sinasabi sainyo ang mga bagay na ito, hindi ba?" Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)