Day 11

73 7 0
                                    

Naghahanda at nag aayos kasi ng mansion ngayon. Dahil may gaganapin daw na kasiyahan mamaya dito. 

"Senyorita Mira, kami na lamang po ang gagawa ng mga ito. Sa kwarto na lamang po kayo at magpahinga, para mapag handaan po ninyo ang kasiyahan mamaya" sabi ng isang katulong na inaagaw sakin ang walis tambo.

"Ayos lang po, nakakabagot po kasi kapag walang ginagawa. Tska ganun ba ka garbo ang gaganapin mamaya kaya kailangan pang pag handaan?" tanong ko sa katulong habang nag pupunas ng mga furnitures.

"Ay nako opo naman. Lahat ng mga may mataas na antas sa buhay ay dadalo mamaya. At kailangan niyo po mag handa dahil madaming nag gagandahang mga lalaki ang dadalo mamaya" natatawang sabi nito. Napailing iling naman ako sa sinabi nito.

Pero at the same time, napapa isip din ako sino sino kaya ang mga mayayaman na dadalo mamaya. 

"Hindi ko pa po kayo kilala. Ano ba pangalan ninyo. Para naman po may nakakausap din ako dito at hindi puro si Percy lang" sabi ko saknila habang nagwawalis sa sahig.

"Senyorita, Ako po si Victoria" sagot ng nag aagiw na katulong "Bente-Singko anyos".

"Ako naman po si Minda" sagot ng babaeng umaagaw ng walis  ko kanina "Bente-Singko anyos. Kapatid ko po si Minerva, Senyorita Mira, na nasa mansion po ninyong mga Salvio". Nagulat naman ako sa sinabi niya. Dahil papaanong nagkahiwalay silang magkaptid.

"Ako naman po si Belinda, bente-syete anyos na po ako at nanay ko po ang mayordoma dito si Manang Flora" sabi naman ng isang katulong na nag pupunas ng mga muwebles ng bahay.

"Halos magkakaedad lang pala tayong lahat." natatawang sabi ko "kasi ako bente-singko na din". Lumapit saakin si Minda at kunyaring nag-wawalis ito. Bumulong ito at nagtanong sakin.

"Senyorita Mira, Kumusta naman po ang aking kapatid na si Minerva?" tanong niya habang nagwawalis at hindi nakatingin sakin.

"Ayos lamang sya, maayos naman ang kalagayan niya don" sabi ko sakanya. Bahagya namang tumingin ito sakin. Na para bang nanghihingi pa sya ng impormasyon. "Huling kita ko sakanya ay okay sya. Napapakain naman ng maayos sa bahay at maayos din ang pakikiyungo sakanya roon. Kay Donya Carmen siya nag tatrabaho" dagdag ko pa.

Napatayo naman sya ng tuwid at bahagyang nagpakawala ng hiniga. Para bang nabunutan siya ng tinik sa mga sinabi ko. Kahit na may pangamba ako na baka napaano na si Minerva dahil isa sya sa mga tumulong para makatakas ako sa selda.

Nagpatuloy lang kami sa pag lilinis. Halos hindi nga namin namalayan ang oras. Hindi na ako tumulong sa paglalabas ng mga plato at iba pang gagamitin para sa kasiyahan mamaya. Talagang pinahinto na nila ako. Si Minda naman ay tinulungan niya akong mag ayos at mag hanap ng damit na gagamitin ko mamaya.

Ngayon ay nasa kwarto kaming dalawa ni Minda, siya ang inutusan ni Percy na sasama sakin at magiging katulong ko dito.

"Ahm Minda?" tawag ko sa atensiyon niya. Busy kasi itong pina plantsa ang filipiniana na gagamitin ko mamaya. "Bakit sa Hacienda namin naninilbihan si Minerva at hindi dito? tanong ko sakanya habang ako naman ay nasa harap ng tukador at namimili nhg alahas na susuutin.

Nakita ko sa repleksiyon ng sakamin ng tukador na lumingin ito sakin.

"Labing-limang taong gulang po ako non at labing tatlo naman si Minerva ng mapag desisyunan po ng aming mga magulang na maghiwalay. Ako po ay naiwan sa aking Ina at si Minerva naman ay sa aking Ama." kwento nito habang patuloy lang sa pag plantsa. "Kaso ang aming ama ay sugarol at lasinggero kaya naman ay nabaon ito sa utang. Ipinagbili nya sa mga Salvio si Minerva, kapalit ay pera" dagdag nya pa.

Nang matapos sya sa pag plantsa ay inilapag nito sa kama ang isusuot kong filipiniana mamaya para sa kasiyahan mamaya. Nilingon ko sya sa likod ko at nagtanong.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon