Naramdaman kong nakahiga ako sa isang malamig at matigas na semento. Napakasakit ng katawan ko, ganun din ang ulo. Nagmulat ako ng mata at tama nga ak. Nakahiga ako sa semento.
"Tulong! Tulong, palabasin niyo ko rito!" kinalampag ko ang pinto. Nasa kulungan ba ako? Ang pintuan na to ay makapal at may roon ding konting butas na may nakarang na rehas.
Idinungaw o ang mukha ko don at sumigaw ng sumigaw ng tulong. Kinalampag o din ng maraming beses baka sakaling may makarinig saakin sa labas.
Ganoon nalang din ang paninigas ng katawan ko ng makita ko si Don Alfonso na papalapit sa kinaroroonan ko. May hawak itong tungkod at humihithit ng malaking sigarilyo.
Nang makalapit ito sa pintuan ay nakita kong ngumisi saakin. Sinenyasahan niya rin ang mga guardia na umalis sa lugar na yon.
"Tsk. Kung ang akala mo ay makakatakas ka sa akin Fely ay doon ka nagkakamali" nakangising sabi nito saakin. Galit na galit akong tumingin sakanya. Nakakakulo ng dugo ang lintek nato!
"Hibang kana tanda!" sigaw ko sakanya. Nakita ko kung paano nag iba ang ekspresiyon nya. "Hindi ako si Fely, Ako si Mira! Mira! Kung sa tingin mo ay maaalipin mo ko kagaya ng ginawa mo kay Lola Fely, pwes, ako ang magiging sumpa mo!"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at tumitig ito saakin. Binatawan niya ang tabaco niya at inapakan ito. Lumapit pa siya lalo sa pintuan at dinuro ako.
"Tama nga ang hula, darating ang sumpa sa pamilyang ito at mag bubunga ng isang malaking gulo!" sigaw niya habang dinuduro ako. "Ibigay ninyo saakin ang susi ng seldang ito, ngayon din!". Lumapit ang isang guardia kay Don Alfonso at ibinigay ang isang malaking susi.
Ganun na lamang ang abot ng kaba ko ng tuluyan ng mabuksan ni Don Alfonso ang selda kung nasan ako. Wala akong ibang matatakbuhan dito.
Ayoko pa po mamatay Lord!
Lumapit ito saakin ng dahan dahan, habang ako naman ay todo ang atras. Nanginig nalang ako sa takot ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga palad sa pisngi ko. Halos mag manhid ang mukha ko dahil sa sobrang lakas ng impact non.
Hinaltak niya ang buhok ko at sinira ang damit ko para tuluyang makita ang likod ko. Hinawi niya ang mahaba kong buhok at tila ba parang may hinahanap siya sa likod ko. Nagwala ito sa loon ng selda at pinag hahampas ako ng kanyang baston.
"Hindi ikaw si Fely! Ilabas mo si Fely! Isa kang impostora" sigaw niya habang hinahampas ako ng baston sa likod. Maiyak iyak na ako sa sakit! Hindi ako makalaban ng patas sakanya.
"Wala akong alam kung nasan siya! Pero mabuti na yon." kahit masakit ang katawan ko ay nagawa ko pa din humagalpak. Kitang kita sakanya ang pagkainis kaya naman pinagsasampal pa ako nito.
Lord, buti nalang di ko naging tatay to.
Nang tigilan niya ako sa pang gugulpi ay halos di na ako makagalaw sa sobrang sakit ng inabot ko!
"D-demonyo ka, tatandaan mo to Don Alfonso. H-hinding hindi kita ituturing na angkan ko" nanghihinang sabi ko. Napatingin naman sakin si Don Alfonso. Nilapitan niya ako at hinawakan sa buhok.
"Ang pagiging isang suwail na bata ay hindi taglay ng aming angkan." padarag na binitawan niya ako at sabay nauntog pa ang ulo ko sa semento. Demonyo talaga! "Tawagin niyo dito ang babaylan, ngayon din. Baka sinasapian lamang ng masamang espirito hetong si Fely".
Umalis sila Don Alfonso kasama ang mga Guardia Sibil. Narinig ko ring kinandado nila ang selda. Nang makaalis sila ay doon na ako pumalahaw sa sakit at galit. Ni wala akong nagawa para lumaban. Hindi ako pwedeng mamatay ng ganto ganto lang.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)