24.

45 4 4
                                    

Nang makarating ako sa kwarto ko ay hindi ko pa rin mapigilan yung inis ko. Gigil na gigil pa din talaga ako.

"Ano ba ang tunay na nangyari?". Bilis naman makasunod ng Lolo nyo.

Tinignan ko ito, at agad na napairap.

"Tinawag ba naman akong muchacha, parang g*go. Ganito pa pagkakasabi ko Muchacha, nasaan si Percy. Sinong hindi mapipikon don kung pwede naman siya magtanong ng maayos" reklamo ko. Hindi ko pa napigilan mag make face habang sinasabi yung mga lintanya niya kanina.

"Yun lang?" Tanong niya.

"Oo, tapos sinabi ko sekreto niya. Tapos hinablot niya buhok ko. Edi nung nakapalag ako, binira ko siya". Kwento ko. At take note! With action!

"At tska wala siyang karapatan na tarayan ako. Maldita ako--Nginingiti ngiti mo diyan? Gusto mo ikaw sapakin ko?" Ganda ganda ng kwento. Wala na siyang ibang ginawa kundi ngumiti.

Nakakairita!

"Ang ganda mo kasing pag masdan". Nakangiting sabi nito. "Tinanong ko lamang kung ano ang bahagi ng iyong kwento. Ayoko lamang iparamdam sayong muli na, hindi ko pinakikinggan ang iyong kwento". Kinindatan ako be!

(>⁠.⁠<)

Umalis na ito sa kwarto ko ng walang sabi sabi. Habang ako eto, naiwan nanamang nakanganga.

Literal na ganito itsura ko oh (¯⁠\⁠_⁠〳⁠ ⁠•̀⁠ ⁠o⁠ ⁠•́⁠ ⁠〵⁠_⁠/⁠¯)

Putang!na!???

Kikiligin ba ako? Or dapat lang na magpasalamat ako kasi this time pinakinggan niya na kwento ko at hindi basta bastang hinusgahan yung actions ko.

"Teka lang, parang may mali eh. Parang mali di ako sanay eh. Palagi akong pinag bibintangan ng hinayupak na yon eh". Pa sikreto ko siyang sinundan papuntang sala.

Nasa hallway ka palang pababa ng hagdan pero rinig na rinig mo na yung nakakarinding boses ni Margarita.

Alam niyo sa totoo lang? Kung andito lang kayo sa sitwasyon ko, baka matagal na kayong nabitay.

"Pinaniwalaan naman ninyo ang baliw na iyon? Alam naman ninyong nag pinag seselosan niya ako kaya ganoon niya ako itrato!" Galit na sabi nito.

Hindi ko na kailangan bumaba pa ng hagdan o sumilip para lang marinig kasi yung boses niya parang naka mic na.

Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng satisfaction. Una, SATISFIED kasi nasapak ko siya ng madaming beses. Pangalawa, SATISFIED kasi galit na galit siya ngayon at hindi siya makabawi.

"Hindi naman magagalit ng ganoon si Mira kung hindi mo siya tinawag na isang muchacha. Mayroon siyang sariling pangalan at puwede mo naman siyang tawagin sa pangalan nito. Naka depende nalang iyon kung intensiyon mo talagang galitin" boses ni Juancho yon.

Pero korek! May tama ang Lolo mo.

"Sa iyong palagay? Mukha bang isang muchacha si Mira sa pamamahay kong ito. Nakita mo na ba siyang pinag silbihan ka kagaya ng ginagawa ni Manang? Hindi magagalit ang isang tao kung wala kang ginagawa na ikakagalit nito". Pagtatanggol sakin ng super Lolo nyo!

Thank god!

May nagsalita na para sakin.

"Ngunit,nakita ninyo kung paano niya ako saktan at maltratuhin. At sakaniya pa kayo kakampi?" Rinig sa boses ni Margarita na pumipiyok na ito. Siguro paiyak na.

"Nag tutugma naman ang kwento mo sa ikinuwento ni Mira. Galing na sa iyong mismong bibig na tinawag mo siyang isang muchacha". Ani Percy.

Taas noo akong lumakad pababa ng hagdan. Unang nakakita saakin si Juancho kaya naman napalingon na saakin ang dalawa.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon