Halos mag dadalawang araw na pero wala pa din sila Percy at Juancho. Kinakabahan ako sa isipin na baka kung ano na nangyari sakanila. Baka tinambangan pala sila pauwi at ni- massacre ng mga tauhan ni Don Alfonso.
"Senyorita, kailangan ninyo pong kumain. Kalahating araw na pong walang laman ang inyong tiyan. Baka naman po ang mapano niyan" sabi ni Manang Flora habang dala dala sa isang lagayan ang pagkain na iniluto nya.
Kaninang umaga ay dinalan nya lang ako ng tinapay at kape. Pero hindi ko man lang nagalaw ang tinapay. Kasi wala talaga akong gana kumain eh. Ramdam ko naman ang gutom pero kada pinipilit kong kumain ay nasusuka ako. Yung feeling na gutom ka pero ayaw tanggapin ng katawan mo ang pagkain.
"Manang, wala po talaga akong gana. Pasensya na po talaga." Pagpapaumahin ko sakanya.
Narinig kong napa buntong hininga ito sabay kinuha ang pandesal na inihain nya kanina at inilagay ito sa tray na dala dala niya.
"Ikinasisiguro ko ho sainyo Senyora na nasa mabuting kalagayan po si Percy. Ang batang iyon ay magaling at matalino sa pakikipag laban. Kaya namn po ay magtiwala kayong babalik ito ng buhay." Pag papagaan ng loob sakin ni Manang habang nakaupo ito sa upuan na malapit sa kama ko.
Kahit naman alam kong matalino siya ay magaling. Hindi ko pa din maialis sa isipan ko na dalawa lang sila ni Juancho at ang mga tauhan ni Don Alfonso ay marami at malakas.
"Manang, bumalik nalang kaya ako para matapos na ang gulong to na ako naman ang nag simula" tanong ko kay Manang habang nakatulala pa din sa kawalan.
"Ay nako Senyorita, nahihibang na ho yata kayo. Kung babalik ka ay malaki ang tiyansa na ipapatay ka ng sarili mong ama. Maaaring ganoon din ang gawin niya kay Percy" may pag aalalang sambit ni Manang.
Napatingin ako kay Manang Flora at kitang kita sa mukha nito ang pag aalala at kalungkutan.
"Dahil si Percy ang nag protekta at nagtatanggol saiyo kaya naman ay lahat ng naging konektado sa iyo ay maaaring ipapatay din. Kasama na rin ako doon" dagdag pa nito habang nangingilid ang mga luha.
Tumayo ako sa pagkakahiga at niyakap si Manang. Siguro masyado akong naging padalos dalos sa mga desisyon ko. Siguro ay hindi ko ganoon kakilala si Don Alfonso kasi nga wala naman akong kahit anong ala ala patungkol sakanya. Basta nalang akong nalipat sa buhay na mayroon si Lola Fely.
"Pasensya na po kayo. Hindi naman po talaga ako si---. Hindi ko naman po talaga kakilala ang aking Ama" pagtatama ko sa sinabi ko.
Nako muntikan na akong madulas?!
Takteng pag iisip kasi yan. Kung ano nasa isip ko yon din ang lalabas sa bibig ko.
"Oh siya sige na. Ako ay madami pang gagawin sa ibaba. Senyorita, kumain na po kahit konti lamang. Mauna na ho ako" pag pupumilit ni Manang sakin bago ito umalis.
Tumango tango nalang ako sakanya bilang tugon. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya naman napaka hirap kumain dahil nawawalan ako ng gana.
Bukod sa pag aalala kay Percy at Juancho ay iniisip ko din yung kaganapan na nakita ko noong nakaraan. Kung ano ang ginawa ni Minda sa hardin.
Sinubukan ko iyong puntahan kahapon pero nagulat nalang ako nung biglang sumulpot sa likod si Minda. Tinanong nito kung ano ang gagawin ko sa hardin. Sinabi ko na magpapahinga lang ako pero pinilit niya akong wag akong pumunta doon dahil lilinisan niya pa daw iyon at mag puputol ng mga halaman na masyado ng malalaki.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)