Sa pag iikot ikot namin ay itong abaniko, kamiseta at mga dahon na nabili ko sa bata.
Madami ka naman pwede mabili kaso puro mga gamit sa bahay lang. May palayok, sandok, ganon. Eh aanhin ko yon diba? Eh yung mga gamit nila Percy eh mukhang mamahalin.
"Wala na bang ibang pwedeng bilin? Mga damit ganon?" Tanong ko sakaniya.
Nakaupo na kami ngayon sa isang bench sa ilalim ng puno ng Acacia.
"Kamiseta lang ang madalas itinda ng mga tao. Ang mga damit na traje ay madalas ipinapagawa iyon sa mga mananahi" paliwanag niya.
"Sa lawak ng tindahan dito puro mga gamit sa bahay lang ang nakikita ko" patanong na sabi ko sakaniya.
"Mas madaling maibenta ang mga ito. Hindi na lingid sa kaalaman natin na ang mga ilocano ay mahilig mag luto" aniya.
Sabagay totoo naman yon. Mas prefer ng mga ilocano na magluto sa palayok at mga kahoy na gamit.
"Percy--- kumusta kana?"
Napatingin kaming dalawa sa pinang gagalingan ng boses na yon.
Isang napaka gandang babae ang lakad takbong papalapit sa pwesto namin.
"Ngayon na lamang kita nakita--" ani ng babae.
Nang tuluyan ng makalapit ito ay agad itong umupo sa tabi ni Percy. Para bang hangin lang ako.
"Hindi ko naman alam na andito kana ulit namamalagi sa Paoay." Aniya na bakas na bakas sa mukha niya na ang saya saya niya.
Ewan ko pero nag iba vibes ko sakaniya.
Para siyang papansin na GBF.
"Ah, siya nga pala si Mira. Siya ang kasama ko ngayon" pag papakilala niya sakin. Kahit na hindi ko feel ang vibes sa palagid ay ngumiti pa din ako.
"Si Anita nga pala." Pagpapakilala niya naman sa babaeng kaharap namin.
Pero hindi ko maitatanggi na maganda siya. Siguro ay ka level niya ang ganda ni Lucinda. Mala Maria Clara ang itsura. Maputi, sopistikada at higit sa lahat mala anghel ang mukha.
"Ikinagagalak kitang makilala---Halika! Ililibot kita". Anito. Pwersahan niyang hinihila si Percy na sumunod ito sakanya.
"Ngunit, nakita mo naman na may kasama ako" sabi ni Percy habang pilit pa din itong hinihila.
"Saglit lamang ito. Hindi tayo mag tatagal". Naiirita ako.
Nang marinig ni Percy na saglit lang naman iyon ay nagpatianod na ito sa pag kakahila ni Anita.
Hindi ko alam pero nakakabastos lang. Alam na may kasama pero kung maka hatak akala mo nag iisa lang siya. At hindi man lang ako inaya ma sumama.
At ito namang Lolo na to eh nagpahatak naman.
"Nakita mo ba iyon? Si Anita at si Percy ay muli ng magkasama?" Bulong ng isang babae. Hindi ko na nilingon kung sino pa yon.
"Magkakabalikan kaya sila?" Huh?
"Kung hindi lamang nakisali noon si Margarita ay baka matagal ng ikinasal ang dalawang iyan"
"Sayang naman"
"Kung ako kay Percy ay muli ko itong liligawan".
"Akala ko ay haka haka lamang na naging sila noon".
"Iyan din ang alam ko. Pero ipinabalita noon ng mga magulang ni Anita na totoo ngang may naging relasyon sila at sinira ito ni Margarita. Ginamit niya si Percy upang maging isang principalia"
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)