1 year later....
PERCY
ISANG TAON na ang nakakalipas ngunit ang pighati ng kahapon ay nakatatak pa rin. Hindi ko maiwaksi. Kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataon na maibalik ang kahapon ay gagawin ko. Maitama lamang ang pagkakamali ko.
"Wala akong kahit na anong balita. Hindi na rin nagsasabi saakin si Don Alfonso ng kaniyang mga plano" paliwanag saakin ni Juancho habang nakaupo ito sa silya na nasa gilid ng lamesa ko.
Napahawak nalang ako sa buong ulo ko dahil sa kabiguang mahanap si Mira. Buong Paoay at Laoag ay napahalughog ko na ngunit wala kahit anong bakas niya.
"Mag iimbestiga pa ako hanggat sa kaya ko. Bukas ay may transaksiyon magaganap si Don Alfonso sa pagitan ni Bernardino. Baka sakaling doon ay may makausap ko siya ng masinsinan" aniya. Tumayo ito at inayos ang kaniyang suot. "Mauna ---"
Hindi na naituloy pa ni Juancho ang sasabihin niya dahil bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Anita. May dala dala itong bandeha na may lamang pagkain.
Nagkatinginan na lamang kami ni Juancho at lumabas na ito ng silid.
"Kumain kana. Ito, ipinagluto kita ng paborito mo" nakangiting wika niya sabay lapag ng pagkain sa aking lamesa.
Wala akong gana.
Wala akong gana sa lahat.
Masiyado akong nilalamon ng kalungkutan at konsensya.
"Wala akong gagana. Kakain ako kung kailan ko gustong kumain" walang emosiyong sabi ko.
Ayaw ko lamang maging bastos sakanya ngunit masiyado na akong naiirita sa ugali niyang ganito. Umaasta siya na animo'y kabiyak ko siya. Minsan ay iniisip ko na lamang ang turo ng aking Ina na huwag mananakit ng kababaihan.
"Kakain ka kung kailan mo lamang gusto? Ang huling kain mo ay kahapon pa. Ang kinain mo lamang ay saging at tinapay" ramdam sa boses niyang naiinis na ito.
Padabog itong naupo sa upuan at tinignan ako ng masama.
"Huwag mong sayangin ang buhay mo dahil lamang sa babaeng iyon. Andito naman ako! Percy, ako ang andito!" Sigaw nito saakin.
Heto nanaman tayo!
Sa mga litanya niyang paulit ulit na lamang.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko para lamang mapansin mo ako? Ano pa bang pagkukulang ang dapat kong punan!"
Isa isang nagbagsakan ang kaniyang mga luha ngunit wala akong maramdamang awa sakaniya. Siya naman ang may gustong manilbihan dito at ipagsiksikan ang kaniyang sarili.
Dumadagdag pa siya sa sakit ng ulo ko.
Napakahilot nalang ako saaking sentido-kumon dahil parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa upang matakasan ko itong babae na ito.
"Anita, maawa ka sa iyong sarili. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na matagal na tayong tapos. Matagal na tayong natapos" sabi ko sa mahinahong boses kahit na ang totoo ay gusto ko ng magwala at manakit nh tao.
Padabog itong tumayo at isa isa nitong pinagbabato ang mga gamit na mahawakan niya. Sinabayan narin ng mga sigaw at panaghoy.
"Ano ba! Ano pa bang kulang. Ano pa bang dapat kong gawin para mapasaakin kang muli! Mahirap ba" sigaw niya sabay ibinalibag nito ang lamparang nagsisilbing liwanag tuwing gabi.
Wala na akong lakas para pigilan pa siya. Masiyado na niyang sinimot ang pasensya ko. Agad akong tumayo para lumabas na ng silid. Para makalanghap na rin ng sariwang hangin at para na rin ipalinis ang nasirang lampara.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)