Day 16

67 4 0
                                    

"Kailangan naming umuwi ni Juancho sa Badoc upang magtanong tanong sa mga tao doon kung may impormasyon sila sa aking mga magulang. Kaya naman ay bukas na bukas ay kailangan na naming umalis" paalam sakin ni Percy.


Napatango tango nalang ako bilang tugon. Papatulog na sana ako kanina ng inaya niya akong maglakad lakad raw muna kami sa hardin. Hindi raw siya makatulog kaya naman nagpa-sama siya saakin na magpalamig sa labas.


"Hanggang kaylan kayo don?" tanong ko. Napahinto siya sa paglalakad kaya naman huminto din ako. "Paano ako dito, eh diba may galamay si Don Alfonso dito sa bahay?" 


"Saglit lamang kami doon. Alam kong malakas at matalino ka. Hindi ka basta basta makukuha ng iyong Ama" sabi nito sabay ngiti at hawak sa ulo ko.


Oo tama naman iyon, malakas naman talaga ako pero kahit papaano ay natatakot pa din ako sa pwedeng mangyari sakin. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong samahan at pagkatiwalaan dito sa loob. Paano kung kakain kami tapos may lason pala yung kakainin ko diba?!


Napaka-overthinker?!


"Oo alam  ko yon, pero sino pagkakatiwalaan ko?" tanong ko sakanya. Bumuntong hininga ito ay tumingala sa kalangitan.


"Ihahabilin kita kay Manang Flora.Sakanya ka lamang tatanggap ng kahit na ano. Sa ngayon ay siya lamang ang alam kong mapagkakatiwalaan dahil matagal na siya saamin" sabi nito. Tumingin ito saakin at hinawakan ang pisngi ko. Gulat naman akong napatingin sakanya.


Kinikilig nanaman ang kiffy ng Lola niyo?! Eme lang!


"Mag-iingat ka. Babalik ako" sabi niya sabay ngiti. 


Wala akong ibang naging response sakanya kundi ang tumitig nalang sakanya. Natatakot ako na baka sa araw na to hindi na sya bumalik. Paano kung eto pala yung araw na may isa samin angmapapahamak.


Napabuntong hininga nalang ako para naman mabawas bawasan ang tensyon sa katawan ko.


Hinatid ko siya sa pinto. Andon na pala si Juancho na nag hihintay sa doon ng kalesa na sasakyan nila papuntang Badoc. Kumaway ito sakin bago umalis at kinawayan ko din sila.


Saglit pa akong napatitig sa papalayong sasakyan nila. Ni hindi ko na nga namalayan na nasa tabi ko na pala si Belinda.


"Saan daw po ang punta nila Senyorita?" tanong nito saakin. At dahil delikado na ang mga bagay bagay ngayon kaya naman ay nag sinungaling nalang ako kay Belinda.


"Hindi ko rin alam eh. Hindi niya naman sinabi sakin. Basta daw ay may importante silang gagawin ni Juancho" sabi ko sakanya  sabay alis sa pintuan. Naramdaman ko namang sumunod ito saakin papasok ng bahay.


Dumiretso ako sa pribadong kwarto ni Percy. Siguro naman ay okay lang sakanya na pumunta ako doon. Isa naman siguro ako sa pinag kakatiwalaan sa bahay na to.


Nang makapasok ako doon ay sinigurado kong nakakandado yon ng maigi. Mahirap na at baka may makapasok na iba. Baka mamaya ay may importanteng mga bagay pala dito na katago tago niya.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon