"Binibini, paanong hindi mo alam. Eh nakita kita sa hindi kalayuan ng aming hacienda na naglalakad at bigla nalamang natumba. Pakiwari ko'y nasisiraan kana ng ulo" natatawang sabi nito sabay upo ulit sa rocking chair na nasa tabi ng kama.
Tarantadong to! Talagang pinag kamalan pa akong baliw. Eh sa hindi ko naman talaga alam kung paano ako napadpad dito. Ang naalala ko nalang ay yung hinawakan ko yung self portrait ni Lola Fely tapos bigla akong nahilo.
Oo tama!Yung self portrait ni Lola?! Hindi kaya may kinalaman yon kaya napunta ako dito.
Kung uuwi naman ako saamin ay baka patayin ako ni Don Alfonso. Kagaya ng sabi ni Donya Carmen may mga kayang gawin si Don Alfonso sakanila.
Bumalik ako sa wisyo ng kinalabit ako ni Impaktong Lalake na to. Malay ko ba kung ano pangalan nya. Hindi nya bagay ang pangalang Percy at Adriano.
"Binibini, napapatulala kana lamang dyan. Kaya siguro nag kakaganyan ay dahil sa matagal ka ng nagutom at nauhaw sa iyong pag lalakbay. Halika't mag almusal tayo sa ibaba" anyaya nito saakin.
Iniabot nito ang kanyang kamay saakin. Tinitigan ko lang ang kamay nito at ayoko talaga sumama. Nahihiya talaga ako.
"Binibini, kailangan mong kumain. Mamaya ay ihahatid kita sa Laoag" anito sabay punta sa bukana ng pintuan.
Tumayo naman ako hinabol sya. Hinawakan ko ang kamay nyang grabi ang muscles. Nilingon ako nito at tinitigan ang kamay ko na nakahawak sa braso.
Nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko ay agad ko din itong binitawan at tumungo.
"Wag mo akong iuwi sa Laoag. Panigurado papatayin ako ng mga tao don" sabi ko habang nakayuko. Siya naman ay sinuyod ako ng tingin "Tska isa pa. Hindi ako ang na sa picture na yan. Si Lola Fely ko yan"
"Binibini, malayo sa hulog ang iyong sinasabi. Pangalan mo at mismong larawan mo ang nakalagay sa karatula. Galing itong karatula na to noong dumaan kame sa Loaog papuntang Bacarra" ani nito na halatang hindi naniniwala sa kwento ko.
Ako pa pag dududahan ng bonak na to!
"Ang kulit mo hindi nga ako yan, sa lawak ng buong ilocos sa tingin mo iisa lang ang gantong mukha?" Turo ka sa sarili kong mukha. "Isa pa, kaya ayaw ko umuwi ng Laoag kase ano--" paputol putol na sabi ko. "Kase, tumakas ako samin kase binibugbog ako ng tatay ko. Pag nakita ako non nako" pag papalusot ko. Napatango tango naman sya at hinila na ako palabas ng kwarto.
Habang pababa kami ay nakita ko kung gaano kalake ang bahay nila. Kung gaano kadaming antique na bagay na andon. Sa hallway nila pababa sa hagdan ay mga self portrait dito. Self portrait nilang family tska picture nitong asungot na to.
Asan ba kase ako? Ano bang meron, nananaginip ba ulit ako?
Kinagat ko ang labi ko, masakit?!
Ibig sabihin ay talagang totoo nga lahat ng nangyayaring to. Pero paano?
Nang makababa kami ay nagulat na lang ako dahil nakita ko ang mga tao don na nakasuot ng mga "saya" at "filipiniana". Para talaga akong nasa panahon ng kastila.
Teka kasi pero paano?
"Ina, heto po ang binibini na aking kinwento sa iyo na naligaw sa ating hacienda. Mukhang ilang araw na yata itong walang kain, kaya kung ano ano nalamang ang kanyang nga sinasabi" natatawang kwento ni Percy sa kanyang Ina.
Napaka ganda naman ng ginang na to. Paraa syang si Kristine Hermosa sa ganda!?
Sinuyod ako ng tingin ng kanyang Ina. Mula ulo hanggang paa ay tinitigan ko nito.
"Iha, bakit ganyan ang iyong suot?" Nguso nito sa damit ko habang kumakain sa lamesa.
Tinignan ko naman ang damit ko. Napagtanto kong ang suot ko pala ay kulay blue na short shorts at sandong puti.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)