32.

44 4 39
                                    

Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng komusyon sa loob ng bahay. Dahil chismosa ang lola ko. Namana ko yon. Kaya naman itinapat ko ang tenga ko sa pinto para mas marinig ko pa lalo kung ano ang nangyayari sa loob.

"Hanggang dito na lamang ba tayo? Percy, ipinangako mong pakakasalan mo ako" delulu! Pinangakuan na nga gusto mo pa tuparin niya?

"Oo ngunit noon iyon. Iba na ngayon, Anita. Nagbago na ang lahat" paliwanag naman ni Percy.

Para yatang nagkakainitan na dahil may mga bagay ng bumabagsak at ibinabato sa loob ng bahay.

"Si Mira ba ang dahilan? May gusto kaba sa kaniya. Kaya hindi mo na ako kayang piliin ngayon?"

*Dead air*

Walang naging sagot si Tanda.

"Walang kinalaman dito si Mira. Matagal ng tinangay ng panahon ang nararamdaman ko para sa iyo Anita".

"Bakit hindi mo na lamang aminin na si Mira talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya ka nag gaganiyan" rinig na sa boses ni Anita ang pag hikbi

At wala na akong ibang narinig na sagot mula kay Percy. Kaya naman bago pa ako mahuli ay lumayo na ako sa pinto.

Umikot nalang ako papuntang main door para hindi sila mag hinala na narinig ko ang usapan nila mula sa kabilang pinto.

Akmang bubuksan ko palang sana ang main door ng lumabas mula roon si Anita na umiiyak.

"Kasalanan mo lahat ng ito!" Sigaw niya sa mukha ko. Sabay nag martsang paalis. Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya sa mukha ko.

Tumalsik ba naman yung laway niya sa mukha ko! Kadiri.

"Kasalanan mo dahil ahas ka. Mang aagaw at mang gagamit".

Hindi pa ako nakaka recover sa laway niyang tumalsik sa mukha ko ng bigla niya akong sinabunutan at pinagsasampal.

At dahil maldita ako ay lumaban ako. Hindi ako pinalaki ng lola ko na para apihin lang.

Nang nakabawi ako sa pagkabigla ay sinabunutan ko siya ng malala. Talagang inikot ko sa buong kamay ko ang buhok niya.

"Wala kang karapatan na saktan ako at wag mong sinusubukan ang pasensya ko! Ang tagal kong magtimpi sa kasamaan ng ugali mo!" Habang nakasabunot pa din sa buhok niya.

Ganun din siya, nakasabunot din sa buhok ko pero mas lamang ako dahil napatumba ko ito sa sahig. Pinatungan ko ito at pinagsasampal at pinag susuntok ko siya sa mukha.

"Percy, tulungan mo ako!" Sigaw nito habang iniilagan niya nalang ang mga sampal ko.

"Kung maldita ka, pwes! Mas matindi ang kamalditahan ko!"

Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko at walang awang pinag hahataw ito. Sabi ko kay Lord, bigyan ako ng mahabang pasensya. Pero pati yata si Lord napikon nalang din eh.

Makailang beses ko pa sya pinagsasampal ng maramdaman ko na may humahatak na sa balikat ko.

"Tama na, Mira. Baka mapatay mo" si Juancho pala yon. "Mira----huwag mong ilagay sa kamay mo ang dahas".

Natauhan ako sa sinabing yon ni Juancho. Dahil oo nga pala. Hindi uso ang barangay-an sa panahon na to. Execution agad! Firing squad! Garote!

Habang si Percy naman ay inalalayan si Anita na tumayo. Napaka arte! Hindi naman pala kakasa sakin. Yumakap agad ito kay Percy habang umiiyak.

"Grabe ang pang aapi ng baliw na yan! Baliw kagaya ng kaniyang Ama" aniya. Dinuro duro pa ako. "Percy, tingnan mo ang ginawa niya" ipinakita nito ang kaniyang mga natamong sugat, kalmot at pasa sa mukha niya.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon