Day 21

53 5 0
                                    

Ang pinaka goal ko lang naman sa paglalakbay na ito ay yung tuluyan ng magkatuluyan Si Lola Fely na bilang ako at si Tandang Percy. Pero sh:utanes ang daming problema na kailangan harapin.


Ilang oras lang akong binantayan ni Manang Flora kasi bigla siyang pinauwi ni Percy. Nagulat nga din ako na andito na siya bigla eh. Ang inaasahan ko ay bukas o mamayang hapon siya pupunta dito. May hinabilin din sya kay Manang na importante kasi lumayo sila saakin.


Deserve ko ba malaman, ang tanong?


"Alam kong makakasama sa iyong pag galing ito ngunit hinabilin saakin ni Juancho na sabihin ko saiyo ito." panimula niyang sabihin sabay upo sa upuan na nasa gilid ko.


"Ang iyong ama ay makikipag sanib pwera sa pamilya ng mga Laurel at Antonio. Kung matutuloy man iyon ay magkakaroon ng pagsalakay dito sa Paoay." napahilamos nalang siya sa mukha habang kinukwneto iyon.


Samantalang ako naman ay nakaramdam ng kaba at takot. Kaba na baka matuloy yung plano ni Don Alfonso at takot na madaming madadamay kapag nangyari yon.


"Anong balak natin?" tanong ko.


Napabuntong hininga siya. Ramdam na ramdam mo talaga sakaniya yung stress sa lahat ng nangyayari.


"Iniisip kong makipag kasundo sa pamilya De Vera sa bayan ng Currimao. Matalik silang kaibigan ng aming pamilya. Magbabaka sakali ako na baka matulungan nila tayo". 


Tumayo ito at pumunta sa bandang paanan ko. Sumandal sya sa kama at tinitigan ako ng taimtim. 


"Anong klaseng titig naman iyan?" reklamo ko. Paano kasi nakakaloko yung titig niya. Parang trying hard siya na mag mukhang nag aalala.


"Sa madaling panahon sana ay kailangan kong umalis, ngunit sa susunod na linggo pa makakauwi rito si Junacho. Walang ibang titingin sainyo. Paano ka kung wala ako sa tabi mo?" putangina? kikiligin ba ako? o maiinis?


"Eh ano naman? Kaya ko naman ah. Tska wala naman sigurong mangyayaring masama kung wala ka. Kung hindi ka mag mamadali eh baka sa isang araw sugudin na tayo ni Alfonso?" pagtataray ko.


Napangiti siya sa sinabi ko, lumapit ito sakin at piniga yung pisngi ko. Napataas naman ako ng kilay sa ginawa niya.


"Alam ko namang kapag nawala ako ay hindi ka makakain ng maayos". sabi niya habang tinataas taas ang mga kilay niya.


Inaasar yata ako ng Tandang to eh.


"Kapal naman mukha mo!"


"Kaya hindi na muna ako aalis sa iyong tabi para naman magtuloy tuloy ang iyong paggaling. Hihintayin ko na lamang ang pagdating ni Juancho" paliwanag nito habang nakangiti ng nakakaloko.


"Tigilan mo nga ako sa ngiti na yan. Para kang asong natatae". nakataas na kilay na sabi ko. Napipikon na kasi ako eh! Pasalamat nga siya at nag alala pa ako non wh.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon