Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang kaganapan na yon pero parang hindi yata ma-take ng pride ni Bernardino ang kahihiyan na inabot nya.
Kada nakikita ako nito ay nasasampal niya ako o kaya naman pinipisikal niya ako. Pagod na pagod na nga yung isip ko kung si Percy ba talaga ang nakita ko o imahinasyon ko lang. Sumabay pa tong sakit ng katawan ko dahil sa bugbog.
Gusto ko na nga mag bigti para lang makauwi na sa future. Nag try aki pero walang epek! Palaging napupurnada!
"Senyorita, pinapatawag ho kayo ni Senyorito sa baba. May bisita daw ho kayo" ngiting sabi saakin ng isa sa mga serbidora dito.
Never silang nagpakilala saakin.
Ewan ko baka utos nanaman ni Bernardino. Akala niya yata ikakamatay ko kapag wala akong nakausap dito.
Kaya ko naman mag isa, charot!
Inayos ko ang sarili ko. Tinakpan ko gamit ang pulbos ang pasa na nasa gilid ng labi ko. Baka madagdagan pa to kapag nakita ni Bernardino. Akala niya yata kasi nagpapaawa ako sa mga taong nakakakita ng pasa ko. Well, totoo din naman pero wala din naman silang nagagawa. Wala rin naman tumulong saakin kahit isa.
Nang maayos ko ang sarili ko ay kaagad na akong bumaba sa sala. Dahan dahan lang ang lakad ko dahil gusto ni Bernardino na sopistikada akong tignan at mahinhin, pero kapag sinapak ko sya ewan ko nalang. Chos!
Nang nasa hagdan pa lang ako ay ganoon nalang ang sikdo ng puso ko ng makita ko ang matagal ko ng hindi nakikita. Na akala ko patay na sya. Akala ko may asawa na din.
Sobrang miss ko na yung pag aalaga niya sakin at kung paano niya tiisin lahat ng kaartehan ko sa buhay. Simula ng lumayas ako sakanila. Lahat ng kaartehan ko, tinago ko muna. Kahit pati kaning baboy ay natutunan ko na din kainin noong nasa minahan pa ako.
Kung hindi ka kakain ay ikaw din ang kawawa. Dahil isang beses ka lamg kung pakainin sa isang araw.
Nang makababa na ako sa hagdan ay lumapit ako kay Bernardino at nakipag beso sakanya.
"Mabuti naman at nag ayos ka. Kung hindi ay makakatikim ka" Bulong nito saakin. Nang tignan ko ang mukha nito ay tipid nalang ako ngumiti dahil kahit walang ekspresyon ang mukha niya ay natatakot pa din ako.
Tumingin si Bernardino kay Percy at ngumiti.
"Ang aking mabuting may Bahay, si Mira" nakangiting pagpapakilala saakin nito.
Ang mukha niya ay biglang nagbago. Kung kanina ay akala mo mambubugbog, ngayon naman ay akala mo ay isa syang anghel. Kaya nga madaming nabibiktima tong si Bernardino eh. Madaming ka-hook na babae tapos after niyang pag sawaan ay itatapon nya lang na parang diaper. Hindi reusable.
"Magandang umaga, binibini. Ikinagagalak kitang makilala at ayon naman ang aking katiwalang si Severino" nakangiting sabi saakin ni Percy, itinuro din niya ang lalaking nakatayo sa pinto namin. Halos mukhang kaedad niya rin ito.
10/10 pogi!
Uwi mo na ako! Jok
"Siya naman ay si Percy. Isa sa mga magiging kasosyo ko sa negosyo. Siya ang magiging kaakibat ko sa bayan ng Paoay." Wika ni Bernardino.
Kahit kating kati na akong sabihin kay Percy na tulungan niya ako ay hindi ko magawa.
Natatakot ako na baka sa pagkakataon na to ay mapahamak nanaman sya. Mapahamak na naman yung mga taong nakapaligid samin.
"Mabuti naman at naisipan mong umanib sa ganitong negosyo?" Natatawang wika ni Bernardino.
Ang negosyo nito ay ang pag dedeliver ng tabaco at tubo sa bawat bayan ng Ilocos at karatig na lugar kagaya ng Ilocos sur. Siya ang may pinaka malaking supplier noon pero ang totoo ay sa loob non, nag dedeliver sila ng mga armas at bomba para sa mga espanyol, mga babaeng bayaran at opium poppy which is isang uri ng droga na inaangkat pa nila galing Britain.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)