Day 10

81 5 0
                                    

Napag desisyunan naming dalawa ni Percy kagabi na iuwi niya nalang sa Badoc si Pipoy. Kaya naman naming buhayin si Pipoy kaso ngalang ayaw kami tantanan ng tiyahin niya. Kagaya kanina, bigla nalang niya kami sinugod dito sa bahay. Pinipilit nyang kuhanin si Pipoy kasi malaki pa daw ang utang na loob na dapat na bayaran sakanya ni Pipoy.

Kaya napag desisyunan na ni Percy na, iwan ito sa Hacienda nila sa Badoc. Buti doon ay maaalagaan ng maayos ng mga katulong at ng magulang nya. Matutulungan pa ng pamilya nila na makapag aral si Pipoy at higit sa lahat eh mailalayo sya sa tiyahin niyang demonyita. Madadamitan pa nila ng maayos si Pipoy. Maaga ng umalis sila dito sa bahay. Sa sobrang pagkabagot ko nga dito sa kubo ay naglinis linis nalang ako. Pinag aarrange ko ang mga furniture at mga kung anong anik-anik dito sa bahay.

Lalabas na sana ako ng bahay para sana maglakad lakad sa dalampasigan. Pero narinig kong bumukas ito at iniluwa non si Percy. Pawis na pawis ito at parang nagmamadali. Nang makita niya ako ay lumapit ito saakin habang humahangos.

"Mira, kailangan na nating magmadali. Mamaya ko na lamang ipapaliwanag saiyo ang lahat kapag tayo ay nakasakay na sa kalesa." Sabi nito saakin. Ano nanaman kayang problema! Hindi na ako nagtanong ng kung ano pa. Basta sinunod ko nalang kung anong sinabi ny sakin.

Buti nalang ay hindi ko pa naililipat sa aparador ang mga gamit namin na nakalagay sa bayong. Wala ng impa-impake. Isang buhatan nalang ang mga gamit. Ang mga gamit ko ay nasa isang bayong din. Bago pala ako itakas ni Percy sa selda ay napag planuhan na pala ito nila Mang Ising, Percy at Minerva. Kaya naman ay isang araw bago ang pagliligtas niya sakin ay nakaayos na ang gamit ko. Ang pag hinto pala namin sa pistahan ay yon ang daan para mabitbit ang mga gamit ko na nasa bayong.

Nang makapag impake ay dali dali kaming sumakay sa kalesa. Halatang halata talaga na nagmamali kami.

"Teka lang, ano bang nangyayari Percy? Bat ba tayo nagmamadali?" Tanong ko sakanya habang nakakapit ng mabuti sa kalesa. Kasi naman ang bilis bilis ng pag-andar. Para akong malalaglag! Pag ako talaga nabukulan, malilintikan talaga sakin tong si Percy!

"Nalaman ng iyong Ama kung saan tayo namamalagi. Kailangan nating pumunta sa Paoay." Walang lingon lingon na paliwanag nito sakin. "Idaan mo na lamang sa alternatibong daanan upang hindi natin makasalubong ang mga Guardia ni Alfonso" paliwanag nito sa nagpapaandar ng Kalesa.

Sa sinabing yon ni Percy ay kinilabutan talaga ako. Dahil talagang ibig sabihin nito ay hindi ako makakatakas o makakatago kay Don Alfonso.

"Pero diba, malapit lang ang Loaog at Paoay. Eh halos magkalapit barangay lang yon" paliwanag ko kay Percy habang nakatingin ako sakanya. Habang siya naman ay talagang nakatutok lang sa daan at nagmamasid masid.

"Oo tama. Ngunit ang Paoay ay lugar ng aming angkan. Protectado ang lugar na iyon dahil pamilya namin ang gobernadorcillo ng Paoay" paliwanag nito.

Sumandal nalang ako sa upuan at nakakapit pa din ng mahigpit. Nagkaroon naman ng kapayapaan ang isip ko sa sinabing yon ni Percy pero at the same time hindi pa din mawala sa isip ko na hindi kabahan kase masyadong malakas si Don Alfonso. Kayang kaya niya gawin ang lahat.

Habang nasa byahe kami ay ganun pa din. Talagang nagmamasid pa din si Percy sa mga daanan na nalalagpasan namin. Minsan ay pinag susuot nya ako ng tela sa mukha para daw walang makakilala sakin. Saakin ayos na yon. Kesa naman sa ginawa niya sakin ng nakaraan na tinabunan ako ng mga gamit. Kinalabit ko si Percy para tawagin ang atensyon nya. Imbis na lumingon ito sakin eh umungol lang to bilang tugon.

"Percy, matagal paba? Nagugutom na kasi ako eh" tanong ko sakanya. Sa wakas ay napalingon na din sakin ang bonak na to.

"Ipagpaumanhin mo ngunit, maaari mo ba munang tiisin ang iyong gutom. Ilang oras na lamang ay malapit na tayo sa Paoay" paliwanag niya sakin. Umayos ito ng upo at tumabi sakin. Kilig kilig nanaman ang lola mo?! "Kanina kapa gising, sumandal ka muna saakin at umidilip" sabi nito.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon