Day 2

174 7 4
                                    

Nakakapag taka pa din talaga kung sino yung matipunong lalake na yon na nasa picture, na bakit hindi man lang sinabi ni Lola Fely kay Lolo kung sino yon. At kung bakit mahal na mahal ito ni Lola Fely.

Simula ng ipinakita saken yon ni Lolo ay hindi na mawaglit sa isip ko yon at kung bakit hindi man lang ito sinabi ni Lola Fely. Siguro ay ganun nya ito kamahal na sa hanggang kamatayan nya ay itinago nito ang identity ng lalaking mahal nya.

Simula din ng araw na yon ay hindi na ako makatulog ng maayos, halos araw araw ko napapanaginipan yung lalake na yon at tinatawag nya akong "Felomina". Pinipilit nya akong sumama sakanya, sinasabi nito na ngayong nagkita na kami ay matutuloy na ang pagmamahalan nilang naudlot. Pero ayaw kong sumama kase hindi naman ako si Lola Fely. Pero tuwing tatanggi ako dito ay binibitawan nya ang kamay ko at hinahalikan sa noo. Pagkatapos noon ay nagigising na ako sa panaginip.

"Oh, kita mo na Ador, nilagnat tuloy ang apo mo sa mga kwento mong paulit ulit" sabi ni Lola, habang nilalagyan ng bimpo ang noo ko. May iniabot din sakin itong gamot at tubig.

Nakita ko naman sa mukha ni Lolo na nag aalala ito sa kalagayan ko. Dahil na din siguro sa hindi maayos ang tulog ko at ilang araw ko ng napapanaginipan yung lalake na  yon.

"Pasensya kana Apo, hindi ko naman alam na lalagnatin ka sa mga kwento kong pa ulit ulit, hayaan mo hindi na kita kukwentuhan" malungkot na sabi ni Lolo sakin sabay hawak sa kamay ko.

Gusto ko umamin sakanila kung ano ba yung nangyayari sakin. Pero natatakot naman ako na baka sisihin pa lalo ni Lolo yung sarili nya.

"Nako Lo hindi dahil don, siguro ay naninibago lang ako sa klima dito, kase napakahangin at napaka lamig din sa gabi. At tska po napapadalas ang pag pupuyat ko" sabi ko.

"Haynako, kahit ako Mira , lalagnatin sa pa ulit ulit na kwento ng Lolo mo eh" banat naman ni Lola habang natatawa.

"Hindi nya naulit ang kwento Lola, may bago syang kwento" sabat ko naman. Napatingin naman sakin si Lola na may pagtataka.

"Bakit ano bang kwento ng Lolo mo ngayon?" Tanong ni Lola habang inaayos nya ang bimpo at planggana na may nakalagay na maligamgam na tubig.

"May pinakita po sakin si Lolo na picture ng poging lalaki. Yun pong tunay na mahal ni Lola Fely" sabi ko. Kita ko naman na nagtataka si Lola at iniisip kung sino ba yung tinutukoy ko.

"Yun bang lalaking gwapo at maginoo kung tignan?" Tanong ni Lola.

"Opo, yun nga po" sabi ko.

Nakita ko na napakamot si Lola sa ulo na para bang nagdadalawang isip kung may sasabihin ba sya or tatahimik nalang. Parang may alam din si Lola kung sino yo. Kaso ayaw nya lang sabihin sakin.

"Totoong yun yung tunay na mahal ng Lola Fely mo, kaso hindi yon natuloy dahil ipinakasal ang Lola Fely mo sa iba. Kahit samin ng Lolo mo ay hindi rin talaga sinabi ng Lola mo kung sino siya. Dahil ang rason nya ay natatakot syang baka malaman ng tatay nya at ipapatay ito." Kwento ni Lola sabay tayo sa kama ko at aalis na sa kwarto ko. "Oh sya, Lolo Adolfo mo muna ang kasama mo ngayon ha, dahil pupunta pa ako sa talipapa para bumili ng ulam natin".

Hindi siguro sila nakapunta sa bundok para kumuha ng mga gulay dahil na din siguro ayaw nila akong iwan dahil nilalagnat ako.

Hindi ko din maintindihan bakit nilagnat ako.

"Apo, pasensya kana talaga ha at dahil yata sa mga kwento ko ay nilagnat ka" hingi ng tawad sakin ni Lolo habang nakahawak sa kamay ko.

"Lolo, okay lang po. Hindi nyo naman po kasalanan. Sa totoo lang po ay ilang araw ko na po kasi napapanaginipan yung lalaki" sabi ko. Nakita ko sa mukha ni Lolo ang pag aalala. "Siguro Lo, dahil na din sa naging interisado ako kung sino yon".

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon