Sobrang bilis yata ng balita ay sa hindi kalayuan ay nakita ko sina Don Demetrio, Percy at si Anita. Hindi k nga alam bat sumama pa yon eh hindi naman siya kailangan dito at isa pa kung kasama siya ay ibig sabihi ay magkasama na sila ni Percy.
"Iha, Dios Mio! Ano ang nangyari sainyo?" nonchalant pero halata sa boses niya na nag aalala ito. Syempre bilang ama ay nag aalala din ito para kay Lucinda.
"Ayos lang naman po kami. Si Lucinda po ginagamot na din p sa loob" sagot ko naman.
Napakamot nalang ng noo si Don Demetrio.
"Dapat po kasi hindi ninyo ipinagkakatiwala si Lucinda kay Mira" sabat naman nitong Anita.
Naiirita nanaman tuloy koo. Ang daming sinasabi akala mo siya kasama kanina eh.
"Kung makasabat ka naman sa usapan akala mo ikaw yung kasama ni Lucinda. Ano yon? Pumapapel ka? Gusto mo ikaw bida?" mataray na sabi ko. Akala yata ng bwisit na to maaapi niya ako eh.
Tinaasan niya ako ng kilay at agad naman itong kumapit sa bisig ni Percy at may ibinulong ito. Bulong na rinig din naman namin.
"Hindi kaya patayin din tayo nito kagaya ng ginagawa ng kaniyang ama?" aniya.
Ay girl, kung pwede lang eh baka kanina pa kita pinatay.
Tila nagulat naman si Percy sa sinabing iyon ni Anita. Kaya naman marahan niyang inalis ang kamay na nakakapit sakaniya.
"Masyado naman yatang masakit yung sinabi mo. Hindi mo naman ganoon kalubos na kilala si Mira" pagtatanggol niya sakin.
Kikiligin ba ako? Pwes hindi! Pag untugin ko pa silang dalawa.
"Ngunit nagsasabi lamang ako ng totoo---"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol na iyon si Don Demetrio.
"Tama na iyan. Totoo naman ang sinabi ni Mira. Wala ka sa pinangyarihan kaya naman hindi ka dapat basta basta nakikisabat sa usapan. Mauna na ako, kailangan kong makita ang anak ko".
Umalis ito sa tabi ko kaya naman tatlo nalang kaming natira na nasa labas. Hindi ko kinakaya tignan yung magkasama silang dalawa dahil nakakairita si Anita kaya naman umalis nalang din ako. Sinundan ko si Don Demetrio dahil baka mapagalitan nito si Lucinda. Grabe pa naman yung takot niya kanina.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Percy.
Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.
"Pupuntaha ko si Lucinda. Tutal andito naman na tayo sa pagamutan, subukan mong ipagamot yang kasama mo. Sabihin mo ang sakit nyan masyadong mapapel. Baka sakaling may gamot pa." Taas kilay akong tumalikod sakanilang dalawa.
Narinig ko pang parang nabigla si Anita sa sinabi ko. Akala mo talaga aping api eh.
Kapag kaya binanatan ko siya, titigilan niya kaya ako?
Naramdaman yata ni Don Demetrio na sinusundan ko siya kaya naman napalingon ito saakin. Agad naman akong napayuko dahil sa kahihiyan.
Huminto ito sa paglalakad na para bang hinihintay niya akong makalapit sa mismong tabi niya.
"Iha, ano ba talaga ang nangyari?" Aniya.
Nagpakawala ako ng buntong hininga para magkaroon ng lakas ng loob.
"Nung una po, inaya ako ni Lucinda na maglakad lakad. Kaya napadpad po kami sa paborito niyang lugar at doon po iyon sa malawak na lupain at may Acacia sa gitna. Habang nakaupo po kami doon ay bigla nalang po kaming nakarinig ng putok ng baril. Kaya naman dali dali po kaming tumakbo sa pinaka malapit na kasukalan. Nagkanda punit punit pa nga po yung Traje namin. Nag aalala pa nga po si Lucinda sa Traje niya kaysa sa buhay niya. Kaya naman po ng wala na kaming mapagtaguan ay naisip ko pong sa taas ng puno ng mangga kami magtago. Noong hindi pi kami mahabap ni Don Alfonso----"
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)