36

42 4 1
                                    

Mira

Sa dami ng tao ngayon sa lugar na ito ay hindi ko na alam kung nasaan si Bernardino. Ito na din ang pagkakataon para makatakas ako pero ayaw ko gawin. Siguro ay ubos na ang lakas ko para don. Parang gusto ko nalang tanggapin ang kapalaran na natamaa ko dito.

Naupo nalang ako sa isang sulok, naghihintay na dumating si Bernardino. Gusto ko na kasi kumain. Gutom na gutom na ako, huling kain ko ay kanina pang umaga.

"Iyan ba ang napangasawa ni Bernardino?" wika ng isang babae na dumaan sa harap ko. Nasa middle age na ang edad niya kung pag babasehan mo ang itsura. "Nakakaawa, niloloko lamang siya ng kaniyang asawa".

Napairap nalang ako sa hangin.

Hindi ko naman talaga yan gusto at hindi rin ako noon gusto. Napilitan lang akong tanggapin bilang kabayaran dahil ayaw bawasan ni Alfonso ang yaman niya. Jusko! Uhaw talaga sa pera

"Hindi niya alam na may ginagawa na itong milagro sa kusina" bulong ng kasama niyang babae.

Nang marinig ko iyon ay agad tumayo at hinanap kung nasaan ang kusina. Panigurado ay andito ang yon sa baba. Nasa kalahati pa lang ako ng hallway ay rinig na rinig ko na ang halinghing ng babae na nanggagaling sa kusina.

"Ano ka ba! Andito lamang ang asawa mo" parang nakikiliting sabi noong babae.

Habang papalapit ay mas rinig na rinig mo ang kawalangyaan na ginagawa nila. Nang walang ano - ano ay biglaan ko silang sinilip at kitang kita ko ang babaeng nakahiga sa lamesa at naka buka ang kaniyang mga binti. Habang si Bernardino naman ay ginagawa ang milagro.

Sumigaw ako ng napakalakas, hindi dahil nasaktan ako pero hindi ko akalain na makakaita ako ng ganito sa personal. Yuckines pala!

I mean, eww! Iba pala kapag sa personal nakakadiri pala talaga kapag nakakita ka ng ganoong sinaryo.

Agad agad namang tumayo ang babae at inayos ang suot nito. Habang si Bernardino naman ay nakatitig lang sakin. Alam ko na agad ang ibig sabihin non, bugbog malala nanaman talaga ako nito.

Aalis na sana ako pero hindi ko naman akalain na madami na palang tao kung nasan kami naroon. Madaming nagbubulungan pero wala na akong time para isipin kung ano pa yon. Kaya naman buong lakas akong dumaan sakanila. Wala akong paki kung may maapakan ako o maitulak. Basta ang gusto ko lang ay makaalis ako.

Percy's

Naglakad lakad ako sa labas para makalanghap ng sariwang hangin at para naman maging payapa ang utak ko. Masiyadong nakakapanghina ang makisalamuha sa mga tao. Sanay naman ako sa ganito noon ngunit marami na ang nagbago.

Habang naglalakad ako nakarinig ako ng sigaw mula sa loob ng kabahayan. Napahinto ako sa paglalakad dahil iniisip ko baka may kaguluhan sa loob. Ngunit ako naman ang mapapala ko kung mayroon nga kaya naman nagpatuloy nalamg ako sa paglalakad.

Tila ba may ibinubulong ang aking isip na huwag munang sumakay sa kalesa para umuwi. Para bang may kung anong pakiramdam na nagsasabing dito lamang ako at huwag akong aalis.

Pero masyado na akong pagod.

Ilang minuto akong nag hihintay sa kalesang dadaan sa tarangkahan ngunit, wala kahit isa. Siguro ay masiyado ng malalim ang gabi. Wala akong ibang magagawa kundi ang bumalik sa loob at hintayin matapos ang kasiyahan para makasabay ako sa kalesa na sinakyan namin kanina ni Juancho.

Akmang babalik na ako sa loob ngunit pagtalikod ko ay may isang babae na nakabangga sakin. Sa sobrang bilis ng takbo nito ay hindi nya yata ako namalayan at sa bilis nito ay natumba kaming dalawa.

Kaya naman ng matumba kami ay nakapaibabaw ito saakin. Agad itong tumayo at humingi ng pasensiya saakin.

"Sorry, sorry. Hindi kita nakita. Nagmamadali kasi ako".

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon