Hindi ko hinayaan na makahabol siya sakin. Ayaw ko makita niya yung mga ngiti ko. Ayoko!
Nakakatawa lang, paano ko matatapos to kung takot ako mag mahal? Kung takot akong magbigay ng chance? Kung takot akong magpapasok ng tao sa buhay ko.
Nakakatakot maging biktima ng love bombing. Kasi ikaw lang yung malulugi sa huli. Ikaw lang yung maiiwan na kumakapit. Ikaw lang yung maiiwan na lumalaban.
Puro mixed signals.
Ayos kami ngayon pero bukas ayan nanaman. Sisingit nanaman si Anita. Tapos hindi niya matanggihan diba?
Lugi ako.
Mas matagal ng kilala ni Anita si Percy. Lahat yata ng sikreto ni Percy baka alam niya na eh.
Eh ako? Anong alam ko? Ang alam ko lang eh yung pumatol siya sa payaso! Charot lang.
Paakyat na sana ako sa taas ng biglang may tumawag kay Percy galing kusina.
"Andiyan kana pala. Kumain ka muna, Percy. Baka hindi ka pinakain ng babaeng iyan" sabay tingin sakin at nakataas pa talaga yung kilay.
Kapal ng mukha! Akala mo talaga kinaganda niya!
"Salamat ngunit, dapat hindi kana nag abala pa. Madami na din kaming nakain ni Mira kanina" sagot ni Percy.
Sa totoo lang nakaramdam ako ng satisfaction sa sinabi niyang yon. Lowkey na rejected ang Lola niyo. Kung pwede lang humagalpak sa tawa eh ginawa ko na. Baka naglupasay pa ako.
"Sayang naman ito. Iniluto ko pa naman ito para sa iyo" pag pupumilit ni Anita. Ipinakita pa niya ang mangkok na may lamang pinakbet.
Desidido si Ate mo girl kahit na ilang beses na siyang tinanggihan.
"Pwede naman kainin yan nila Manang at mga kasambahay" Lumakad na paakyat ng hagdan si Percy. Samantalang ako ay nakatayo lang malapit sa pinto at kanina pa nag pipigil ng tawa. "Mauna na ako. May gagawin pa ako sa taas".
Tinitigan lang naming dalawa ang papalayong bulto ni Percy. Nang masigur kong nakalayo na talaga siya ay tska lang ako napatawa. Hindi naman yung oa, sakto lang.
"Ayan, masiyado ka kasing umeepal. Ano ka ngayon? sakit ba?" pang aasar ko. Nilapitan ko pa siya para tignan yung niluto niya.
Jusko po! Kulay palang ng sabaw halatang sumobra na sa bagong.
"Tanga ka din pala magluto ano? Kulay palang sobra na sa bagong. Try mo higupin, para kang uminom ng tubig dagat" pang aasar ko pa lalo.
Bago pa niya ibuhos sakin yung mangkok ng pakbet ay umalis na ako. Kita mo talaga sa mukha ni gaga na asar na asar siya eh.
"Hindi ako papatalo saiyo, Mira. Magigising din sa katotohanan si Percy na ako pa din ang gusto niya" masamang sabi nito sakin habang nakatalikod ako.
Umakto naman ako na parang natatakot sa sinabi niya. Kunyari pang napayakap ako sa sarili ko.
"Ah talaga ba? Edi sana pina- billboard" sabi ko sabay alis.
Alam kong hindi niya naman magegets yon kaya umalis nalang ako. Ayoko pa naman sa tatanga tangang tao. Oo dzai! Ayaw ko kay Anita. Baka hindi ako makpag pigil ihahagis ko yan sa second floor.
Nang makaakyat ako sa taas ay naabutan ko si Percy na may buhat buhat na mga gamit. Gulat naman akong napatingin sakanya kasi mga gamit niya yon sa private room niya.
"Oh, bakit nag aalsabalutan ka" tanong ko.
Napahinto naman ito at ibinaba niya ang gamit na dala dala niya.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)