Simula nung araw na nangyari yon, hindi na ako pala labas ng kwarto ko. Hinahatid nalang ni Manang ang pagkain ko.
Sa sobrang kabaliwan ko nga ay tinatanong ko pa kung kaninong luto yon. Kung kay Manang ba or kay Percy eh. Ayaw ko kasing kumain ng lalaking mahilig sa Love bombing.
Sheesh!? Paanong naging true love ni Lola Fely tong bwisit na to.
Bumalik ako sa wisyo ng narinig ko ang pagkatok sa pinto at nagsalita si Manang.
"Senyorita. Ihahatid ko lamang po ang inyong Tanghalian". Aniya.
"Paiwan nalang po sa pinto. Ako nalang po kukuha" sigaw ko. Sabay lapit sa pinto at inilapat ang tenga sa pinto. Para marinig kung umalis ba si Manang o hindi.
Palagi niya kasi akong kinukumbinsi na kausapin si Percy. Eh wala pa talaga akong gana. Baka makipag taasan lang ako ng pride sakaniya.
Kinuha ko ang pinagkainan ko kaninang umaga na nakalapag sa bed side table ko at binuksan ang pinto. Kinuha ko ang tanghalian ko at inilabas naman ang pinag kainan ko kanina.
Hmmmm. Pakbet.
"Hindi kaya, siya nagluto nito?" Tanong ko pa sa sarili ko.
Ini-lock ko ang pinto at nagsimula ng kumain sa kwarto. Inamoy ko pa nga yung pakbet kasi kahit papano ay kilala ko na ang amoy ng luto ni Percy pagdating sa pakbet.
"Mukhang hindi nya luto. Mas mukhang mas masarap to".
Sabi na!
Hindi nya nga luto. Dahil mas lasa ko ang bagoong dito at ang kamatis. Siguro ay si Manang ang nagluto nito.
Nakaramdam siguro si Percy na hindi ko kinakain ang mga luto nya. Anong ini-expect nya? Na patatawarin ko sya agad? Ulol ba sya?
Nang matapos akong kumain ay naupo lang nanaman ako sa kama ko. Unti unti nalang akong nasasanay sa ganitong routine. Para akong bilanggo.
Dahil sa bagot na bagot ako ay pumunta ako sa veranda ko. Pag bukas ko ng pintuan ay nabungadan ko agad si Percy na nasa hardin. Nakatayo lang ito at para bang malalim ang iniisip.
Nakaramdam siguro sya na may nakatingin sakanya kaya naman tumingin ito sa banda ko. Nakita kong ngumiti sya at kinawayan ako na parang walang nangyari.
Kung pwede lang talaga manapak!
Inirapan ko lang ito sabay pumasok na sa loob at isinarado na ang pinto. Nakakairita syang titigan sa ngayon.
"Bakit ba kasi nakakaramdam ako ng ganito? Ano namang paki ko kung kasama nya si Margarita, diba?" Mangiyak ngiyak na sabi ko sarili ko.
Inis na inis ako sa sarili ko na bakit kailangan kong makaramdam ng hinanakit sa dibdib eh wala namang kami ni Percy. May dahilan naman ako para masaktan diba? Or wala? Kasi wala naman inamin sakin si Percy na gusto nya ako. Naging delulu lang kaya ako?
Lumaban ka,Mira! Apo ka ni Alfonso diba? Dapat palaban ka.
Lilipas nanaman ang araw na wala akong gagawin kundi ang mag kulong sa kwarto at damdamin ang hinanakit na nararamdaman ko. Bagot na bagot na talaga ako. Wala akong ibang magawa.
Siguro naman ay wala na si Percy sa hardin kaya baka pwede na ulit akong tumambay doon.
Pagbukas ko ng pinto ay biglang dumampi sa mukha ko ang isang malamig na hangin. Kaya naman pumikit ako para damhin yon.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)