Simula ng makauwi kami sa Mansion ay wala akong ibang ginawa kundi ang mahiga lang at tumayo tayo sa veranda.
Hindi naman na masakit mga sugat ko eh. Parang nag inarte ngalang ako. Hindi ko alam kung paano pero simula nung dinalaw ako ni Mang Ising noon ay gumaling na ang pakiramdam ko.
"Nakasisiguro kana bang ayos na ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Percy.
May kasiyahan kasi kaming pupuntahan mamaya.
"Oo nga. Ayos na ako. Gusto mo mang karerahan pa tayo sa pagtakbo sa labas eh" natatawang sabi ko. Gusto ko din kasi makapunta don dahil bored na bored na talaga ako dito.
"Bakit ba parang ayaw mo ko isama? Gusto mo si Margarita nalang isama mo eh".
"Tinatanong lamang kita kung ayos lang ang iyong pakiramdam. Dahil sayawan iyon baka mapagod ka. At isa pa. Bakit naman naisama sa usapan natin si Margarita?". Eh pano baka andon yun.
Nakatitig lang siya sakin at hinihintay ang sagot ko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Malay ko bang siya mas gusto mong kasama at hindi ako?" Pag mamaldita ko.
Natawa siya at lumapit sa tabi ko. Nakadungaw siya sa veranda samantalang ako naman ay nakatayo sa paanan ng kama ko. Namimili kasi ako kung ano ang isusuot kong traje para mamaya.
"Kung ano ano kasi ang pumapasok sa iyong isipan. Sige na, mamili kana riyan ng isusuot mo mamaya. Pupuntahan ko lamang si Juancho". Wika niya sabay hawak sa ulo ko.
Sa pagkakahawak niya na yon nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
Hindi ko alam kung nanghina din ba ako ano eh.
Hindi ko alam kung bakit ba palagi nalang ako natutunganga o naninigas buong katawan ko kapag nagiging physical siya sakin.
"Tangina, may sira na yata katawan ko eh" bulong ko.
"Sadyang mukhang iniibig mo na yata ako. Sinasabi na ng mismong katawan mo" the fuuuuck hindi pa pala siya nakakalabas ng pinto.
Tinignan ko kung saan nanggagling yung boses na yon at nakatayo pa pala ito sa pinto.
"Sabihin mo lamang saakin kung umiibig kana" sabi nito sabay kindat at isinara ang pinto.
"Ang kapal ng mukha mo!?" Sigaw ko sa kahihiyan.
Pabagsak akong naupo sa paanan ng kama at napahilamos nalang sa mukha dahil sa kahihiyan.
"Ano ba yan?! Talagang nataon pang narinig niya. What if akala niya patay na patay ako sakanya?" Sabi ko habang napapasabunot sa sarili.
Dahil sa kaganapang yon ay buong maghapon lang akong tumambay sa kwarto. Takte kasi?! Nahihiya ako makita si Percy. Baka mamaya asarin lang ako non.
Nang pumatak ang alas siyete ay nagsimula na akong magbihis at mag ayos ng sarili.
Pa simple girl lang para naman hindi nakakahiya sa ibang mga tao mamaya. Yung mga tao pa naman sa taon na to eh mga virgin ang galawan.
Nang papatapos na ako sa pag aayos ay biglang may kumatok sa pintuan ko.
Ramdam ko na agad kung sino yon. Ibang iba kasi yung katok niya kumpara sa pagkatok ng mga kasambahay at ni Manang Flora.
"Sandali lang!" Sigaw ko. Habang nag kakabit ng hikaw sa tenga.
"Hintayin na lamang kita sa baba" wika nito. Sabi na eh. Walang iba kundi si Super Lolo.
Well, kaya ko lang naman na tinawag siyang super Lolo kasi sobrang tanda niya kapag binilang mo simula 1980 hanggang 2024.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)