Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kahit sa susunod na habang buhay. Tiyak pa din na ikaw ang hahanapin at pipiliin. Hindi man umayon ang pagkakataon pero sinisiguro ko na ikaw pa din ang tahanan na uuwian ko.
Percy's Pov
"Isang linggo na, ngunit bakit tila wala pa din nangyayari sa kaniyang kalagayan?" Tanong ko sa kilalang doktor dito sa bayan.
Isang linggo na ang nakalipas ngunit tila walang nangyayari sa kalagayan ni Mira. Ang wika ng doktor ay dalawa o tatlong araw lamang siyang ganito ngunit parang hindi naman yata totoo ang sinasabi ng doktor na ito.
"Malubha ang pagkakadulas ni Senyorita Mira, Percy. Kadalasan sa mga ganitong sitwasyon ay inaabot lamang talaga ng dalawa o tatlong araw ang pagkawala ng kanyang malay. Mauna na ho ako Senyorito. May iba pang mga pasyente na nag hihintay saakin". Sabay alis nito sa kama na kinauukupa ni Mira.
Hanggang ngayon ay sarili ko pa din ang sinisisi ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung hindi lamang siguro ako naging ganid at mahigpit sakaniya ay baka hindi ito nagalit saakin at hindi sana nangyari ang lahat ng ito.
Lubos lamang akong natatakot na mangyari nanaman ang muling pag dukot sakaniya ng kaniyang ama.
Maraming banta ang nagbabadya sa kaniyang buhay lalo na ngayon. Ang mga tauhan ni Alfonso ay maaaring nakapasok na mansiyon at maaaring nasa paligid lang ang mga ito at nag hihintay ng magandang tiyempo.
Nakatitig lamang ako sa lantang gulay na katawan ni Mira. May galos ito sa kaniyang noo at naka benda din ang kanyang paa na ayon sa doktor ay namamaga ito dahil ito ang dahilan kung bakit siya nadulas at nawalan ng balanse sa hagdanan.
"Ipagpaumanhin mo,Mira. Kung wala man lamang akong nagawa. Hindi man lamang kita naagapan sa iyong pagkakalaglag". Sabay hawak sa kamay nito.
Pinag lalaruan ko lamang ang mga daliri nito at kinakausap na para bang malay na ito. Sana man lamang ay naririnig mo ko.
"Alam ko kung saan nag mumula ang iyong galit pero hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa iyo. Natatakot ako na mabato mo na ako ng takip ng kaldero". Natawa nalang ako sa sinabi kong iyon.
Dahil mala isang tigre kung magalit itong si Mira. Na sa isang maling galaw mo lamang ay babalatan ka nito ng buhay.
"Sa iyong pag gising ay ipinapangako kung wala akong itatago sa iyo. Basta ba ay hindi ka magagalit sa bawat kilos na gagawin ko". Pangako yon.
Dahil ayaw ko ng mangyari ito. Ang mawala ka ulit sa tabi ko.
----
Mira.
Nagising ako na ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo, katawan at paa ko. At tatlong araw na simula ng magising ako. Putang!n@ kasi eh, nagmamagaling sa hagdan.
Sinubukan kong tumayo pero bigla nalang may pumigil saakin na tumayo. Si Lolo Percy lang pala!
"Gusto kong umupo. Ayaw ko ng mahiga". Feel ko nga eh basang basa na likod ko sa pawis. Yung electric fan ba naman nila dito eh ang hina hina ng buga. Mas malakas pa utot ko dito eh.
"Hindi ka basta lamang tatayo ng ganiyan. Dahan dahan lamang". Sabi nito habang inaalalayan nya akong maupo.
Ay wews! Caring yarn? Plastik!?
"Uupo lang naman ako eh. Tska ayos naman katawan ko. Parang nangangawit lang pero hindi sya masakit". Oo para manahimik kana! Masyado kasing oa.
Syempre joke lang yon. Masakit pa din talaga katawan ko. Pero ang oa kasi. Parang ginagawa niya akong baldado na hindi kayang gawing mag isa ang pag upo.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)