2:30
I don't know kung mapopost to, pero if mapost thank you .
Para sakin nakakatakot to ewan ko lang sa inyo .
Ilang years na din nakakaraan. Birthday nun ng college friend ko, sa may Alabang kami nagcelebrate. Edi ayun nagkainuman.. nung bandang mga 1:30am nagkayayaan ng umuwi dahil yung iba may pasok pa sa trabaho. Since nakainom ako at wala kong dalang kotse tinext ko yung kapatid ko para sunduin ako. Yung isang kaibigan ko may dalang sasakyan,sabi nila sumabay na din daw ako, pero anim na sila dun, for sure sobrang sikip na. Alam kong masamang magdrive ng nakainom pero alam ko din na di naman ganun kalasing si JJ(di tunay na pangalan) at kaya pa nyang magdrive . Hinintay muna nilang dumating yung sundo ko para sabay sabay na kaming bumyahe since iisa lang din naman way namin .
So ayun nga, nasa Daang Hari na kami. Sa may stop light, naka stop, magkatabi lang yung sasakyan nila JJ at yung sasakyan ng kapatid ko. Tas nung nag green na nauuna na samin sila JJ, pero magkasunod pa din kami kahit medyo malayo sila samin ng ilang meters . Kitang kita namin ng kapatid ko yung sasakyan nila since halos kami lang yung dumadaan that time. Medyo patulog na ko sa sasakyan ng biglang mag preno yung kapatid ko. May matandang lalaki na tumatawid, ang bagal nya lumakad, ang weird lang na may matanda pang gising ng ganung oras .so kami nakastop hinihintay sya makalagpas tas nung bandang nasa tapat na sya ng kapatid ko bigla syang tumingin samin . Siguro mag papa thank you ganun .tas umandar na uli kami. Hindi ko na matanaw sina JJ, siguro nauna ng tuluyan then ako natulog na uli.Nagising ako ng yung kapatid ko tawag nga tawag sakin "ATE! ATE! ATE! " tas paglingon ko sa kanya yung isang kamay nya nakahawak sa rosary na nakasabit sa rearview mirror.
NV:
A: bakit ba??
S: anung oras na?!
A: (tumingin sa relo) two thirty!
S: t*ng ina!
A: bakit?
S: kanina ka pa tulog!tas 2:30 pa din??
A: o anu ngayon?
S: (pabulong) kanina pa 2:30.kanina pa ko nagddrive dito dapat nakauwi na tayo sa bahay ng ganitong oras. Pero hindi nasa daang hari pa din tayo.
A: ha! Baka naligaw tayo .
S: araw araw akong dumadaan dito maliligaw pa ba ko. (Tas npalingon sya sa rear view mirror) P*TANG *NA!!!Syempre nagulat ako so lumingon ako sa likod. Expected ko may ibang sasakyan n humahabol samin ganun pero iba nakita ko. Yung matanda kanina nasa backseat!!! Napatili ako pero walang boses . Pumikit nalang ako tas nagdasal. Ung kapatid ko naman panay mura pa din, binilisan nya yung takbo tas ramdam ko yung gigil nya sa pagtapak sa brake pero di kami tumitigil . Pucha wala na kaming brake! At hindi pa ko handang mamatay. Biglang namatay yung makina. tska lng ako dumilat . Wala n yung matanda sa back seat. Pero di na namin mastart yung kotse. Galit na galit sakin kapatid ko, kasalanan ko daw lahat ng to .
Inutusan nya agad ako n humingi tulong since alam naming may mali ng nangyayari tinatawagan ko yung mga kaibigan kong nauna samin kasi alam kong sila yu g pinaka malapit na makakatulong, pero lahat sila not available.kahit yung mom ko kontakin ko not available din .lahat sila di ko macontact. Tas pati yung oras sa phone ko iba nakalagay dun 11:22am!! Nagdasal nalang kami magkapatid . Ang weird lang nung narealize namin na wala kaming kasunod n sasakyan or nasasalubong para hingian ng tulong .medyo matagal din bago nagstart uli ung kotse. Eto na naman, may mahigit isang oras na kaming bumabyahe uli since nung tumigil yung kotse kanina pero di pa din nararating yung end, yung s may SM Molino. Todo iyak na kami ng kapatid ko, wala pa din kaming ibang nakikitang sasakyan. Hanggang s mga kalahating oras pa nakarating din kami dun sa labasan. Hindi naman traffic so nakauwi agad kami samin.Pagpasok ko sa bahay andun si mamy sa sala syempre ayun galit na galit . Bratatatatat..hindi ko na naintindihan yung sermon ni mamy nang makita ko yung wall clock namin. Mag ti-3am palang!! Napahagulgol nalang ako sa harap nya, tas pumasok n din ng bahay yung kapatid ko, napatingin din sya sa wall clock tas umiyak. Si mamy naman tarantang taranta kasi iyak kami ng iyak . Tas kinwento namin sa kanya yung nangyari . Sabi nya may mga nagpapakita daw talaga dun ayon sa mga narinig nya .
Natulog na kaming tatlo ng magkakatabi dahil sa takot.
Mga ilang oras palang kaming natutulog ng kapatid ko ng gisingin kami ni mamy . May mga pulis daw na naghahanap samin sa baba . Tinanong ako ng pulis kung kelan ko huling nakasama, nakita yung mga kaibigan ko, sina JJ , kailangan daw kasi nila yung statement ko baka makatulong daw . Edi syempre ako takang taka kung bakit . Tas sinabi ng pulis na patay na yung mga kaibigan ko, naaksidente sa daang hari. Dead on arrival lahat sa ospital. Wala naman kaming nakita or nadaanan na aksidente dun! Kinwento ko sa pulis yung mga nangyari nung magkakasama pa kami hanggang sa huli ko silang nakita . Kinwento ko din yung nangyari samin ng kapatid ko. Kasi baka ganun din nangyari sa kanila. Ewan ko kung naniwala sila pero parang hindi. Kasi ang lumabas sa news paper lasing daw kaya naaksidente . Pinuntahan namin ng kapatid ko yung lugar ng aksidente andun pa yung kotse nila yuping yupi.
Nalulungkot pa din ako hanggang ngayon. Tas recently ngayong March 2016 nabalitaan ko may naaksidente din magttropa din, patay din lahat.Ngayon di ko alam kung iniligtas ba kami ng matanda or may balak din syang patayin kami di lang sya nagtagumpay.
Ang haba masyado. Pasensya na. Malapit na kasi death anniv nila kaya naalala ko bigla
Shalom