LEADERSHIP CAMP

195 1 0
                                    

LEADERSHIP CAMP

I already finished my studies (BS) and this story happened when I was on my 12th grade. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan.😅

Nasa school ako noon, pauwi na at nakita kong maraming students na nagkukumpulan at maingay sa oval. May leadership camp nga pala kinabukasan at nagdidistribute na sila ng waivers and meeting na rin. Nilapitan ako bigla ng pinsan ko at pinilit na sumama sa camp. Naisip ko, wala naman akong gagawin kaya okay lang tsaka marami rin akong classmates na sumama at sa school lang din naman namin gaganapin, so yun pumayag ako.

Kinabukasan, maaga akong dumating (around 7-8 AM). Nagregister na ako at sinabi na rin samin yung assigned room ng kada group. Bale 1 group = 1 room at nasa humigit-kumulang 20 katao ang myembro kada grupo. Kasama ko noon yung dalawang classmates ko at leader yung isa samin. Itago na lang natin sila sa pangalang Dein at Pristine. Bale si Pristine yung leader ng group namin. More than 20 kami non sa group namin. 3 lang kaming grade 12 and the rest is from lower years na. Ang saya namin noon kasi syempre leadership camp yun at may acquaintance party kami kinagabihan. Nagluto na kami noon and nagready para sa party. Excited kami - sobra. Ang saya ng gabing yun kasi na-divide man kami sa groups pero hindi yun naging hadlang kasi walang kompetisyon at lahat masaya. Natapos yung party na masaya lahat. So after nun, pinabalik na kami sa rooms namin. Di na kami naligo noon kasi malayo yung CR at naligo naman kami before the party. Btw, walang inuman sa party. Meryenda lang and sayaw ganun. So yun, naghilamos na lang kami and nahiga na afterwards. Nag-pray na kaming lahat ng mga ka-grupo namin. After ng prayer, humiga na kami. Sinabi na sakin non ni Pristine na masama ang pakiramdam nya at may lagnat sya kaya inalagaan ko sya. Habang inaalagaan ko si Pristine, dumating si Kate. Yung iba naman naming kasama eh tulog na. Huli syang dumating kasi SSG officer sya at nag-&rounds pa sila. Sinabihan ko syang mag-pray bago matulog kasi hindi sya nakasama nung nagpray kami. Nahirapan akong matulog sa hindi ko alam na dahilan. Nakaidlip ako at nagulat kasi biglang may tumayong dalawa naming kagroup. Giniginaw pala sila kaya kumuha ng jacket sa bag nyang nasa malapit na bintana. Nung makuha na nila yung jacket nya, humiga na ulit sila pero bigla na lang sumigaw yung isa at parang nahihirapang huminga.

Tinanong ko sya kung okay lang ba sya at ang sagot nya lang "ate, hindi. may duguang lalaki sa bintana. nakasilip sya ate. ayoko na ate uuwi na ako." Kaya naalimpungatan halos lahat ng kagrupo namin. Binuksan ko yung ilaw para kahit papano ay mabawasan yung takot nila. Pina-inom namin ng tubig yung sumigaw. Huminahon sya pero bakas pa rin ang takot sa mga mata nya. Napalingon naman ako kay Kate kasi sobrang tahimik nya pero parang takot na takot at hirap ding huminga. Nakatingin sya sa likod ng room namin, ang dilim dun at napakaraming puno! Kaya tinanong ko rin sya kung anong nararamdaman nya at kung okay lang ba sya pero hindi sya sumagot at umiling lang ng tuloy-tuloy kaya kinabahan na ako. Binantayan ko sya hanggang unti-unting nanigas ang mga daliri nya sa kamay at paa nya. Timingin sya sakin ng maluha luha at sinabing "ate di ko na kaya." Umiikot rin ang ulo nya ng pabigla-bigla. Nasa isip ko lang nun, imposible kung may masapian samin kasi hindi yun totoo. Imposible.

Biglang may pumasok na itim na paru-paro galing sa likod ng room namin. Sinundan yun ni Kate ng tingin kaya kinilabutan kami. Yung pagtingin nya ay pabigla rin. Sobrang nakakakilabot. Nagpaikot ikot yung paru-paro sa ceiling at sinusundan yun ng tingin ni Kate na parang takot na takot. Nagdadasal na ako nun. Pinipilit ko si Kate na tumingin sa mga mata ko para makinig at isapuso ang dasal ko. Pero ang likot ng mata nya at mas nahirapan na syang huminga. Pinilit ko pa rin syang tumingin sakin habang nagdadasal. Pero kinilabutan ako dahil bigla syang ngumisi! Ngumisi sya habang nagbibigkas ako ng dasal ko. Btw, Christian ako kaya di ako naniniwala before sa sapi at personal prayer talaga ang binibigkas ko. Tapos bigla syang sumigaw at bigla ring tatawa. Magagalit at biglang tatawa. Nakakakilabot na galit at tawa iyon. Dumating na yung SSG adviser at nagdasal rin. Sinabihan nya ang lahat na magdasal ng Our Father at Hail Mary ng sabay sabay pero nagdasal pa rin ako ng sarili ko upang umalis na ang kung ano man ang nasa room na iyon. Lahat na ay takot at nag-iiyakan na rin. Nakakapangilabot.

Hindi pa rin natigil si Kate kaya nagdesisyon na kaming ilipat sya sa SSG office ngunit di namin inaasahan na hahampasin sana nya yung SSG adviser namin. Muntik na nya iyong nagawa. Mabuti na lamang at marami kaming nagbabantay at nakahawak sa kanya kaya napigilan namin sya. Nang makarating kami sa SSG office, pinahawak namin sya ng Bible at rosary pero hinagis nya lang yun at biglang tumingin kay Pristine na masama ang pakiramdam. Ngumisi sya bigla at tumingin ng masama kay Pristine na nagbigay ng kakaibang takot sa kanya. Naiyak si Pristine dahil nanghihina sya at masama ang pakiramdam. Sya ngayon ang puntirya ng kung sino mang sumapi kay Kate. Nagpatuloy kami sa pagdarasal at sa wakas ay nanahimik na si Kate. Tahimik ang lahat at nakikiramdam. Nawala ang antok naming lahat. Pero nabigla kami dahil muling tumawa ng nakakakilabot si Kate. Para syang lalaking tumatawa. Iba yung boses nya. Iba yung pagtawa nya kanina at iba na naman ang pinapakita nya. Sumigaw sya at gusto nya kaming paalisin lahat dahil teritoryo nya umano iyon. Nangilabot kaming lahat. Muli, nagdasal kami ng taimtim sa kabila ng malakas na pagtawa ni Kate. Tila nang-iinsulto iyon at tawang demonyo. Kalaunan ay tumigil sya. Pinapaalis na namin sya sa katawan ni Kate dahil pagod na pagod na ito. Pero bigla na lang syang umiyak at sumigaw na parang bata. Hindi na namin alam ang gagawin namin. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari kaya tinanong namin sya kung sya ba si Kate. Pero iling lang ang sinagot nya at lumuluha na sya. Tinanong sya ng SSG adviser namin kung anong gusto nya pero hindi sya nagsasalita at patuloy lang sa pag-iyak na parang bata. Inalok namin sya ng biscuit pero tinapon nya lang yun at umiyak. Nang bigyan na namin sya ng saging ay tumigil sya sa kakaiyak at biglang hinimatay. Hinintay namin syang magising pero mag-uumaga na at di pa sya nagising kaya nagpahinga muna kami at nagdasal muli ng magkakasama. Pagkatapos naming magdasal ay natulog na kami sa SSG office. Nang magising ng bandang 5 ay nagsilabasan na ang mga estudyante. Nagising na rin si Kate at nagtaka kung anong nangyari at kung bakit nasa SSG office na kami. Inilahad ng kaibigan nya ang nangyari at nagulat sya dahil hindi daw sya kumakain ng saging na syang pinakain namin sa kanya bago sya nahimatay.

FASTFORWARD
Nagpatuloy ang camp. May seminar kinaumagahan noon at nagulat kami dahil pinagbawalan kaming lumabas sa school dsa kadahilanang may natumba daw sa labas na truck. Nandun pa rin yung takot namin sa araw na iyon pero nagpatuloy rin ang nakakakilabot na mga pangyayari. May nagsabi rin na may nakakita daw kay Pristine nang magronda ang mga officers ng gabi na iyon. Ngunit nilinaw namin na si Pristine ay nasa room lang namin at nagpapahinga dahil masama ang pakiramdam nya. May nagsabi rin na nakita nila si Kate bago matulog na nagbuhat ng malaking bato. Mayroon ding nagsabi na nakita ng tatlong magkakaibang estudyante pang SSG president namin sa araw na iyon ngunit sinabi rin ng SSG adviser na nasa kabilang bayan ang SSG president sa araw na iyon para sa isang seminar. Kaya naman nagdesisyon ang mga teachers na itigil na ang camp at pauwiin  kaming mga estudyante.

Iyon ang camp na hinding-hindi ko makakalimutan. Iyon ang dahilan ngayon kung bakit naniniwala na ako sa sapi sa kabila ng relihiyon ko. Gayunpaman, kailangan lang nating maniwala sa mas malakas at mas nakatataas, ang Diyos. Upang maisalba tayo sa mga panganib na maaari nating makaharap.

J
former HUMSS student

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now