Tali.
Silent reader lang po ako sa page niyo po, isshare ko ang aking kuwento nung pasko 2023.pasensiya na po kung medyo maikli.
May kapitbahay akong kaibigan ko ng matagal, mag ka tapat lang yung mga bahay namin, ever since bata kami nagkikita kami sa labas ng bahay namin, nag uusap o kumakain ng meryenda sa labas, nung pasko iniintay ko ang oras na puwede na ako lumabas, magka tapat yung kuwarto namin so nakikita namin isa't isa sa ating mga bintana, madilim yung kuwarto niya tapos nakita ko siya, sumilip siya for a split second, pero nakita ko mukha niya, naka ngiti siya at nakalabas dila niya, akala ko niloloko niya ako, sumilip nanaman siya ng saglit, ayun dumating na yung oras na puwede kami lumabas, pinuntahan ko bahay nila at kumatok ako ng tatlong beses, walang sumasagot, nag-aalangan ko pinihit yung doorknob, naka unlock, pumasok ako sa bahay nila at sinara yung main door saka na umakyat sa kuwarto niya, kumatok ako sa pinto niya ng mga limang beses pero walang sumasagot, hindi ko na malayan binuksan ko na yung pinto niya....At nakita ko nga siya...Patay, yung kaniyang kumot naka tali sa kisame at sa kaniyang leeg yung upuan nakataob ibig sabihin..Nag pagpapakamatay siya. Umalis naman ako agad para sabihin sa mga pulis at mag tawag ng ambulansya, muntik nga ako ma suspect na ako nag patay sa kaniya, pero buti naman nag iwan siya ng suicide note sa kaniyang lamesa, kahit patay na siya na tulungan niya ako hindi ma pag-aresto ng mga pulis katulad ng dati, lumipat na rin kami ng bahay ngayon kasi, sa kuwarto ko nakikita ko pa rin siya, naka tingin sa akin.
Kylie.