APO (LOLA)

425 1 0
                                    

APO (LOLA)

Just wanna share lang po yung experience namin before & during libing ni Lola ko. Hetong Lola ko po na ito ang nagpalaki sakin, nung bata ako kahit nasaan sya andun din ako kahit everytime na macoconfine sya sa hospital. Nagkasakit si Lola last year and biglang bagsak ng katawan nya hanggang sa dalhin namin sya sa hospital dahil sobrang maga na ng mga paa nya at nahihirapan na din syang huminga. Na ICU sya and inadvised kami na tutubuhan sya, pero ang bilin kasi ni Lola samin is wag na wag papatubuhin ayaw din nya talaga magpadala sa hospital dahil ayaw daw nyang maging burden sakin, ayaw nya kong iwanan ng maraming utang sa pagkakahospital nya. Kinausap ko lahat ng mga anak nya, Tito & Tita and nagdecide din sila na wag na. Kinagabihan,inilabas sya ng ICU at nilipat na sa Ward para daw mabantayan ko nalang sya from time to time, pinapirmahan din ako na any moment man na ma cardiac arrest si Lola hindi sya ireresuscitate. Severe pneumonia ang findings ng doctor. Nung nasa ward na kami, pinatawag nya lahat mga anak nya. Isa isa naman nagdatingan mga tita at tito ko and since sa public hospital lang kami, isa isa lang ang pwede pumasok at nakiusap lang talaga kami dahil 12am na din yun. After magsiuwian ng mga anak nya, may kausap sya na di ko naman nakikita. May nakikita daw syang lugar na sobrang dami ng mga bulaklak, tapos nakita daw nya si Lolo (Asawa nya) na sinusundo sya. Pero ayaw nyang sumama kasi ang gusto nya raw sumundo sakanya is yung Nanay nya. (3 or 5 years old lang yata kasi si Lola nung namatay ang Mama nya)
Sabi ko kay Lola, wag muna sya sumama. Kasi hinihintay pa sya ng mga anak ko, (mga apo nya sa tuhod)
Hinabilin na din nya sakin yung dalawang anak nya na matandang binata (Yung isa is PWD) Sabi nya sakin wag na wag ko raw silang papabayaan, magpromise daw ako. Pinavideocall nya din sakin ang asawa ko, hinahabilin nya ko sakanya na 'Wag na wag raw akong papabayaan pati mga bata.
Then around 3am, may kausap na naman sya ang sabi nya :

'Itong apo kong to, maagang naulila sa Tatay pero kahit ganyan nakapagtapos yan ng college pumapasok yan sa school kahit walang baon. Proud na proud ako kasi nakapagpalaki ako ng katulad nya.
Tapos maya maya sabi nya sakin,
'Gusto ko ng umuwi. Gusto ko, kung mamamahinga ako kasama ko kayong lahat.
Inuwi namin si Lola nagsigned ako ng DAMA para makalabas sya pero sinabihan kami na hindi na sya pwedeng pakainin dahil lunod na lunod na ang baga nya, at dapat nakaoxygen din sya. At dahil di namin afford ang pagpapakarga ng 2 oxygen everyday, kung kani kanino ako lumapit at nanghingi ng tulong kahit madaling araw manghihiram kami ng kapatid at asawa ko ng kolong kolong makargahan lang ang mga oxygen tank na hiniram lang din namin. Pinapainom lang din namin sya ng Ensure na paunti unti, alam nyo? Lahat ng bawal na hindi nya kinakain before lahat nun hinihingi nya samin. Nagagalit pa sya pag di namin napagbibigyan. Yun pala, yun na pala ang huli. Araw araw bago ako pumasok sa work, dadaanan ko sya para hilamusan, papalitan ng diaper at minsan binubuhat ko sya sa CR para paliguan. Habang buhat ko sya lagi nya sinasabi sakin 'Naaawa at nahihiya ako sayo, kasi nagiging pabigat ako. Lagi ko din sinasabi na 'Apo, nung bata ako ako yung pinapaliguan mo, ngayong matanda kana at di mo na kaya ako naman gagawa nito sayo.
Lagi nya rin sinasabi na di na raw nya aabutan at makikitang mag aral yung bunso ko. At  After 2 months, pumanaw din si Lola. Pumanaw sya ng tahimik. Walang nakakaalam, walang nakakita kung pano sya malagutan ng hininga. Nakita nalang nila Mama na di na sya gumagalaw at humihinga. Sa may sala nila Mama sya nakaburol,Noong unang gabi ng lamay, yung bunsong anak ko bigla nalang nagsalita na 'Ano po?  At pumasok daw sya sa nag iisang kwarto sa bahay nila Mama.
Kwento nila, may tumatawag daw sa bunso kong anak sa may kwarto at narinig daw nilang lahat yun.
Close din kasi ang mga anak ko kay Lola dahil inalagaan nya din nung nagwowork ako, lalo na yung panganay ko.
At nung madaling araw na, habang silang lahat ay tulog na ako nalang ang gising nakahiga ako sa may sala inaantok na din ako nun dahil 4am na ng biglang may humablot ng unan ko. (lagi kasi sinasabi before ni lola samin na, wag na wag raw tutulugan ang patay, dapat daw kahit 1 man lang may gising na nakabantay)

Nung 2nd night naman ng burol, yung husband ko ay umuuwi sa bahay namin dahil wala sya mapwestuhan sa bahay kung saan nakaburol si Lola. Madaling araw na daw nun, at may narinig daw syang tumatawag sa name nya 2 beses. Pagtingin naman daw ng asawa ko sa pintuan at bintana wala naman tao. Hindi naman natakot ang asawa ko, alam daw nya na kaya tinatawag sya ni Lola dahil pinapaalala lang nya na wag kaming pabayaan mag iina. 🥹

Nung ikatlong gabi ng burol nya, yung favorite na upuan nya inilabas ng kapatid ko at nakalimutan nya ipasok e ayaw na ayaw paman din nya na ginagalaw yun at inilalabas. Magkaharap kami ng kapatid ko nun na nakaupo sa may harap ng kabaong nya. Yung kapatid ko ay nakaharap sa pintuan sa labas, wala na din nung taong nakikiramay dahil mag alas kwatro na din yun. Nung una, may nakikita daw na nakaputi yung kapatid ko na daan ng daan sa may pintuan pero di aninag ang mukha at parang di nakatapak yung paa sa lupa, tapos maya maya narinig namin yung kalabog ng paa ni Lola pag naglalakad sya, nagkatinginan kami ng kapatid ko at biglang tayo namin dahil parehas pala namin narinig yun. Akala ko ako lang, bigla pinasok ng kapatid ko yung upuan at nagsorry sya kay Lola.

Ngayon, mag iisang taon ng wala si Lola pero walang araw na hindi ko sya naiisip at namimiss. Maging mga anak ko, walang araw na hindi nila babanggitin ang name nya. Laging sinasabi ng bunso ko,
'Namimiss ko na si Apo.

Para kay Lola, sa nag iisang kakampi ko bago dumating sa buhay ko ang asawa ko,
Apo, alam ko nasa mabuting kalagayan kana ngayon. Pasensya na kung wala akong sapat na kakayahan para madugtungan ang buhay mo, pero alam ko masayang masaya kana dyan kasi kasama mo na mga magulang, anak, at mga kapatid mo.
Salamat sa pag aalaga sakin simula pa nung bata ako, hanggang sa magkaanak ako. Ngayon, buntis ako sa pangatlo naming anak, alam ko kung andito ka lang iiyak ka na naman kapag nanganganak nako kasi lagi moko inaalala, lagi mo sinasabi sakin na lagi ko painumin ng vitamins mga anak at asawa ko. Kaluguran na kaluguran daka Apo ko. 🥹
Sa magiging bunso namin, ikukwento ko lahat lahat. Kung gaano ka kabait at kaalaga sa akin at sa mga apo mo sa tuhod. Never ka namin makakalimutan. 🕊️

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now