Nurse on Duty

828 17 0
                                    

NURSE ON DUTY

Hello Everyone!

Not a good storyteller here. Pero I will do my best para maideliver ‘to ng maayos. I saw some stories na nangyari sa hospitals kaya naencouraged akong mag share din.

Isa akong Matatakuting Staff Nurse dito sa isang kilalang private hospital sa province namin. Mag 1 year palang ako sa hospital na to at ang dami ko ng naexperienced na nakakatakot pero nang tumagal rin ay nakasanayan ko nalang. Isa sa mga di ko makakalimutan ay nangyari saken noon around November 2023 lang. Katatapos lang ng endorsement namin ng kapalitan kong Nurse. At dahil galing ako sa ibang ward, hindi ko masyadong kilala ang mga pasyente sa Ward na nakaassigned saken that day. Routine naming mga Nurse ang mag rounds (pumapasok kami room-by-room kasama ang outgoing Nurse) para magpakilala sa mga pasyente after endorsement. Pero that day, yung outgoing Nurse ay nagmamadali dahil may Samba daw sya sa simbahan nila. Kaya sabi ko sa kanya na ako nalang ang mag rounds. Pero bago pa ako makapag rounds, tumakbo sa Nurse station ang isang relative ng pasyente ko. “Nurse si Uncle di na humihinga” sabi nya. Kaya nagmadali akong kumuha ng Vital sign machine at yung pulse oximeter ko. Habang papalapit ako sa pinto ng room nila, nakita kong may matandang lalaki ang lumabas sa room na yon. Naglakad sya papalapit sa direksyon ko kaya kitang kita ko ang mukha nya. Pero nagtataka ako dahil walang emosyon yung mukha nya, ineexpect ko kasing nagkakagulo sila kasi di na daw humihinga yung pasyente nila. Dire-diretso lang sya habang ako naman ay pumasok na sa loob ng room nila. Nung time na nakita ko na yung pasyente, nagulat ako. Kasi yung nakasalubong ko sa hallway ay sya mismo ang nakahiga sa bed. Nagiiyakan na lahat ng relatives ng pasyente habang ako shocked pa rin ako sa mga nangyari. That day, namatay nga yung pasyente at naikwento ko yung nangyari na yon sa kasama kong Nurse sa station. Sabi nya normal nalang daw ang mga ganong kaganapan kaya masanay na raw ako. Magsimula noon ay hindi na nawala sa isip ko yung pangyayari na yon.

Pangalawa naman ay nangyari sa ibang ward noong January lang. Night duty ako that shift pero walang masyadong ganap. Chill chill lang kami non. Nagmumusic habang nagkakape. Konti lang din ang census ng pasyente kaya hindi ako natoxic non at dalawa kaming Nurse ang nakaduty. Mga 1:40am na nung naalala kong may due akong gamot ng 2am. Habang nasa medication area ako, nagpreprepare ng gamot. May tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng Nurse Station. Napalingon ako kaagad at pagkita ko ay wala namang tao doon. Ang nasa isip ko naman ay binibiro ako nung kasama kong duty. Lumabas ako ng station para icheck pero wala talagang tao. Maya maya ay nakita kong bumaba ng hagdan yung kasama kong duty at naglalakad papunta sa station. Galing daw syang Pharmacy para kumuha ng gamot. Ako naman tong si matatakutin, namutla ako at parang di ako nakahinga ng mga 10 seconds. Tinatawanan lang nya ako habang nagkukwento ako kasi common na daw na karanasan yung ganon sa ward nila. (Iniinvalidate ba naman ang kwento ko HAHAHAHAHA) After nya magprepare ng medications nya ay nagsabi sya sakin na pupunta daw sya sa room 3120 para magbigay ng gamot. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa room ng pasyente nya. Tinuloy ko lang iprepare lahat ng gamot na due ko nang may tumawag ulit sa pangalan ko. That time diko na talaga kinaya at lumabas nako ng Nurse station at sinundan ko sya sa room ng pasyente nya. Kunwari tutulungan ko sya para di mahalata ng pasyente nya na may katatakutang nagaganap sa station namen. HAHAHA

Pangatlo naman ay nangyari hindi lang saken kundi kasama ko that night yung Security Guard. Tuwing gabi kasi ay makikita mong may nga security na lumilibot sa lahat ng Ward. That time, may kailangan akong kuning gamot sa Pharmacy kaya sumabay nako kay Kuyang Guard. Sa First floor pa kasi ang pharmacy namin kaya need mag elevator. That time, may isang floor ang di muna pinapagamit dahil under renovation sya. Yung floor na yon ay dating ward ng mga may Renal Diseases. At nasa baba lang sya ng ward namin. Habang nasa loob kami ng elevator ni Kuyang Guard, binibiro ko syang dapat natutulog nalang sya at di na mag round. Nagtatawanan lang kami sa loob ng elevator tas biglang tumigil yung elevator sa floor na under renovation. Bumukas ang pinto ng elevator at nakita naming sobrang dilim at may naririnig kaming naglalakad na may takong. Nag eecho kasi yung yapak na yon sa may hallway. Nagkatitigan naman kami ni Kuyang Guard at dali dali nyang pinindot yung close button. Iniisip ko naman ay baka kasamahan nya yon na naglilibot sa floor na yon pero sabi nya, dapat may flash light sya dahil super dilim doon. At ang advise sa kanila ay wag na libutan yung floor na yon dahil baka may nalalaglag pang mga kahoy or materyales.

Marami pakong experience sa Hospital na to. Nanjan yung may makikita kang dumadaan nalang bigla, mga iyak ng bata, mga biglang nahuhulog na mga Items at minsan ay mga image na nahahagip ng camera namin habang nagpipicture. Pero lahat ng to ay nakasanayan ko nalang at ngayon, ako naman ang tumatawa kapag minumulto yung kasama kong duty na baguhang Nurse.

Hanggang dito nalang muna. Maraming salamat sa oras ninyong lahat!

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now