PANAGINIP

174 0 0
                                    

PANAGINIP

Magandang buhay ako ulit ito si Lala na lumaki na sa Manila dahil dito nag hahanap buhay ang mga magulang ko. Itong ibabahagi ko sainyo hinding hindi ko ito makakalimutan, nasanay akong katabi ko ang ate matulog pero nung kinasal na siya lagi na ako mag isa natutulog sa kuwarto na inuupahan namin. Lumaki ako na takot ako sa mga multo o sa mga hindi natin nakikita, dahil di naman natin alam kung may bad intension na gagawin ito saatin. Habang natutulog ako isang gabi nakikita ko ang sarili ko na tumatakbo ako tila may humahabol sa akin na isang lalaki, hanggang sa naabutan niya ako at hinampas ng dos por dos sa aking batok at nawalan ako ng malay. Nagising ako pagkatapos na mangyari iyon dahil sa sobrang takot, gusto ko man bumangon pero hindi ko kaya dahil sa sobrang bigat ng ulo at masakit ang batok ko kung saan ako hinampas sa aking panaginip.

DOPPLEGANGER
Hindi ko namamalayan mataas na pala ang aking lagnat, umabot ng isang linggo di parin nawawala lagnat ko baba at biglang tataas. Binabantayan ako ng aking ina hanggang madaling araw dali tumataas ang aking lagnat, isang gabi natulong ang aking ina sa puwesto ng aming tindahan samantalang ako naiwan sa may sala at bantay ako ng aking hipag na natutulog na din. Sumapit ang alas dos ng madaling araw nakita ko ang aking ina na patungo sa banyo, tinatawag ko ang aking nanay dahil magpapatulong ako bumangon. Malapit na mag alas tres ng madaling araw subalit hindi pa lumalabas ang aking ina sa banyo gusto ko man pumunta ng banyo tinulog ko nalang dahil sa sobrang takot.

TAKONG
Isang gabi sinamahan ako ng aking nanay na matulog sa kuwarto dahil bantay parin ako kung tataas paba ang aking lagnat. Totoo nga ang sabi ng iba kapag may mahina ka maraming lalapit sayo na mga entities na hindi natin nakikita. Habang mahimbing natutulog ang aking nanay at ako ay hindi makatulog umabot ng madaling araw, may naririnig ako na tunog ng takong palakad lakas sa tapat ng aming bintana sa kuwwarto. Pabalik balik ito at sunod ay may halo na itong tunog ng kadena na hinihila ito. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil sa mga naririnig ko sa paligid. Pasensya na kung sobrang haba itong binahagi ko ay nangyari ito sa loob ng isang linggo na ako ay nagkasakit. Maraming Salamat sa pagbabasa hanggang sa muli 🙂

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now