" BINTANA "
Hi everyone, this is my second time sharing my story here on Spookify.
This story happened to me when I was in high-school.Nakatira ako sa isang baryo somewhere in Mindanao. I live with my Lola and my tita's family. Hiwalay Yung parents ko at may kanya kanya na silang buhay that time. So anyway, itong story ko sinasabi ng mga napagkwentuhan ko na baka bangungot Lang daw or kathang isip ko Lang. Pero alam ko sa sarili ko Yung totoo dahil ako mismo Naka experience nito.
I was in 4th yr high-school that time. Graduating na ako non. Nung time na yon may activity kami sa school. Di ko na matandaan exactly Kung ano, basta umuwi ako ng bahay that afternoon and hindi na ko nakapag hapunan dahil natulog nako derecho sa sobrang pagod ko.
Yung bahay na tinitirahan namin non is nasa isang compound na pag aari ng isa ko pang tita. May malaking bahay sa harapan taz may maliit na kulungan ng baboy sa gitnang parte, taz sa dulo is Yung bahay na amakan na tinitirahan namin. Which is bungalow type na pahaba at hinati din sa dalawang part. Plywood lang ang pagitan. Para din sa isa ko pang tito at family nya yung sa kabilang side.Naalala ko pa nung gabing yon tinawag ako ng tita ko para kumain pero di nako umimik sa sobrang antok. So hinayaan na Lang nila ako matulog. Usually katabi ko matulog si Lola sa isang kama. Pero that time, wala ang Lola ko at nasa isang anak niya nag stay. So ako Lang mag isa sa di naman kalakihan na kama. Yung position ng kama namin is naka harap sa bintana na malalaki. Jalousie style yung bintana pero gawa sya sa kahoy at makaluma. So Para masara sya, lalagyan mo lang ng pang tukod yung sa ibaba para di sya mabuksan. Kahit ano pwede magamit like maliit na kahoy or battery ng ever-ready basta sakto yung sukat na di siya mabubuksan.
Tanda ko pa na sinara ng tita ko yung mga bintana bago sila matulog. Kasi narinig ko sya na nagsi sermon sa anak nya habang sinasara yung bintana malapit sa kama ko.
Walang kwarto Yung bahay na yon. Talagang open space Lang sya. Ginawang division Lang Yun mga aparador at sala set na gawa sa kawayan. Yung kusina naman is nasa labas.
So ayun na nga. Ang himbing na ng tulog ko sa kailaliman ng gabi. Maya maya pa may naramdaman akong pagaspas ng ibon sa bandang mukha ko. Alam nyo yung lumipad bigla Taz dumaan talaga sa harap ng mukha mo yung pakpak. Ganon na ganon. So nagising ako pero di agad ako dumilat kasi nakiramdam muna ako. Bakit may ibon sa loob, eh anong oras na ng gabi yon? Tsaka pano nakapasok eh sarado na lahat ng bintana? Sa isip-isip ko.Dahan-dahan ko minulat Yung mata ko. Ramdam ko kasi na nasa may headboard ng kama ko sya dumapo. Kasi naririnig ko yung kaluskos ng mga paa nya. Note ko nga Lang din pala, na yung headboard ng kama ko is may space bago yung aparador ng tita ko. So kapag may nakatayo don sa likod ng headboard eh kasyang kasya.
Nung tiningnan ko na sa bandang ulunan ko yung ibon. Kinabahan ako kasi ang laking ibon na kulay itim ang bumungad sakin. Kitang kita ko yung nanlilisik niyang mga mata na ang pupula at ang sama ng tingin sakin. Hindi ako makagalaw sa sobrang takot. Nakatitig lang ako sa mata nya. Di ko halos namalayan nung unti unting nagbago yung anyo nya. Yung itim na itim nyang mga pakpak ay naging napakahaba at kulot na kulot na buhok at yung ibon ay nag bago ng anyo at naging isang babae na sobrang ganda. Nakakaloka kasi ang ganda ganda nya pero nanlilisik yung mata nya. Sobrang itim yung kulot at mahaba nyang buhok at ang puti at kinis niya. Nawindang ako kasi dahan-dahan niyang nilalapit sakin ang mukha nya. Sa isip isip ko, nalintikan na at kakainin na ata ako ng aswang na to. Pinikit ko yung mga mata ko at nag dasal ako ng " Angel of God". Ang tanging dasal na kabisado ko that time. Inantay ko yung pag kagat ng aswang o Kung ano man Yung nilalang na yon sakin. Grabe na din Yun tagaktak ng pawis ko at basang basa na Yun damit ko. Hindi rin ako makasigaw sa sobrang takot ko.
Maya maya naramdaman kong umihip ang napaka lamig na hangin. Taz biglang minulat ko Yung mga mata ko, nagdalawang isip pa ako Kung titingin ako sa may headboard o Kakaripas ako ng takbo. Pero na tempt akong silipin ulit siya. Pagtingin ko sa may ulunan, nawala na Yung babae. Wala din akong ibon na nakita. Para akong nabunutan ng tinik. Sa isip isip ko. Diyos ko po. Binangungot Lang pala ako. Nakahinga ako ng malalim. Nung tatayo na dapat ako para uminom sana ng tubig, napatingin ako sa bintana na kaharap ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko. Kasi, bukas na bukas ito. Walang nakalagay na pang tukod. Sa lahat ng bintana na naka hilera. Ito Lang ang bukod tanging bukas na bukas. Tiningnan ko ang labas at sobrang madilim pa. Pero maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Mabilis pa sa alas kwatro kong sinara ito at nilagyan ng battery. Sinigurado kong di na ito mabubuksan. Natulala ako saglit at napaisip Kung panaginip o totoo Yung nakita ko. Pero ang lakas ng kutob ko na totoo siya at hindi siya bangungot Lang.Nung umuwi na sa bahay ang Lola ko. Kunwari ako nagtanong sa kanya Kung totoo ba ang mga aswang at Kung meron bang aswang sa lugar namin. Napakwento ang Lola at ang Sabi niya. Yung lugar daw namin na yon ay may nakatirang napakagandang babae at napaka kinis. An daming lalaki ang nahuhumaling sa kanya kasi bukod sa napaka ganda ay may napaka haba at kulot itong buhok na itim na itim ang kulay. Para umano itong manyika. Pagkarinig ko sa sinabi ng Lola ay namutla ako bigla. Di na ako nakaimik. Kaso nalaman ng mga tao doon na may lahi pala itong aswang at tinaboy siya palayo sa baryo namin. Kaya Yung pangalan ng baryo namin ay hango sa tawag nila sa mga aswang nung panahong yon.
Tinanong ko ulit si Lola Kung nakita na ba nya sa personal Yung aswang na yon. At ang Sabi nya, oo isang beses Lang daw nung bata pa siya. Nakasalubong niya daw habang naglalakad sila ng mga magulang niya.
Napaisip tuloy ako. Kung Yung aswang na tinutukoy ni Lola at Yung babae nung gabing yon ay iisa.Maraming salamat sa pagbabasa.
Hashira12