Hilik
Hi! I'm Ann, silent reader din po ako dito. Share ko lang din experience ko sa inuupahan ng sis in law ko sa pampanga year 2006.
May family business kami somewhere in SM pampanga (personalized accessories). Dun ako sa hipag ko nagwowork that time pero sa Manila branch. Nagjajapan ang hipag ko pero every other month sya nauwi dito sa Pinas, ang naiiwan sa bahay nila ay ang asawa nya lang that time. Tuwing gabi lang nauwi or kadalasan pag nasa Japan hipag ko ay dun nauwi sa parent's house ang asawa nya.
So ito na nga. Yung inuupahan nila apartment ay iba na talaga ang pakiramdam ko dun. Nag stay kasi ako ng 1 week dun dati pero may mga kasama pa that time. Pero sa na experienced ko dun na nakakatakot talaga ay ung inutusan nya akong pumunta dun at may kukunin na important document na iniwan daw ng asawa nya sa kitchen table, hingin ko daw ang susi sa caretaker (nasa Japan kasi sya that time). So from Manila after ng duty ko nag drive na ako papuntang Pampanga kasama ko ang isang friend ko. Nakarating kami sa bahay sa Pampanga ng 7:00 pm. Sobrang dilim, sa 2nd floor ang unit ng hipag ko. Pagka park ko sa labas ay agad ko tinext ang caretaker para ipaalam na nasa labas na ako. Mga 5mins ay lumabas na sya at binigay sa akin ang susi. Nagpasama ako sa friend ko at kinakabahan ako madilim sa taas, wala din tao ang mga kalapit pinto (nasa work pa siguro). Pag bukas namin ng pinto agad kong binuksan ang ilaw sa sala at kusina. At nakita ko kaagad ang document na iniwan sa table, pagkacheck ko sinabihan ko ang friend ko na umuna na sa labas at mag sasara na ako ng mga ilaw. Pagkapatay ko ng ilaw sa kusina ay biglang may humilik na nanggagaling sa sofa na pagkalakas lakas. Parang hilik ng napakalaking tao. Bigla akong kinilabitan hanggang sa ramdam ko na parang lumaki ang ulo ko. Hindi na ako tumingin sa gawi ng sofa at nakakakita kasi talaga ako, baka kung anong nilalang ang makita ko. Nagderederecho ako ng takbo sabay patay ng ilaw at lock ng pinto na hindi man lang nalingon o natingin sa gawi ng sofa. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Sabay pagharap ko sa friend ko tanong sya na kung sino daw un kasi nadinig din pala nya. Kumaripas na kami ng takbo pababa at bigay ng susi sa caretaker. Sinabi namin sa caretaker ang nangyari at tumango lang sya sabay sabi na madami daw talagang ganun sa lugar na un (sanay na sya 😂). Mula nun ay hindi na ako nagpupunta dun ng walang tao lalu na kung gabi.
Yun lang po. Next time po uli sa kinalakihan kong bahay, madami kwento. Thanks po. God bless.Ann04