DAM SA RIZAL

170 2 0
                                    

Dam sa Rizal

Hello po, silent reader din po ako since 2015.
start ko na po agad magkwento hindi ko rin alam kung ano tawag sa nangyari kayo na po ang humusga.

Nangyari ito year 2019
meron ako noong girlfriend, bago ko lang siya makilala noon kaya hindi niya naabutan yung kaibigan ko na namatay dahil sa lunod sa dam.

FF. death anniv na nung kaibigan ko noon. sinusundo ko palagi ang gf ko sa work at naglalakad lakad kami o gumagala bago kami umuwi sa bahay. so ayon na nga nag iisip kami kung saan naman kami gagala nung time na yon, pero wala kami maisip na lugar. bigla ko naalala na death anniv pala ng kaibigan ko, sinabihan ko yung gf ko na sa dam na lang kami magpunta para magtirik ng kandila. around 5pm at medyo palubog pa lang ang araw noong sumakay kami ng tricy papunta sa dam. inabot na rin kami 6pm bago kami nakarating. nawindang talaga ako kasi first time ko non makapunta sa wawa na madilim na, pagbaba ko ng tricy bumungad sa akin yung sobrang dilim at nakakakilabot yung aura nung dalawang malaking bundok doon. kabababa lang namin at nalingon ako sa isang part ng dilim papasok sa dam (eto yung huli ko na lang na natatandaan mula makababa kami tricy) meron don maliit na tulay papunta sa dam sobrang dilim at takot ako pero nagtuloy tuloy yung paa ko maglakad papalapit sa loob ng dam kung saan mo na makikita mismo yung ilog. parang nablangko yung utak ko hindi ko na nga namalayan na malayo na yung girlfriend ko sa akin, pero kahit siya siguro ay nakahalata na wala ako sa sarili kaya sinundan niya na ako, may mga sinasabi pa siya sa akin hindi ko lang din maalala at parang nabingi ako nung time na yon at ang gusto ko lang ay lumapit sa ilog maligo at tumalon sa tubig. alam ko sa sarili ko nung natauhan na ako na hindi ko yon gagawin kahit nga lumapit don sa dilim eh di ko magagawa na hindi ko kadikit ang gf ko, dahil nga unang kita ko pa lang pagbaba namin ng tricy napakadilim na at nakakalabot yung aura nung dalawang bundok na malaki sa harapan ko. yung nararamdaman ko noon eh parang hinahatak ako papalapit sa tulay, at may naririnig ako napaka gandang boses sa utak ko huni lang pero napaka gandang music sa tainga mo, sa isip ko parang galing ito sa isang napaka gandang babae, nabubuo yung image niya sa utak ko parang nagpapakita lang siya gamit isip ko, mahaba ang buhok niya at mahaba suot na puting dress, di siya maganda lang, parang DIYOSA. tipong hindi ko magagawa lokohin ang gf ko kung nasa katinuan ako kahit para sa kung ano man yung tinig na yon, pero hindi makontra ng katawan ko at parang kung ano man yon ay nagawa non maalis sa isip ko na may nobya ako, nakakaakit talaga.

natauhan lang po ako nung sinundan na ako ng gf ko sa tulay na bamboo, hinawakan niya lang ako sa braso inawat ako, kasi hahakbang na raw po (magpapahulog) ako sa baba ng tulay, napaka laki ho ng mga bato na nandoon sa ilog talaga naman parang su1 cide na yung gagawin ko. nung natauhan ako takot agad yung naramdaman ko, kasi napaka dilim po talaga. hinding hindi ako lalapit sa part na yon kung nasa tamang pag-iisip po talaga ako.
niyaya ko na agad siya umuwi at habang nasa tricy po kami nanghihina yung katawan ko, parang may nakapasan sa balikat ko. nagkukutuban lang kami ng gf ko, di ko man sinabi sa kanya pero parang alam niya po agad gusto kong sabihin. nasundan kami at pakiramdam ko nandon pa yung elemento sa balikat ko. nag suggest po yung girlfriend ko na dumaan sa simbahan bago kami umuwi, lagpas na po sa bahay yung simbahan sinadya lang talaga namin dahil sa bigat ng pakiramdam ko, sa labas lang kami ng gate ng simbahan at kumapit ako sa gate para magdasal, para po akong binuhusan ng malamig na tubig habang nagdadasal. ramdam ko yung pakonti konting nawawala yung bigat sa balikat ko at don na ako napaiyak, hindi naman po kasi ako palasimba kaya naramdaman ko na epektibo yon napaiyak ako sa tuwa dahil di ako pinabayaan ng Diyos, naiyak na rin po yung gf ko kasi sobrang hindi po normal yung nangyari, trauma na rin po ako at nagsabi kami sa isa't isa na hindi po namin babanggitin yung nangyari kahit kanino para hindi po maungkat at di na namin maramdaman ulit yung takot iba yung trauma na dala sa akin/sa amin.
dito ko lang din po na-open, marami naman po nakaranas ng mga di mapaliwanag na bagay rito, pakiramdam ko po hindi weird at tamang lugar to para masabi to and para po malinawan ako kung ano po talaga yon sa mga nakakaalam dito.

nung naranasan ko po ito parang di na po ako magtataka kung bakit ang dami rin talaga ang nalulunod sa dam na iyon, karamihan po eh panganay na lalaki. panganay po ako.
ingat po tayong lahat.

sana mapili, salamat admin!
J070103

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now