NIGHT SHIFT
Hi, admin. Glad that you're back! Dahil jan, i-share ko lang yung creepy experience ko. Sana po ma-post.
This experience of mine happened years ago. Year 2018 if I'm not mistaken.
Nagtrabaho kami sa isang kainan(TapSiLogan) ng partner ko nun. Siya ang nagpasok sa akin, nung una hindi pumayag pero dahil need talaga nila ng tao ay no choice sila.
Yung pwesto ng kainan ay highway at gilid ng gasoline station. Building type, 2nd floor kami. Kainan din yung sa baba, tindahan ng damit, tapos bar naman yung katabi. Two shift lang meron kami, 7am-7pm/7pm-7am. Dalawang crew lang din kada shift. Weekly nagrorotate ang schedule namin. Kasama ko nga ang partner ko sa duty lagi pwera nalang kung day off ng isa sa amin.All around pala ang gawain dun pero syempre may pinaka station ka talaga. Cashier palagi ako tapos kitchen naman yung partner ko. May pintuan ang kitchen at sa gilid ng counter ay may window na binubuksan at bell na pinipindot para kapag ready na ang order ay bubuksan ko at ako kukuha para i-seserve.
Mga unang araw wala naman akong naramdamag kakaiba, hanggang sa nag night shift ako.. Madalas kong binubuksan ang window at nagtatakha na wala pa dun ang food, sabi ko sa partner ko bakit niya pinindot e wala pa naman. Nung una tiningnan niya ako ng kakaiba, sabay sabing siya nalang daw mag roll up ng window kapag nandun na yung order. So hindi ko masyadong inisip dahil baka hindi naman talaga tumunog. Madaming customer ng gabi kaya sobrang busy namin halos hindi kami makapag usap. Pag-uwi namin sa bahay ay tsaka palang siya nag kwento na totoong tumunog daw ang bell pero hindi daw siya ang pumindot. May bata daw kasi na gumagala dun at pinaglalaruan. Hayaan ko nalang daw dahil ayun lang naman daw ang ginagawa. Akala lang pala namin.
Ganun pa rin pero medyo nasanay na ako. Pero ilang buwan nakalipas nagsara yung bar sa tabi namin, yung sa baba naman na kainan e hangang 12mn lang talaga tapos 6pm lang yung clothing stor. So kami lang ang 24hrs na bukas sa area na yun. May gasolinahan naman sa baba pero syempre nasa 2nd floor kami, sobrang tahimik. Dun nagsimula na may naririnig kaming parang may naglilinis sa loob ng bar. Yung parang nagbubuhos ng tubig at nagliligpit ng mga baso/pinggan. Nagtakaka kami kasi mauuna ang sa amin bago ang bar. Sa may Cashier area may CCTV din at meron nakafocus sa hagdan, na lagi ko chinecheck para kung may paakyat ay mag reready kami. Pero that time, around 2am na yun kaya nagtaka talaga kami dahil wala naman umakyat at sarado na nga yung bar. Sinundan pa yun ng ilang araw, mga tulak naman ng lamesa at pag aayos ng upuan. Ilang beses na rin na de detect ng CCTV na may gumagalaw(Thru Motion Censor). Dun na talaga kami natatakot kasi kahit yung CCTV sa may kitchen ay ganun din. Kalaunan naging normal ulit sa amin yon kaya di na rin namin pinapansin. Pero ito ang pinaka natakot talaga kami.
Kapag walang customer nagpapalitan kami umdilip ang partner ko, o di kaya ay nagliligpit, naglilinis. Isang beses, natutulog ako ng bigla niya akong niyugyog ng malakas kaya tumayo agad ako kasi akala ko may tao. Pero nagulat ako na namumutla siya. Ala singko na yun ng umaga. Sabi niya naglilinis daw siya ng glass window sa labas ng may sumistis sakanya ng tatlong beses. Hindi siya lumingon dahil sabi daw ng lola niya na kapag may sumitsit o kumatok daw ng tatlong magkakasunld ay hindi daw tao. Pero kinalibutan siya nung nanlamig yung batok niya at may bumulong sa tenga niya ng 'Good morning'. Takot na takot siya nun dahil siya lang daw tao nun tapos yung boses daw sobrang lalim at parang sa mismong tenga niya nagsalita. Nanigas din siya nun at ilang segundo di nakakilos. Simula nun tsaka nalang siya naglilinis ng bintana tuwing may liwanag na. Isang beses din sa akin, nagmamop ako ng dining tapos yung partner ko nasa kitchen may ginagawa. 4am yun tandang tanda ko. Narinig ko na tinawag niya ako, kaya pumasok ako at tinanong kung bakit. Sabi niya hindi daw siya nagsasalita. Sobrang tahimik nun kaya rinig na rinig ko na boses niya yun, pero dahil sinabi niyang hindi siya ay alam ko na kung ano. Tinuloy ko nalang yung ginagawa ko at hindi ginawang big deal. Pero maya maya parang nagsitayuan yung balahibo sa batok ko nang may nagsalita sa likod ko mismo ng "Gusto mo tulungan kita". Hindi yun boses ng partner ko dahil talagang nakakakilabot. Bigla din lumamig sa loob at gumalaw yung isang upuan kaya tumakbo ako sa kitchen. Sabi ko sakanya mamaya na siya kitchen samahan muna ako sa dining para mag mop, at tutulungan ko naman siya kapag tapos na ako. Alam niya na ang ibig sabihin. Napag usapan na rin namin ng dalawa pa naming kasama at sinabing may ganun nga daw simula na experience simula nung magsara yung bar. Sabi nila siguro namimiss yung ingay. Btw, tsaka lang kami nag uusap kapag maaga na dahil nakikinig daw sila sa gabi, baka sumali daw.Tumagal ako ng months dun kaya sa huli sanayan nalang talaga. Maraming salamat po at pasensya na kung medyo mahaba at magulo.
LoisLane