NOT YOUR COMFORT ROOM

200 4 0
                                    

“Not your comfort room”

I was in ninth grade when this happened. If I were to recall my past experiences sa school na ’yun, this one was the worst. Since before preschool pa lapitin na talaga ako ng mga kakaibang elemento or "uruyugon" kung baga. The reason why nagdalawang isip pa si mama and lola na doon ako mag-aral. So here what happened that day...

Early in the morning, as usual kaonti pa lang kami na papasok sa campus that time. Noong nasa junior high pa lang ako inaagahan ko talagang umalis para mahatid ni papa, ayaw ko ’yung nakikipagsiksikan pa sa jeep and nalabas na tirik na ang araw. Nakaupo ako sa bench sa tapat mismo ng classroom namin, naghihintay, nang may marinig akong ingay sa katabing CR nito. Noong una binalewala ko lang kasi I wasn't even sure kung guni-guni ko lang ba ’yun or kung sa CR ba talaga galing. But then the second time, rinig na rinig ko na talaga ’yung tunog na parang may kumakaskas sa floor; ito ’yung time na nag-decide akong tumayo and lumayo roon since nakaramdam na rin ako ng takot. Nag-doubt pa ako kasi sa tagal naming volunteer na cleaners ng CR wala namang something weird na ganap tuwing naglilinis us. As the time progressed nakalimutan ko na ’yung ganap sa ’kin that morning.

Fast-forward, I forgot na if after or before lunch, but as a student ’di natin maiiwasang ma-overwhelmed sa gitna ng class. But since pro na akong i-hide ’yung mga panic attacks ko walang nakapansin na lumabas ako ng classroom and I went sa CR. Walang lock ’yung main door maliban sa isang malaking rock. Alam ko talaga inayos ko ’yun para walang ibang pumasok. Inside that CR may tatlong cubicles: Dalawang maliit sa right side and isang malaki sa far end. And since kami palagi ang naglilinis doon alam kong closed ’yung dalawang maliit kasi both barado. Dumiretso ako sa malaking cubicle. Right after I opened the door napansin ko agad ’yung sako sa floor and I was like huh, bakit may sako rito? I shrugged it off cause mas priority ko ang maiiyak lahat ng frustrations and worries ko. Naupo ako sa toilet bowl, umiiyak. Ganoon lang for ilang minutes hanggang sa natigilan na lang ako kasi I heard something and tumindig talaga ’yung balahibo ko.

Alam kong may flush ng water akong narinig. Right mismo sa katabi ng malaking cubicle. Natulala pa ako ng ilang seconds before dali-daling tumayo and lumabas that I forgot isara ’yung door ng cubicle. I dunno anong pumasok sa akin bakit pa ako tumigil sa harap ng cubicle na ’yun, but I was so dam* sure na doon ko ’yun narinig. Which is ’di kapani-paniwala kasi both silang barado and ako lang ang naroon sa loob. So sino ang magbubuhos ng water sa bowl? I panicked and ran, sinipa ko na ’yung bato sa door makalabas lang. But before ko totally masara I saw something sa cubicle na nilabasan ko. Something na nasa ceiling.

Nang makabalik ako sa room, after sometime na magather ko ’yung thoughts ko, I asked ’yung friends ko if sinundan ba nila ako sa CR.

“Huh? No. ’Di ka nga namin napansing umalis.”

Days after that incident, I somehow told my girl friends bits of what happened sa ’kin. Which is sana ’di ko na lang ginawa. Kasi after learning “that” ‘di na talaga ako bumalik doon.

“Luh? Seryoso ka? Sure ka bang ’di ka pa aware sa story ng CR na ’yan? Usap-usapan na ’yan dito sa campus matagal na. Sabi nila may nag-saw we side daw na babae riyan... ”

Ali Nami

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now