ELYU
Disclaimer: Sorry kung boring ako magkwento
It happened during GCQ days (Dec 2021). Medyo maluwag luwag na ung quarantine pero need pa din ng swab test and other requirements. To think na may quarantine pa, konti pa lang mga taong gumagala or out of town.
Nagkayayaan ang barkada para bumaba ng La Union kasi nauumay na sa Baguio. Lahat ng destinations sa La Union is pinasyalan namin umpisa ng San Fernando - San Juan skip to Balaoan pabalik ng Bacnotan.
Last stop namin sa Bacnotan is ung ** ***** ******, dun kami nagstay for 2 days 1 night. Nakapagcheck in na kami at gusto muna magpahinga kasi grabe din ung layo ng mga pinuntahan namin at pagod na ung driver.
Pagkatapos naming magshower lahat at napwesto ung mga gamit, kanya kanya muna kaming cellphone at nagkakayayaan na magswimming maya maya sa pool. Napansin ng isang friend namin na nawawala ung tuwalya nya eh lahat ng gamit namin nasa malapit sa salamin lang, ung kanya is binukod nya sa kama nya. Lahat kami naghalughog maski sa cr, mga cabinet, at sa terrace sinilip na namin kaso wala talaga. Sabi na lang nya na maya maya na lang hanapin may extra pa naman sya dala nang biglang kumalabog ung pintuan at parang may gustong pumasok. Lahat kami nagtinginan kasi kami lang ang tao sa floor na yun at wala naman lumabas.
Pagbukas namin ng pinto parang may something na amoy patay na daga na amoy kulob na basahan na ewan. Hinahanap namin kung san galing pati sa ilalim ng kama wala namang dumi o ano man.
Nagsitayuan balahibo namin pero inisip na lang kelangan namin magenjoy kasi last day na.
Padilim na nung nagswimming kami at parang solo namin ung resort kasi lima lang kaming pabalik balik ng langoy sa pool. Nakakakilabot ung feeling kasi parang may mga nanonood sayo sa mga terrace at rooms kahit kayo lang naman ung tao. Biglang namulikat ung paa ng kasama namin kaya sabi namin akyat na kami kasi medyo malamig na din, ayaw namin magshower sa cr malapit sa pool kasi akala mo may sisilip sa mga butas kaya sabi namin kahit sa room na lang pa-isa isa.
This time naman ung eyeglass ng kasama namin ang nawawala. Alam mo ung para kang pinaglalaruan na pinapakialaman ung mga gamit mo. Hanap ulit kami ng hanap pero wala talaga. Hanggang sa nag-ingay na naman ung door knob pero wala namang kahit anong hangin na malakas o ano. Kasi kung malakas na hangin yon dapat buong pinto ang tutunog pero ung door knob lang ang tumunog. Kinilabutan ulit kami kasi andun na naman ung kakaibang amoy na hindi namin mahanap.
Para magpaantok at mabaling sa iba ung takot, naglaro na lang kami ng cards at kwentuhan. Ang hirap pa makatulog kasi nakakatakot ung salamin at cabinet. Kahit malamig ung aircon pinagpapawisan ka pa din ng mainit sa takot.
Nakapack up na din kami para umalis. Tumunog ulit ung doorknow pero this time lumitaw ung mga hinahanap naming gamit. Buong gabi na andun ung amoy na mabaho pero nung paalis na kami biglang nawala. Parang guminhawa ung ere, baka nagambala namin sila or feeling namin may namatay sa room na yon.
Di ako naniniwala sa multo pero ung ikaw mismo makaexperience ng kakaiba, nakakakilabot pala. Nagtanong kami sa in charge dun, meron daw bata talaga na nakikipaglaro doon.
elyowyow