My past lover

587 14 0
                                    

MY PAST LOVER

Hi my name is may (not my real.name) ginamit ko lang ang dummy account ko para mag send ng story dito.I want to share ung experience ko about my EX na namatay.Torture to for me kasi hanggang ngaun natatakot ako.

Maganda naman ang pagsasama namin noong "UNA" kasi ang sweet niya,caring at responsible yan yung katangian na mga nagustuhan ko sa kanya.On the go lagi kami sa mg gimik hindi ko sya pinipigilan sa gusto niya kung anu magpapasaya sa kanya go lang.Pero isa lang problema sa kanya mainitin ang ulo niya.Sumasama din ako sa mga inuman at mga kasiyahan na pinupuntahan niya.Until one day bigla niya ko binakuran at sobrang dami na niyang ayaw na gawin ko.Para sakin ang napaka daya naman nun kasi ako pinapayagan ko siya tapos ako hindi niya papayagan.

Ff..Nagpunta ko sa Birthday ng tropa ko kahit hindi ako pinayagan ni bf.Hindi talaga ko nag text or chat kasi alam ko na sasabihin niya lang sakin na"No!! wag kang aalis!". Nakakasakal na kaya yung pagiging seloso at strict duh.So inuman dun at inuman dito.Nang bigla na lang may humigit ng braso ko..Feeling ko umuga yung mundo ko kaso lasing na ko ang lakas pa ng pagkakahigit.Pagkaha­rap ko galit na galit na mukha ng BF ko at sa mismong harap ng kaibigan ko sinigawan niya ko nakakahiya kaya.Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at sinigawan ko din siya ang sabi ko pa nun" if hindi mo ko papayagan sumama sa mga friends ko na naunang dumating sa buhay ko mas maganda kung maghiwalay na lang tayo.Ayoko ng ganitong relasyon nakakasakal!" lasing ako kaya malakas loob ko.Pagkasabi ko ng mga salitang bigla siyang napatingin sakin at nagsalita siya "Wag naman ganito hon.Tara iuuwi na kita ng mahimasmasan ka.Sorry din nag alala lang naman ako sayo"Pero nag matigas ako nakatitig lang ako habang siya naiiyak na iniwan muna kami ng tropa para makapag usap ng masinsinan.Nag salita ulit ako ng "Tama na nga muna pagod na ko sa relationship na to eh.Kahit anung gawin ko lagi na lang bawal.Panu naman yung mga gusto ko.Ikaw na lang ba lagi ang iintindihin ko?Paano naman ako?" Naiyak na din ako.Nagkatitigan kami sumagot siya sakin na ikanataas ng balahibo ko."Kung yan ang gusto mo sige iiwanan kita pero tandaan mo babalikan kita kasi akin ka lang." Ang dilim ng mga mata niya nung time na yun.At umalis na siya dun ako nakahinga ng maluwag bigla kasi nanikip ang dibdib ko.nag sibalikan ang mga kaibigan ko umiyak ako sa kanila at kinuwento ko yung nangyari sabi nila sakin ayos lang daw yun mas mabuti pang naghiwalay muna kami para makapag isip.

fastforward
Lumipas ang isang buwan ng hindi siya nag paparamdam sakin chat at text wala.Sabi ko sa sarili ko mas okey na yun kaysa manggulo pa siya nagpaka busy ako sa school (by the way third year college ako ng panahon na to tapos si ex tapos na mag aral mas matanda siya ng apat na taon sakin) madami na kasi paper works na dapat tapusin.Nang biglang tumunog yung phone ko yung pantawag na tone pero unknown number kasi hindi naman siya naka register sa phone ko.Tinitigan ko muna siya sabi ko na lang baka importante i answer it.."hello??" then parang may nag buntong hininga on the other line. Ang tagal bago nag salita "Namiss mo ba ko o kinalimutan mo na talaga ko?".Nagtaka ko tiningnan ko yung phone ko hindi ko kasi ma recognize yung boses parang ang lagom tapos nasa malalim na lugar siya.Sumagot "Huh anung sinasabi ko diyan wrong number ata tinawagan mo"Ibaba ko na sana yung tawag ng sumagot siya "Hon ako to babalik ako"then naputol yung call.Isa lang ang natawag sakin ng ganun sa sobrang aligaga ko nun.Tinawagan ko yung ate niya itatanong ko kung nagbago ng phone number si EX pero out of coverage kaya napag pasyahan ko na lang natapusin yung ginagawa at umuwi na din.Pag uwi ko iniisip ko kung tatawagan ko ba yung number or mga tropa na lang niya hanggang sa makarating ako sa bahay.So in the end tumawag ako sa tropa niya kasi hindi ko pa din ma contact yung ate niya.

Sinagot agad ng tropa niya nag kamustahan kami sabi pa niya buti ni save ko number niya pero ang lungkot ng boses niya tinanong ko siya "okey ka lang ba?" sabi niya okey naman tapos yun kinuwento ko yung nangyari kanina na may tumawag sakin iba yung number pati ang lagom ng boses.Sabi ko sa kanya tinawag niya kung hon eh si Ex lang naman natawag.Tahimik siya sa kabilang linya parang ang lalim ng iniisip niya.Sumagot siya nagimbal talaga ko kasi ang Sabi niya "Matagal ng nawawala si fritz halos isang buwan na simula ng magkita kayo nag inuman lang kami after nun hindi na siya nagpaparamdam samin ulit." sumagot ako sa kanya "Ganun ba.sige ganito na lang ipapasa ko sayo yung number ng tumawag try to call him baka kung anu nangyari sa kanya." Inend ko na din yung call namin.Midnight ng biglang tumawag yung kaibigan ko sabi niya dumaan dw siya sa tapat ng bahay namin dun sa mismong bintana ko sa kwarto may nakasilip na itim na tao hindi daw niya maaninag kasi mejo mabilis din ang pag paandar ng motor ang kuya niya.Napatingin ako sa bintana wala.naman ako nakita sabi ko sa kanya wag kang manakot mag isa lang ako sa kwarto wala pa naman ang kapatid ko.after pinatayan ko na siya ng call at binuksan ko yung ilaw sa kwarto.Biglang umilaw yung phone ko nakita ko ang name na lumabas ay ate ni fritz so sinagot ko.Halos mahulog ko yung phone ko sa kaba sabi kasi ng ate niya may nakitang bangkay at yung huling suot at ginamit ni fritz tumugma sa patay na yun.Tinanong ko kung kailan pa yung bankay sabi daw ng mga pulis mukhang matagal na yun sobrang umalingasaw na yung amoy niya.Iyak ng iyak yung ate niya sabi ko pupunta ko sabi ng ate niya wag na sa bahay na lang daw kapag napa ayos na nila yung kapatid.after nung call naiyak ako kasi hindi ko alam na yun na pala ang ang huling pag uusap namin napatigil ako ng maalala ko kung sino yung tumawag nung nasa school ako.Bumigat ang pakiramdam ko parang nanlaki yung ulo ko medyo umamoy din parang malansa ganun tumingin ako sa paligid wala naman ako makita.Buong gabi ako hindi makatulog nun feeling ko may nakatingin at kasama ko sa kwarto pati iyak ako ng iyak salamat po magulo man po ang kwento pasensya na mahaba na po masyado yung story ko next time na po yung iba malimit siyang magparamdam kaya marami pa kung experience na nakakatakot sa ngaun po ito muna

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now