"GUSALI"
(Kwentong base sa tunay na karanasan.)Hello guys, Eebó again, Salamat nga pala admin sa pagpost ng previous story ko entitled:"PANADERYA" na napagkamalan nyong "Pandemya"🤦♂️🤣 Salamat din sa nakaka-taba ng pusong feedbacks. 💓
Kagaya ng naipangako ko, share ko na tong mga creepy encounters ko/namin sa dati kong or should i say dati naming pinagtatrabahuhan dahil halos lahat kame ay may mga bago ng trabaho ngayon.
Nov.07 2016. Unang araw ko sa trabaho matapos ang medyo matagal na pagkaka-tengga sa bahay. Makalipas ang ilang buwan na pagiging tambay, balik na naman ako sa pagiging isang jaguar o sekyu.
Dayshift ang unang sabak, mga iilang office staffs at mga construction workers pa lamang ang binabantayan ko sa unang araw ko doon dahil under renovation pa ang gusali kaya wala pang items at mga empleyado.
Aminado ako nakakapanibago kase di na ako sanay sa maghapon na naka-tayo. Pero no choice, eto ang linyang pinasok ko e.
Mabilis lumipas ang mga araw, matatapos ko na ang unang linggo ko at ibig sabihin ay magpapalitan na kame ng ka-relyebo ko. Ako naman ang sasabak sa puyatan. Pabor ito sa akin dahil makaka-upo ako less gastos na din.
Unang gabi ko, mga bandang 10:00pm nasa loob ako ng madilim na gusali at tanging ilaw lamang mula sa ilalim ng hagdan papaakyat sa mga palapag ang tanging ilaw sa bandang likod ko, Bale ang pwesto ng hagdan mula sa entrance ay sa kanan sa may kanto ng 1st floor. Naka-upo ako noon sa may entrance nakaharap sa isang pintuang salamin na nakasarado at nakatanaw sa labas.
Kakatapos ko lang mag roving noon kaya chill chill muna. Hanggang parang bumigat ang batok ko. Yung feeling na nangalay ka, ganun. Minasa-masahe ko ito habang nakaupo tapos biglang humangin ng malamig mula sa likod ko.
Imagine nakaharap ako sa pinto nun tapos nakasarado pa tapos ang hangin galing sa likodan ko? Awit lods egul. 🤣 Binaliwala ko lang iyon hanggang sa nitong mga bandang 11:00pm bigla nalang may kumalabit sa batok ko ng medyo madiin at doon nako napatakbo sa labas at doon na ako nagpa-umaga.Sunod na pagpaparamdam ay pang gabi ulet ako, Pero ibang araw ito. Di ko nalang tanda kung ilang araw o linggo ang pagitan sa bawat pagpaparamdam pero ang alam ko hindi ito magkakasunod.
bandang ala-una ng madaling araw, napaidlip ako ng bahagya sa pagkaka-upo sa monoblock sa loob pa rin ng gusali. Ng may napanaginipan akong isang batang babae
na pumasok at ginising ako, pagtingin ko napansin ko medyo maliwanag na ang labas, tantsa ko mga 5:30 na yun ng umaga.
Tinanong ko ang bata ng may pagtataka, kase bakit sya papasok e dipa naman nag ooperate ang tindahan. Tapos may itinuturo sya sa may likod kung saan ako nakaupo, "Kuya, kuya, may bata naka-upo" -ika nya. Lumingon ako at shems may bata nga, nakasuot ito nung parang pang tulog na dinosaur costume na kulay green, nasa may estante sya sa may hagdan naka upo at nagsuswing yung paa. Grabe yung takot ko nun di ako nakagalaw, Hanggang tumawag ulet yung batang babae na kausap ko, di ko sya halos pinapansin kase tulala ako dun sa batang nasa may hagdan, hanggang pinukaw ako ng pag iiba ng boses nung batang babae na naging dahilan kung bakit ako napalingon. Lumake ang boses nito at tila galing malapit sa tenga ko. Nang lumingon ako sa kanya, yung mukha nung batang babae sunog sa sunog tapos halos iisang dangkal nalang ang layo sa mukha ko. Napabaligwas ako sa upuan at tsaka ako nagising. Nagising ako na hinahabol ang hininga ko, pagtingin ko sa likod ko wala akong nakitang bata, wala na din yung nakakatakot na batang babae, madilim pa din sa labas, pagtingin ko sa orasan 01:19am pa lang. Lumipas ang ilang linggo, nagsimula na ang pag ooperate ng store, may mga paninda ng gamit mula 1st-3rd floor may mga stocks na rin sa 4th floor na nagsisilbi din na opisina.
Akala ko mawawala na yung pagpapardam sa loob ng gusali na yun dahil madami na kami at medyo magulo na rin at maingay dahil may mga customers na, kumabaga e abala na ang buong gusali. Pero hindi. Pati ang mga empleyado nakaranas din ng kakaiba, may isa dating sale associate na nag undertime dahil sumama ang pakiramdam, kinabukasan ng tanungin namin bakit sya umuwi sabi nya sumama ang pakiramdam nya dahil may matanda syang nakita habang nagpupunas ng plato sa estante. May time din na papasok kame tapos pag bukas namin ng entrance, may makikita kaming putik at bakas ng paa, maririnig na yabag ng paa sa hagdan lalo pag inaabot ng gabi dahil sa deliver ng items.
May time din sabay sabay kaming nagkasakit same day, same time, yung sumakit ang ulo namin to the point na umiiyak na kame (lalake kame halos 6 kame nun) so ang ending umuwi kame, Yung isa tanda ko sinundo pa kase di makalakad. Ang weird nun.
-May time din na nagsend ako ng picture ng coin bank na may nakasulat na multo as a joke.
-Nakapwesto ito sa may harap ng bintanang salamin kaya hagip sa ang loob ng building.
Tas isinend ko sa gc naming mga empleyado Tapos nagulat ako kase dalawa sa kanila nag pm saken , isinend nila yung picture na isinend ko bilang joke tas nakabilog yung sa may part ng bintana, Pusang gala mah'men, may bata na nahagip ang camera ko na nakasilip sa estante, nakatingin saken. Sobrang puti ng mukha at ang itim ng paligid ng mata. Yun ang laman ng usapan kinabukasan pag pasok nila at agad ding pinabura ng manager ko saken ang larawan siguro para maiwasan ang pagkalat nito sa internet na maaaring makasora sa imahe ng tindahan, which is understandable naman. May encounter din ako sa cr pero di naman grabe, gaya ng pag iyak ng babae na ang boses ay nagmumula sa ilalim ng sink ng banyo sa 2nd floor.Hanggang dito na lamang, maraming salamat po sa pagbibigay ng oras upang basahin ang kwento ko.
PS: Sinadya kong hindi iditalye ang kwento ng buo at hindi kayo bigyan ng insight about sa background ng gusali dahil active pa rin ito until now. Para na rin sa privacy ng may ari at ng tindahan nya. 👌
-Eebó, 28, single. 🤣