University Experience

867 12 0
                                    

University Experiences

Halos lahat naman ng universities may kanya kanyang classic horror incidents. At first di ako naniwala pero iba pala talaga pag ikaw na mismo maka experience. Kaya everytime may mga kwentong ganyan, di na ako close minded.

2nd yr college ako nun. Yung medicine building namin is nasa pinakadulo ng campus namin and hanggang 2nd floor yung basement. Usap usapan marami na daw supernatural incidents dito. Di ko lang talaga inexpect na makaranas rin ako.

One time may class kami sa basement 2. Nag cr ako. Paglabas ko ng cubicle dumiretso ako sa lababo para mag hugas ng kamay at mag retouch ng makeup. Makalipas ng ilang segundo, nag on yung isa sa mga gripo sa loob ng cubicle. Wala namang ibang tao sa cr maliban saken. Pero wala akong nafeel na takot. Hindi sumagi sa isip ko yung mga supernatural na yan. Hinanap ko nalang saang cubicle yung naka on ang gripo tsaka inoff ko. Bumalik ako sa pag reretouch. Pagkatapos nun bigla nalang nag on yung gripo sa katabi kong lalabo. As usual, inoff ko na naman. After a while, nagsimula nang mag flicker ng lights, pa on-off on-off na siya. Di parin ako natakot. Oo, alam ko, ang manhid ko. Nung natapos na ako, lumabas na ako ng cr. Saktong pag labas ko, sumarado nang napakalakas yung pintuan ng cr. Dun na ako natakot at dun ko na na-gets na parang may entity dun na kanina pa ako gustong palabasin. Nainip siguro kaka retouch ko lol. Binilisan ko nalang maglakad palayo, ayaw ko ipakita na natakot ako.

3rd yr college. May subject na naman kami sa basement na yun, last subject of the day, 7:30 - 9:00 PM. Habang nasa kalagitaan ng discussion prof namin ihing ihi na ako. Pero tiniis ko kase ayaw kong maka miss ng discussion niya kahit saglit. Hirap kase ako sa subject na yun. Inantay ko nalang matapos yung klase. Kaso lang, nung natapos na yung klase namin, may tinanong pa ako saglit sa prof ko kaya kami yung huling nakalabas sa room.

Paglabas namin, kitang kita ko lahat ng mga kaklase ko sa hallway, kami lahat papunta sa dulo ng floor, sa hagdanan paakyat. Gusto kong dumaan sa cr kase ihing ihi na talaga ako pero nag alinlangan ako kase 9pm na yun madilim na and yung klase nalang namin yung andun sa building na yun. Kaya sabe ko sa sarili ko “Pag may makita akong classmate na liliko papuntang cr, mag c-cr ako. Pero pag wala, edi hindi rin ako mag c-cr.” Kaya binantayan ko if may classmate akong liliko papuntang cr.

Ilang segundo lang, may isa ngang lumiko sa cr. Kaya naman sumunod rin ako. Pagpasok ko sa cr, nagulat ako. Patay lahat ng ilaw. At walang ni isang tao dun. Agad akong lumabas ng cr at sumabay ulit sa mga kaklase ko. Gulat ako dun.

Kinabukasan kinwento ko yung nangyare sa friends ko. “Sino ba yang classmate mong pumasok ng cr?” tanong ng friend ko. “Hindi ko alam, naka side view kase kaya diko masyado nakita yung mukha. Basta, babae, shoulder length yung buhok, tas may bangs. Tsaka, irregular student kaya ako, so halos lahat dun sa klase na yun diko kilala, at hindi rin ako nakikihalubilo sa kanilang lahat.” sagot ko naman. At nagpatuloy na kaming mag review para sa next subject namin.

The next day, schedule na naman ng 7-9pm class ko sa basement 2. This time, hinanap ko yung nakita kong classmate na lumiko sa cr. Pero, diko siya mahanap. Siguro absent lang.

Nagtanong ako sa katabi ko about sa classmate na yun. “Hi, tanong ko lang. may classmate ba tayo ditong babae, shoulder length yung buhok, naka bangs?”
“Wala tayong classmate na ganun.” sagot niya.
“Sure ka ba? Kasama natin siya dito nung last meeting.” sabi ko sa kanya.
“Wala nga. Blockmates ko to sila lahat. Halos lahat ng subjects, kami lang rin magkakasama. Kaya kabisado ko na pagmumukha ng mga to at madali nalang irecognize kung sino yung mga bago or irregular dito. Ano ba hitsura ng mukha nya?” tanong niya saken.
“Hindi ko nakita eh. Maliban sa naka side view siya, malabo rin mata ko, kaya diko talaga nakita mukha niya.”
“Ah basta.. walang may ganung hitsura dito sa block namin.”
Napa tango nalang ako sa sagot niya.

Kaso lang, hindi ako mapakali kaya kinabukasan, sa ibang subject ko, kinwento ko na naman sa isa pang kaibigan ko. Naisipan kong pag tanungan siya kase matagal tagal na rin siyang nasa university, laging bagsak sa mga klase kaya retake ng retake. Nung natapos na akong mag kwento, parang hindi naman siya natakot. Tanong niya saken, “Naalala mo ba yung nangyari last year sa isang subject naten sa basement 2?” Nag flashback saken yung nangyari.

Last yr kase, sa isang klase namin sa basement 2, nagsasauli ng exam papers yung prof namin. Hanggang sa isang quiz paper nalang yung natira. Walang kumuha ng papel na yun. Tinanong niya kami kaninong papel yun pero di namin kilala yung pangalang nakasulat. “Ma’am baka na mix yan sa kabilang block.” Suggest namin sa kanya. “Sige saglit lang punta muna ako sa faculty baka studyante to ng isa pang kasama kong prof.”

Bumalik yung prof namin sa room na may mapait na ngiti at umiiling. “Wala guys… nang tri-trip na naman yung extra dito.” Kami lahat hindi siya na-gets. “Hindi niyo gets? Ibig kong sabihin, may ghost student na nang tri-trip. Student yan dito maraming taon nang nakalipas. Pero namatay siya. Pero wag kayong matakot. Sanay na kami sa kanya.” Kaya pala. Andaming supernatural na ganap sa basement na yun. May namamasyal palang extra student.

Next day. Chemistry subject. Nasa laboratory kami. May pinapakuluan kaming chemicals sa test tube. Nasa pinakadulo yung pwesto namin ng lab partner ko. Iniwan lang namin saglit ng partner ko yung test tube namin para magtanong lang sa katabi naming pair nang bigla nalang nabasag yung test tube namin. Hindi namin ginalaw. Nireport namin sa prof. Baka daw mali yung process namin. Pinalitan nalang ng lab in charge yung test tube namin. Malas talaga kailangan naming ulitin yung whole experiment process since sumablay kami. Ilang minuto lang, sumabog ulit yung test tube. Kaya naman pinaulit na naman sa amin yung experiment but this time, sinubaybayan na talaga kami ng prof namin. Wala namang mali sa ginawang process namin. Kaya lang nabasag na naman yung test tube.

Nagtinginan yung prof namin at yung lab in charge. Napatawa nalang sila nang konte at pinalipat kami ng station. Simula nun, success na yung experiment namin.

Nung natapos na yung klase, kinausap kami ni prof. “Halikayo dito.” Nagsilapitan rin yung ibang friends namin sa klase. “Wala palang mali sa experiment nyo sa simula pa lang. Nagkataon lang talaga na nagvisit yung ‘friend’ namin dito hehe. Hindi na bago sa amin yan.” Gets na namin agad yung inig sabihin ni prof.

Simula ng mga incidenteng yun, parang nasanay nalang rin ako. Hindi na ako nagpapanic. Kase pinipili ko nalang intindihin yung mga ligaw na kaluluwa dito sa university namin.

Naranasan ko ngang magka sleep paralysis sa library namin. Oo, may mga sofa talaga sa library namin na pwedeg pagtulugan. Umagang umaga, nagka sleep paralysis ako dun. Tsaka one time, nag cr ako sa 4th floor ng library, yan yung may pinaka konting tao na floor. May narinig akong umiiyak sa cr kahit ako lang naman yung tao dun.

Ganun talaga. Pipiliin ko nalang silang tanggapin. Hindi naman sila nanghahamak. Siguro gusto lang talaga nila mafeel na estudyante sila ulit. Or ewan ko.

Hanggang dito nalang. Salamat!

Cindy

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now