Afternoon jogging

485 7 0
                                    

Afternoon Jogging

I used to jog every afternoon sa isa sa pinakamalaking university sa Dasma, Cavite. May maliit na oval doon na pwedeng magjogging at pwede maglaro. pwede naman pumasok kahit outsiders. Around 4pm noong nag jogging ako. Maraming batang naglalaro sa may field, may mga nagsskate board at may mga naglakakad din kasi may residents din inside the university premises. (Yes may bahayan sa loob). Di ko namalayan ang oras na mag 6pm na pala since maliwanag pa naman, mag aagaw dilim palang pero nag decide na ko maglakad na palabas ng campus para umuwi. Wala naman ako ibang naramdaman na kakaiba habang naglalakad palabas hanggang makarating ako sa may waiting shed malapit sa gate ng school. Nakasalubong ko yun friend ko na papasok naman sa loob ng campus. (Nasa kabilang kalsada sya) Nagtataka ako at anong gagawin nya sa loob nun ng ganong oras. Hindi naman sya doon nakatira at wala naman kaming meeting doon (churchmate ko sya and minsan doon kami nagvvenue ng youth meeting sa loob ng campus na yon)  I remember naka school uniform pa sya noon. Medyo lagpas na ko saknya pero ewan ko ba bakit naisipan ko pa sya sundan. Siguro out of curiousity nadin. So naglakad ako ult pabalik. Tinatawag ko sya pero di sya nalingon and naisip ko na ah oo nga pala medyo mahina nga pala pandinig nya, baka di nya suot yun hearing aid nya. Kaya tnry ko nalang sya habulin para gulatin. Di ko namamalayan na sa pag sunod ko sknya ay nakabalik na ko ult sa oval, actually medyo lagpas pa nga sa oval ang narating ko kakasunod sa kanya. Andon parin yung mga batang naglalaro at mga kabataan na nagsskate board kahit medyo agaw dilim na. Sa estimate ko mga around 30-40 steps ang agwat namin ng friend ko. Pero laking gulat ko na dun sya dumaan sa may likod ng lumang library na may malaking puno. Lumingon sya sakin at akma ko na sanang kakausapin ng bigla nalang sya tumagos sa puno at biglang nawala. Doon ako natauhan at biglang nanlamig. Kumaripas na ko ng takbo pabalik, yung takbong parang hindi na lumalapat yung mga paa ko sa lupa. Di ko narin alam kung nagalaw pa ba ko. Yung mga batang naglalaro at nagsskateboard sa oval ay nwala ng parang bula. Biglang dumilim at di ko namalayan na ako nalang pala mag isa.

Pag uwi, tinawagan ko yung kaibigan ko, hindi ko muna sinabi sknya ang nangyari, tinanong ko lang kung nasan sya. Nasa bahay daw sya. Dinescribe ko sknya kung ano ang kulay ng suot ng damit nya at ng shorts nya. Nagulat sya dahil kung ano ang sinabi ko yun daw ang suot nya nung time na kausap ko sya. Nagtaka sya kung bakit ko alam, at dun ko knwento sknya. Simula noon ay hindi na ko muling pumasok mag isa sa lugar na yon. Hanggang dito nalang. Salamat sa pagbabasa

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now