KUYA

312 3 0
                                    

Kuya.

Hi, its me again.

After ko makakita nun ng black lady hnd ko alam kong na aning na ba ako or ano haha.

Totoo pala yung kasabihan nila once na nakakita kana may tendency na makaramdam kana at makakita ka uli.

So eto ulit ang aking entry. Sa province, kung saan kami lumipat after nung Black Lady na yun. Sa province na mas madami pa pala HAHAHA

Natatandaan ko yung gabi na yun malapit na magpasko. Bilang isang bata pa ng mga panahon na yun uso saamin ang pangangaroling. Gabi gabi walang palya. To make the story short, tapos na kaming mangaroling at nagkumpulan na kami sa isang lugar kung saan namin papartihin yung pera na napangarolingan namin. Yung iba bumibili ng softdrinks at uhaw. Yung iba naman kanya kanyang scenario yung ginagawa.

Ako nakatayo sa harap nila hawak yung pera. Kasi nga papartehin na namin. Habang nakatayo ako sa harap nila yung likod nila isang kalsada papasok sa looban kong tawagin. Nakaupo sila dun. Madilim madaming puno since probinsya type kami. Huni ng kuliglig at mga palaka yung maririnig mo. Palinga linga ako nung oras na yun, ni hindi pumasok sa utak ko yung kababalaghan kasi nga magpapasko, panahon ni papa Jesus. So meaning walang nakakatakot. Sandali lang akong nalingat nung tawagin ng kasamahan ko pangalan ko pag tapos nun pag balik ko ng tingin sa likod nila, kitang kita ko yung dumaan sa likod nila hnd kalayuan.

Pa labak yung gawi nya. Naka short na pang varsity tapos naka sando, hnd ko masyadong maaninag yung ibang parte ng katawan nya dahil natatakpan ng anino ng dahon. Yung mukha nya yung napagmasdan ko faded yung mukha nya. Tuloy tuloy yung lakad nya pa punta dun sa labak or bangin kung tawagin. Wala syang dalang kahit na ano. Basta dere-deretso lang sya pa labak na parang walang pupuntahan talaga.

Natulala na lang ako nung oras na yun takang taka sila kasi nakatingin ako sa likod nila ng ganun ang itsura. "Huy ano yun shine?" Tanong nung kasama ko, di na ako nag salita tumakbo na ako paalis dun, yung pera saakin hnd ko alam anong nangyare may nalaglag ata diko na binalikan. Yung mga kasama ko nagtakbuhan na din. Iba yung lamig na nararamdaman ko nung oras na yun. Yung balahibo kong relax lang kanina nagsitaasan talaga nung oras na yun.

Hindi ko na pinansin yung tawag nila, gusto ko lang maka uwi na sa bahay. Haha nung nakauwi na kami tska ko kinwento sa kanila yung nakita ko. Ilang araw din kaming hnd nangaroling nung time na yun, may times pa nga na parang feel ko ayaw na nila akong isama pa sa pangangaroling nila.

Hindi ko alam kung matatawa ako o iyak nung mga oras na yun. Nangangaroling lang naman kami eh, bat may pakitang multo pa hahaha.

Shine.

-
Bulong ni Nanay.

Hi, its me na naman. Pinagsama ko na haha.

Eto na siguro isa sa pinaka creepy na nangyare sa buong buhay ko. Hinding hindi ko makakalimutan to sa lahat.

Hindi ko sure kung High school or College days to nangyare saakin. Yung mga panahon kasi nun uso pa yung ebook at Wattpad. Syempre bilang isang delulu at naadik na sa Ebook/Wattpad magdamag ako nag babasa. Alam mo yung walang humpay. Siguro titigil lang ako sa pagbabasa pag kakain, mag aasikaso sa bahay. So eto na busying busy ako sa pagbabasa habang nakahiga. Gabi na nung time na yun. Hnd ko napapansin yung oras kasi tutok yung mata ko sa phone kakabasa. That time nakakulambo pa ako tapos madami ako unan kasi nga solo ako sa higaan at matatakutin nga ako.

Habang nagbabasa ako, syempre kilig kilig nung time na yun bigla na lang akong napahinto nung marinig ko na may nagsalita.

"Shine tulog na"

Bagsak sa mukha ko yung phone. Dali dali kong inopen yung flashlight ng cellphone ko pagdampot na pagkadampot ko. Nanginginig pa yung kamay ko habang iniilawan yung buong kwarto ko. Nagtataasan na yung balahibo ko nung oras na yun kasi wala talaga akong makita talaga. Sa takot ko nagtalukbong ako ng kumot habang nanginginig, napadasal ako ng wala sa oras nung makita ko yung oras na yun. 2:59 am. Devil time sabi nila.

Pinilit kong matulog nun kahit sobrang nginig na yung nararamdaman ko, dasal ako ng dasal. Gustong gusto ko tumakbo palabas ng kwarto papunta sa kwarto nila mama kaso hnd ko magawa, natatakot akong tumayo.

Impossibleng si mama yun, kasi kung si mama yun rinig mo agad ang kilos. Pero nung oras na yun wala ka talagang maririnig na kahit anong kaluskos.

Ikwenento ko sa fam ko yung nangyare na yun. Maging aral na lang daw saakin yun na huwag ng mag puyat kasalanan ko naman daw at desurv ko haha. Yung panahon pala na yun. Malapit na din mag death anniv. si nanay yung lola ko na mataray.

Pahabol, after nun nangyare na yun bago mag death anniversary si Nanay nagpakita rin sya saakin. Hindi ko na lang ikkwento yung pangyayare na yun. Masyado siguro akong namiss at saakin lang nagpapakita.

Hehe

Shine.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now