Kalahating Isda
Hello po admins, gusto ko lang i-share yung kwento ng lola ko about sa experience ng lolo nya nung buhay pa sila. Konting information lang about sa lola ko, she's 82 years old na so kung i k-keep track naten yung panahon na buhay pa yung lolo nya, around 1800 to. Address na lang naten sila as 'lolo' and 'lola'.
Noong panahon daw nila lolo hindi daw uso mga tindahan sa lugar nila. And ang pangunahing trabaho ng mga tao ay magtanim. Ang kinaugalian na ng mga tao dun sa lugar nila ay pag panahon ng anihan, nagbibigayan na lang ng ani ang mga tao. Ang mga bahay daw noon ay elevated sa lupa, hindi ko alam yung tawag sa bahay eh pero for context na lang ang mga bahay nun is may hagdanan atleast 4-6 steps mula sa lupa tapos kadalasan manukan yung ilalim ng bahay.
May isang araw daw na nag tatanim si lolo, mayroon isang hindi pamilyar na babae ang lumapit sa kanila. "Hindi pamilyar" kase mostly daw ng mga nakatira sa lugar nila ay kilala nila. Binigyan siya nito ng kalahating isda bilang share pang-ulam daw nila lola. Tinanggap naman ni lolo yung isda and nag pasalamat. Ang pinagtataka lang ni lolo, yung lugar nila ay medyo malayo sa dagat, nakakakain sila ng isda pero hindi madalas at kung titignan yung kalahating isda, may kalakihan ito kumpara sa normal na isdang natatanggap nila at dito nagkaroon ng kaunting pagdududa si lolo.
Tinawag ni lolo si lola at binigay yung isda, pinalagay nya muna sa kusina pero nag bilin si lolo kay lola, sabi nya, "Bago ka umakyat sa taas (sa bahay) wag mong hakbangan yung pangalawang baitang ng hagdan, tsaka mo na tignan yung isda pag nasa kusina ka na". Sinunod naman siya ni lola. Nang makarating sa kusina si lola, agad siyang bumaba at tinawag si lolo. Nang makita ni lolo yung binigay, ang akalang kalahating isda ay kalahating katawan pala ng sanggol.
Sinunog daw nila yung binigay na 'kalahating isda' dahil, paliwanag ni lolo, mayroon daw yun laway ng aswang na kapag kinain ng normal na tao ay magiging katulad ka nila. Normal na daw sa kanila yung mga ganoong pangyayari kaya siguro hindi din natakot si lola. Ang mga aswang daw dati ay kaya kang linlangin at kaya magtago sa likod ng mga ilusyon buti na nga lang at merong experience si lolo sa ganoong mga bagay. Salamat sa pag babasa.
PS: Hindi ko sure yung dahilan bakit kailangang mag skip ng steps dun sa hagdanan para makita yung tunay na anyo nung 'kalahating isda' pero sa tingin ko, alam ni lolo na para makita naten yung mga maliliit na detalye, kailangan nasa ibang perspective tayo or hindi passive yung pagiisip naten.
- SHY ng Taguig City