Third Eye
Hello Spookify.
I am an avid reader and I want to share my own story . A story when I was younger until I grow older and how I encountered these entities. Sana po mapost .Start na po ako.
Bata pa lamang ako nakakakita na ako ng mga di nakikita ng iba. Unang encounter ko dito nung grade 1 ako nangupahan kami sa isang lumang bahay malapit sa dagat , pag mamay ari yun ng malayong kamag-anak and that time patay na yung may-ari ng bahay na yon. Ff. around 12 midnight nagising ako kasi parang may naghuhugas ng plato? So binaliwala ko yun but then nung tumingin ako sa may hagdan nakita ko yung dating may ari ng bahay na naglilinis 😭. Take note yun yung may ari ng bahay na matagal ng patay. He is using a yellow cloth to wipe the stairs tho di naman masyado mataas yun mga 5 lang na baitang yun kasi uso naman dati yung nga low elevated na bahay. Sa takot ko sumiksik ako sa mama ko na katabi ko lang.Second encounter ko is elementary student parin ako one night bumyahi kami ng mama ko papuntang bayan kasi doon ako nag aaral bumisita lang kami sa lolo ko . Nakasakay kami ng bus and open yung window kasi gusto ko fresh air kasi pag hindi nasusuka ako. Dumaan kami sa may palayan, Then pag tingin ko sa labas I saw a woman walking nakawhite siya . She is walking kasabay ng bus and I wonder pano niya nasasabayan yung bilis ng bus eh mabilis yung takbo non, and I realized di pala tao yun.
Third one , padilim na at inutusan ako ng mama ko na bumili ng gas para sa lampara namin kasi brownout nung time na yun habang pauwe ako yung daanan ko ay may malaking puno tapos may nakita akong bata na nakatalikod akala ko yun yung kababata ko so tinawag ko siya " Gong?" (Nickname ng kababata ko) nung lumingon ang bata ang itim niya at ang laki at mapupula yung mata. Nagulat ako at nasampit ko "Ginoo ko!!" (Bisaya po ako) then nawala bigla yung bata at naging damo damo na.
Fourth, hapon habang nagdidilig ako ng mga tanim na gulay ng mama ko napatingin ako sa bintana ng room ko may nakita akong nakaputing babae sa bintana mahaba ang buhok, maganda. At naglaho lang din bigla . Binalewala ko nalang yun kasi nasanay na ako at alam ko hindi tao yun. Tapos ilang araw lng nakalipas may mga kahoy na nilagay sa balcony namin kasi magrerepair kami ng bahay non bigla na lang may nagdadabog sa balcony and parang galit na galit. Tas nung sinilip ko wala naman tao . Dun din namin nalaman na yung bahay na pinagtayuan namin is daanan pala daw ng mga spirits , entities etc. So parang nagalit daw yun.
-marami pa akong kwentong kababalaghan ang mga ibinahagi ko ay mga panahon pa lamang ng kabataan ko. Pag napost ito ikukwento ko sa susunod yung iba.
--YUKI❄️
![](https://img.wattpad.com/cover/363473266-288-k514690.jpg)