Lolo Epa

2.1K 41 0
                                    

LOLO EPA

Hi SPOOKIFY! I'm a reader po sa page ninyo simula pa noon sa pagkakatanda ko di ko pa nga natapos ang story nila DEAN at SAM dati which is dahil sa boredom ko sa work nagbalik tanaw ako sa lahat ng stories nung 2016 at ngayon ko lang natapos ang KEVINELEVEN stories, nakikita ko rin nakikicomment din pala ako hahaha. Anyways, ang storyang ito ay hindi naman sya creepy na masasabi pero kung naniniwala kayo sa mga SPIRITUAL practices, related itong storya kong ito.

Sa sobrang daming testimonies na alam ko magsisimula ako sa testimonia ng papa ko. Lingid naman sa ating kaalaman na hindi uso ang pagpapadoctor noon dahil na rin sa kahirapan at masasabi mo din talaga na iba ang pang gagamot noon ng mga tinatawag naming MANANAMBAL O Manggagamot sa tagalog.
Taga bohol ang papa ko at napadpad sya sa ibang lugar para magtrabaho.  25yrs old pa lang ang papa ko noon ng nagkasakit sya sa ATAY  to the point na nag JAUNDICE na sya at sobra ng pumayat.
Akala nga ng papa ko hindi na sya mabubuhay noon. Ginagamot sya ng tiyuhin nya pero hindi na kinaya kaya dinala sya ng tiyuhin niya sa manggamot na nagturo sa kanya tawagin nalang natin syang si Lolo  Epa. Lolo  Epa   ay simpleng tao lang, tahimik at grabe ang pananampalataya sa DIYOS. Kung may black magic, may abilidad din na galing sa panginoon kung saan iyon ang meron si Lolo  Epa ( Base to sa kwento ng papa ko, since naabutan ko na si Lolo Epa na Stroke na at hindi na makapag salita pero nanggagamot parin)Wala syang ibang habilin noon sa mga tao kundi ang magdasal at manampalataya nang sa ganun ay kung ano man ang iyong mga nararamdaman ay mawawala ito sa ngalan NIYA.

Nang makarating ang papa ko sa lugar kung saan si Lolo Epa, agad syang pinagamot ng tiyuhin niya. Tinignan sya ni Lolo Epa at sinabing "wag kang mag-alala anak, mabubuhay ka pa. Sayang ang talento mo, magaling kang mang-aawit". Nagulat noon si papa dahil paano nya nalaman na umaawit si Papa gayung kaka kita pa lang nila sa araw na yun. "Magdasal ka sa panginoon, araw at gabi, humiling ka na dugtungan ang buhay" dagdag pa ni Lolo Epa. Nang kalaunan ay ginamot si papa noon sa pamamagitan ng spiritual at gumaling ang papa ko. Sumumpa ang papa ko sa harap ng panginoon noon na kung gagaling sya ay iaalay nya buhay nya sa kanya at magpakaalipin kung saan naging isang PARI ang papa ko sa simbahan na Ginawa ni LOLO EPA. Isa pong Pari si lolo epa at naging founder sya noon sa simbahan namin na hindi ko nalang papangalanan. Si Lolo EPa ay kayang gumamot na  tatapikin ka lang, o di kayay uutusan ka lang na magrosaryo araw2, o di kayay kahit pakatitigan mo lang sya sa araw2 at mawawala ang nararamdaman mo, marami ang nagpapatunay dahil yoong mga nagamot nya noon ay buhay parin hanggang ngayon at isa na nga doon ang papa ko. Lahat ng yon, ang palagi niyang bukambibig ay ang MAGDASAL sa Panginoon.

Lumipas ang mga taon nag asawa ang papa ko, bagama't hindi sya pinabayaan ni Lolo Epa noon. Nariyan  sya palagi nakaalalay. Naging isang gwardya din si papa noon sa bahay ni Lolo Epa kasama ng mga ksamahan nyang Pari din. Napamahal ang papa ko kay Lolo Epa, at tinuring na ama. Hanggang sa na stroke si Lolo Epa, at ganun parin ang samahan ng mga napagaling ni Lolo Epa noon. Kahit mahirap ang buhay ay namuhay kaming lahat noon ng payapa at lahat ay nagttrabaho sa bukid , may kani-kniyang mga tanim na kamoteng - kahoy mga gulay kaya hindi problema noon ang kakainin basta hindi ka lang naman maarte.

Isang gabi, napanaginipan ni Papa si Lolo Epa.
" Anak ako'y aalis na." Ani ni Lolo Epa sa papa ko habang naglalakad sa kung saan patungo.
Sabi ng papa ko, "ha? Saan ka naman pupunta Pa, (Papa po ang tawag ni papa ko kay Lolo Epa).
" Basta aalis na ko". Sagot ni Papa ko.
Hindi man maintindihan ni papa ay umiyak sya ng umiyak, hindi niya pero alam tila may pinapahiwatig ito, iba ang pakiramdam niya.
Binuhat siya ni papa at sinabi " halika na pa , uwi na tayo, iuuwi na kita." At kinarga nya ito (sa likod sinakay) at doon ay sumuka ito ng napakadami. At nagising si papa na umiiyak na para bang totoo ang pag iyak nya sa panaginip niya.

Nung umaga ding  yun ay pinuntahan ni papa ang katiwala ni Lolo Epa at nagtanong si papa kung kamusta si Lolo EPa ( Nung mga panahong ito ay malubha na si Lolo Epa sa kanyang sakit.) Sinalaysay ni papa ang kanyang panaginip sa katiwala at tumungo sa bahay ni Lolo Epa kung saan nadatnan nalang nilang wala na itong buhay.

Labis ang sakit na naramdaman ng papa ko sa mga panahong iyon. Dahil iniwan na sya ng taong dahilan na madugtungan ang buhay nya. Nagpasalamat si papa kay Lolo Epa, magpahanggang ngayon ay bitbit niya iyon, lahat ng alala at habilin ni Lolo Epa.
Kaya hanggang sa henerasyon namin, lagi yang ikinikwento ni papa sa amin ng sa gayun ay hindi ito mawala ang isa sa tinuturing naming mayamang memorya ni Lolo Epa.

Sa isang buong araw na yon simula ng lumisan na si Lolo Epa ay patuloy syang dumudumi hanggang mailibing sya kinabukasan at ni hindi man lang tumigas ang kanyang katawan.

Masasabi namin na si Lolo Epa ay hindi pangkaraniwan, ang tingin ng mga tao sa kanya noon ay isang Diyos. Pero ang sagot nya, "Hindi ako Diyos, dahil isa lang ang Diyos natin at yun ay SIYA (Tumuro sa itaas) ako ay tagasunod nya lamang. Kaya mga anak, wag niyong kalimutang mangdasal palagi dahil siya nariyan lang. Nanunuod at nakangiti. Wag kayong magpalinlang, KUNG SINO MAN ANG NAGSASABI NA SIYA AY DIYOS, Malayo ang Diyos sa kanya. KUNG SINO MAN ANG IPINAGYAYABANG ANG KAKAYAHAN NA GALING SA DIYOS, iyan ay hindi galing sa diyos." Turan ni Lolo Epa na hanggang ngayon ay tumatak sa isip at Puso ng mga naniniwala at sumunod kay Lolo Epa.

Hanggang dito na lamang po. Marami pa akong kwento tungkol kay Lolo Epa testemonia naman ito ng Tito ko. Kung mapost man po ito. Pasensya na po kayo kung hindi sya nakakatakot. Gusto kolang ibahagi ito para sabihin na totoo ang Diyos at sya palagi lang nariyan.

-NotDisneePrinses
27

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now