GUNIGUNI

300 3 0
                                    

GUNIGUNI

Hi, tago niyo nalang ako sa pangalan na Jubeii. Share ko lang din tong experiences ko, isa nga pala akong atheist. So yeah, di ako naniniwala sa spiritual beings or ghost etc. One day, nasa bahay ako ng kaklase ko malapit sa bacood elementary school, dun lang banda sa bataan street na dating riles ng tren, madalas ako sa bahay nila since bestfriend ko siya, yung nakatira dun. Naliligo siya that time and ako naman nagluluto that time, habang busy ako sa pagluluto, tinatanong ko yung bestfriend ko kung gusto niya ba na medyo tuyo yung sabaw ng adobo, sumagot siya ng oo, so ako tuloy lang. Nung nakalipas ang ilang minuto may narinig ako paakyat ng hagdan sa likuran ko, so tinawag ko yung kaklase ko kung tapos na siya maligo, sumigaw siya na hindi pa kaya sinilip ko kung sino yung umaakyat ng hagdan. Ang nakita ko lang ay short na yellow na pang basketball at binti ng lalaki. Tinawag ko yung kaklase ko at sinabihan ko siya na may tao sa taas. Nung chineck namin wala naman tao. So ayun creepy siya para sakin, pero di parin ako naniniwala na may multo talaga. Hinayaan ko nalang din and inisip kong guniguni ko lang siya. LAST YEAR PA TO NANGYARI.

PAST 2 MONTHS NITONG YEAR 2024, nasa bahay namin ako nun, natutulog ako dahil pagod na pagod ako sa school, 3pm nun nung nagpaalam yung pangalawa kong kapatid na aalis sila, after nun natulog na ako ng patay lahat ng ilaw. Nung malalim na tulog ko, may tumatawag sakin tsaka sa pangatlo kong kapatid,  ang sabi niya "kuya! James!(Pangatlo naming kapatid) Kain tayo!. 2 times niyang sinabi yun bago ako sumagot na ayoko, dahil inaantok pa ako. Tumigil siya magtawag. Naalimpungatan din ako dahil naririnig ko yung pangalawa kong kapatid na tumatawa sa taas namin kaya alam kong nakarating na siya sa bahay. after non, gumising ako around 6:30pm para magprepare ng hapunan, pag labas ko ng eskinita namin nakasalubong ko yung pangalawang kapatid ko, sabi ko sa kanya kung kakarating niya lang ba? Sabi niya "oo, nalibang yung mga anak ko sa playground, ang tagal namin dun kahit wala kaming dalang tubig, di naman ako makauwi dahil dalawa yung cargo kong bata, di naman kaya ng asawa ko lang yung dalawang bata ng siya lang mag isa" Ang nasabi ko nalang "eh sino yung nagtatawag samin kanina na nag-aayang kumain?" Nagtitigan nalang kami and umakyat kami sa taas pero wala namang tao dun kahit isa. Kahit yung pangatlo kong kapatid wala din siya dun.

FEW DAYS AGO (PRESENT DAY) nandito naman kami ngayon sa landcom village malapit sa v.mapa ext. Nung una ok naman siya, masaya lang kami magkakasama. Hanggang dumating yung last day na naging dahilan ng takot namin bumalik dun. Gabi na nun, around 8pm. Dalawa lang kami ng bestfriend ko nandun sa bahay ng isa pa naming kaklase (siya din yung bestfriend ko na nakatira sa bataan street sa riles). Nagcrave kaming dalawa sa coke nun so napagusapan namin na ako na bibili since pera niya gagamitin namin, sabi niya pa sabay ko daw siya ng roller coaster. Sabi niya pa wag mo kakainin ha, Oo nalang ako, tapos bumili na ako. Sabi ko pa sa kanya bago umalis na wag na siya umalis sa terrace, bantayan nalang niya kung may papasok since di ko na sasara gate dahil bababa pa siya para pagbuksan ako ng gate. Fast forward... Dumating na ako nun sa bungad ng gate, nakita ko si bestfriend na nakaupo nga sa terrace, naisipan ko pa siya na pagtripan, binuksan ko yung roller coaster na pinabili niya sakin and kinain ko yun sa harap niya habang nakaupo siya sa terrace, nagsisigaw siya na ibigay ko na and ako tawa lang ng tawa sa reaction niya. Sinabi niya nalang last na babatuhin niya ako ng tsinelas, tapos napatingin ako mula sa labas ng gate. Dahil bukas yung ilaw sa loob ng bahay, nakita ko talaga na may dumaan papasok ng pinto, likod niya lang nakita ko that time dahil sa gate na nakaharang, nakahubad din siya that time, sinigawan ko yung bestfriend ko na may nakapasok sa loob ng bahay. Halos tumakbo ako papasok ng bahay dahil akala ko simpleng intruder lang, chineck naming dalawa yung buong first floor pero wala kaming nakita. Nagtitigan kaming dalawa. Ang pinaka nasabi ko nalang ay "wait, tao ba yung nakita ko or iba na?" Di na din siya nagsalita dahil parang alam niya na yung ibig kong sabihin. Sa second floor may dalawang room don na pundido ang mga ilaw, napagusapan naming icheck na din since wala kaming nakita sa baba. Sabay kaming dalawa umakyat ng hagdanan, umaasa akong tao lang yung nakita ko, binuksan ko yung flashlight ng cellphone ko, nanginginig akong chinecheck yung dalawang room. Pero di ko nalang din pinapahalata sa kasama ko na natatakot din ako para lumakas yung loob niya, dahan dahan kaming pumasok sa unang room na hawak lang namin flashlight. Pero wala kaming nakita, sa pangalawang room nangilabot na kaming dalawa dahil wala ding tao sa pangalawang room. Tumakbo kaming dalawa sa terrace, nastuck na kami dun dahil sa takot namin na bumaba ng hagdan, bago kasi makababa ng hagdan dadaan muna kami sa dalawang madilim na room bago makababa. Buti nalang dumating yung isa pa naming kaklase, di muna namin kinwento sa kanya yung nangyari at ginawa namin siyang lakas ng loob para makababa dun.

Bakit kaya ako nakakakita at nakakarinig ng mga ganun? Pero hanggang ngayon di parin naman ako naniniwala since di ko naman nakikita ng harapan, like f2f ba. Curious lang ako, bakit kaya ganun? Iisang tao lang kaya yung nakikita at naririnig ko or iba iba sila?

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now