SLEEP PARALYSIS VS LUCID DREAM

303 1 0
                                    

Sleep Paralysis V.S. Lucid dream?

Hi, silent reader po ako dito. And kunwari ako na lng si Em. (Male) HAHSHSHHS. Dati, mga High School ako until Senior High, dun siya nagstart.Now. 21 na ako. I always dream na lumilipad ako, like, want ko lumipad, or magkaroon ng pakpak, nagagawa ko siya. Kaya kong pagalawin yung mga things gamit mind ko, kaya kong mag bend ng lupa, or fire parang avatar te last airbender ang atake ganon. HAHSHHSHS and magic- magic and all. Akala ko ganon lng yun, since mahilig nga ako sa mga sci-fi, fantasy ganyan. Pero, one time nun, may meeting kami sa school. SSG officer kasi ako nun. Then yung isang officer namin na madedescribe ko siya as  matalino sya, achiever kumbaga, nagkukuwento sya. And somehow, yung kwento niya, same sa experience ko, so nagtanong ako.

Ang sabi niya, baka raw marunong ako mag lucid dream nga, and kaya mong ilagay sa dreams mo yung tao na want mo makita ganon, and ganon din sakin talaga!! So ayun, sabi niya sakin, enjoyin ko na raw habang kaya ko pa, kasi habang tumatagal daw eh, parang nawawala yung kakayahan na yun, parang same sa kanya. After nun, everytime na nag lu-lucid dream ako, sinusulat ko kaagad sa dream journal na ginawa ko right after ko magising. Pero since nagpandemic, and naggulo na mga notebooks ko, di ko na yun mahanap baka naitapon na or nairecycle yung natitirang pages. And nagpatuloy pa nga yun, like inenjoy ko na talaga. Hanggang sa, minsan ko na lng siya nagagawa, like nahihirapan na ako lumipad or minsan ang hirap na pagalawin yung bato  na want ko palutangin sa lupa.

Moving on, sa sleep paraylsis. Kung saan aware namn tayo na pag ganon is hindi ka makakagalaw. Like may naaninag ako na parang black shadow na papalapit sakin, then walang lumalabas sa bibig kong boses. Di ka talaga makagalaw. Tas nagppray na ako nyan sa panaginip ko. Then biglang parang may bumubulong sa akin, tas nakakalimutan ko yung prayers. And then may time na, parang aware ako na nananginip ako like you won't believe me pero sinasabi ko na "No, panaginip lang to, hindti 'to totoo!" and I was like, kaya ko 'tong kontrolin."

One night, I was standing sa loob ng sala namin, sa lumang bahay. Hindi ko rin alam bakit madalas andun ako sa lumang bahay namin? like naglalakad ako pauwi samin? then, biglang dumilim. Like, binalot sya ng dilim na parang naccrawl sa wall. then as in madilim na. Doon ko narealize na nagsstart na nmn sleep paralysis ko. Then sabi ko ulit, "No!" sa isip ko nun, need ko mag teleport sa ibang lugar, then pinilit ko siya gawin. Then BOOM! napunta ako sa maliwang na bukid na may mga daisy. as in fresh air and maliwanag. Tas biglang, ayan na naman! di na ako makagalaw, Unti-onti na nmn siya dumidilim. Itong part na 'to, ewan baka sabihin niyo parang ewan ako, kasi pag kinukwento ko 'to sa iba, natatawa silakasi nga kakanood ko raw ng movies. Pero, ito yung nangyari, nag summon ako ng magic power sa palad ko then, biglang super bright na liwanag tas tinamaan yung parang black shadow na entity na ewan. Tas aware ako na nanaginip ako nun. Ta nawala na siya, nagising na rin ako nun na pawis tas basa na yung sa sa may dididb ng tshirt ko HHAHHSHSHS.

wdyt ba? baka nga dahil lang sa panonood ko ng movies and pagbabasa, or something else? IDK kahit ako minsan natatangahan sa sarili ko HSHHSHSH.

Marami pa ako times na ganon, like mahahabang kwento rin, If want niyo pa po, then Ikukwento ko. HSHSHSHHS Thanksss admin : >

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now