MURDER

73 1 0
                                    

Murder

Isang linggo na ang makalipas nung may namataang dalawang senior citizen ang namatay sa kanilang bahay, sila ay aming kapitbahay. Walang force entry, walang external wound pero may talsik ng mga dugo sa pintuan ng kanilang bahay. Sila ay natagpuang nauunos na, at inuuod na.

Ang haka haka ngayon ay sila ay ipinapatay, ngunit walang direktang ebidensya na nagpapatunay dito.

Paano sila natagpuan?

Biyernes, alas dos ng hating gabi , may malaking usok na nanggagaling sa kanilang bahay na para bang may nagluluto gamit ang kahoy o nagsusunog ng mga basura sa kanilang kusina.

Isinumbong at iniulat ito ng kapitbahay sa village president at papasukin na ang kanilang bahay, ngunit hindi natuloy sapagkat may masangsang na amoy at may mga talsik ng dugo ang kanilang pintuan.

Ang mga matandang nakatira ay ilang araw nang nawawala at hindi nakikita, kaya napagpasiyahan na tumawag na ng pulis.

Dumating ang mga pulis, nakita ang bangkay ngunit walang nakitang sunog o bakas ng nasunog sakanilang bahay.

Case closed:

Ang matandang namatay ay mahilig mag siga at magsaing gamit ang kahoy.

Maaari kaya na ang usok galing sa kanilang bahay ay gawa ng matandang namatay para sila ay matagpuan?

Avocado ~

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now