A/n:
Nasabi ko noon na wala talaga akong balak na ihalo ang Villafuerte rito dahil para sa akin, matagal nang tapos sila at sa old account ko sila nabuhay e. Medyo masakit lang kasi yung nangyari sa old account ko kung saan sila nabuhay. Well, maliban sa on going stories dahil sobrang dami na nila. Kaya yung gana ko sa pagsusulat, iba na talaga. Medyo naglaho na. Ito lamg yung way para mabalikan ko ang on going stories ng mga Villafuerte dahil nawala na talaga sya sa seksi kong utak😄
Ang mga pangalan na ginamit, lugar at pangyayari ay kathang-isip ko lang. Kung may nagamit man akong kapangalan at apelyido ninyo, baka nasa Facebook ko kinuha kasi friends tayo😄
Unedited....
Nakailang katok na siya pero walang bumubukas kaya sinubukan niyang pihitin ang seradura. Bukas.
"Tao po?" wika niya at dahan-dahang sumilip saka nilakihan ang pagbukas ng pinto para makapasok. "May tao ba rito?"
"Close the door."
Napaatras siya nang makita si Orange na nakaupo sa sofa.
"H—Hi," bati niya matapos isara ang pinto. "S—Sorry kasi kumain pa ako."
Narinig ni Kaitlyn ang kaluskos sa kusina kaya napatingin siya.
"Bantay naman 'yan," sabi ni Ace. "Come here."
"M—May gagawin ba ako?" tanong ni Kaitlyn na nakatayo sa harapan ng bintmata.
"Sit here." Pero hindi gumagalaw ang dalaga kaya hinila niya sa kanang kamay kaya napaupo si Kaitlyn sa tabi niya.
"Aray! Ano ba?" reklamo ng dalaga. "Dahan-dahan naman."
"Hindi kita lalamunin nang buhay!" ani Orange saka inabot ang medicine kit. "Linisin mo ang sugat ko."
"What?" bulalas ni Kaitlyn. Nagulat siya nang ipatong ni Orange ang mga binti nito sa hita niya. Napatingin siya sa mga sugat nito. Ang lako rin ng gasgas nito sa tuhod kaya nasusuka siya.
"Subukan mong sumuka at ipapalamon ko pabalik ang isusuka mo," pagbabanta ni Orange nang mapansing namumutla ang dalaga.
"K—Kailangan mo ng doktor," sabi ni Kaitlyn dahil tinanggal ni Orange ang dressing nito.
"Doktor agad? Di ba pwedeng nurse muna?"
"Exactly. Tara sa clinic!"
"Ikaw ang dahilan kaya natumba ako kaya ikaw ang personal nurse ko."
"H—Hindi ako marunong."
"Pag-aralan mo," ani Orange at kinuha ang cellphone saka ipinakita kay Kaitlyn ang copy ng CCTV. "Kopya lang 'to. Marami akong copy."
"Pero hindi ko sinasadya."
"Paggamit ng cellphone habang patawid ay mali."
Inis na kinuha ni Kaitlyn ang mga gamit saka nandidiring nilinis ang mga sugat ni Orange.
"Araaay! Ano ba?" daing ni Orange sabay tapik ng kamay ng dalaga. "Papatayin mo ba ako?"
"S—Sorry," paumanhin niya.
"Kung hindi naman bukal sa loob mo ang pagtulong sa taong muntik nang mamatay dahil sa pagiging taklesa mo, mas mabuti pang magkasuhan na lang tayo," seryosong sabi ni Orange. "How is it? Villafuerte versus Arguela?"
"Wala naman akong sinabing ayaw ko ah!" nakasimangot na depensa ng dalaga sabay hatak ng binti ng binata at kinuha ang gauze para takpan ang sugat nito.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...