31

6.3K 291 117
                                    










*********Kaitlyn's POV*********









"What? Nasa hospital si Tatay?" bulalas ko nang sagutin ang tawag ni Nanay.

"Kait, okay na siya. Nagpapahinga na siya kaya don't worry," sabi ni Nanay.

"Ano ho ba ang nangyari, nanay?"

"Bigla kasing nahilo at naninikip daw ang dibdib kaya dinala na namin sa hospital pero okay na siya."

"Nay, ano raw ba ang dahilan ng sakit niya?"

"Mataas ang blood pressure niya at sabi ng doktor, baka stress daw pero kinukuhaan na siya ng blood sample. Binigyan lang siya ng catapress kaya bumaba ang BP niya. Mainit din kasi ang panahon tapos madalas siyang puyat kaya ayun, tumaas ang presyon ng dugo."

"Sure ka, nanay? Punta ako riyan." Nag-aalalang sabi ko kahit pa sabihin na okay na siya. Traidor pa naman ang mga sakit ngayon.

"Okay na siya. One thirty over ninety na ang Bp niya pero imo-monitor na lang muna siya twenty four hours kaya i-admit na muna," sabi ni Nanay. "Wag kang mag-alala, okay na siya. Laboratory na lang ang hihintayin."

"Basta pupunta ho ako," sabi ko saka lumabas ng classroom.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Geen.

"Saan si Prof?" patanong na sagot ko. "Nandito na ba—wait lang," sabi ko nang makitang palapit sa amin si Teacher Ma'am Mary Jean.

"Miss Luna," tawag ko.

"Oh, Kaitlyn. Is everything okay?"

Umiling ako.

"No," sagot ko. "Miss Luna? Pwede ho bang hindi ako makakapasok sa class mo? N—Nasa hospital po ang tatay ko, Miss Luna." naiiyak na pakiusap ko.

"Ha? Anong nangyari?"

"Bigla na lang daw nahilo. Please, nag-aalala ho talaga ako."

"Okay, puntahan mo na siya ha," sabi nito kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Thank you ho," pasalamat ko. Buti at maunawain si Miss Luna.

"Baka stress yung daddy niya dahil sa nalugi nilang company," narinig kong sabi ng kaklase ko.

"Sinabi mo pa. Ikaw ba mawalan ng bilyon at empleyado, ewan ko lang kung hindi ka ma-stress. Kaya ganyan na pamumuhay nila. Look at her, wala nang bodyguards. Di na takot ma-kidnap dahil wala nang perang pantubos."

"Shutup!" sigaw na saway ni Rose Ann. "Mga tsismosa! Wala namang ambag sa lipunan!"

"Hayaan mo na," sabi ko sabay hawak sa kanang kamay niya at nginitian. "Alis muna ako. Pakopya ng lesson later ha."

"Oo, ako ang bahala," sabi ni Rose Ann kaya nagmamadaling lumabas ako sa campus at sumakay sa taxi saka nagpahatid sa hospital.

"Nay!" bungad ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Naka-private room si Tatay at nakahiga sa kama. "Tay?"

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Kamusta na ho kayo? Ano ang nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"Okay lang ako. Bakit ka pa ba pumunta rito?" salubong ang kilay na tanong niya saka napatingin kay Nanay. "Di ba sabi ko 'wag mong ipaalam sa kanya? I'm fine. Malakas pa ako."

"Wag ka hong magalit kay nanay, nag-aalala lang naman siya sa 'yo. May masakit ho ba sa inyo?"

"Okay na ako. Nahilo lang kanina pero okay na okay na ako. Don't worry."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon