Unedited...
********KAITLYN'S POV********
"Afternoon po," magalang na bati ni Orange kina Tatay nang bumaba kami.
"Kuya Orange! Laro tayo ng basketball," yaya ni Kyle.
"Oh, naglalaro ka ng basketball? Tara," pagpayag ni Orange at sinamahan ang kapatid ko sa labas. For sure gusto lang niyang iwasan si Tatay.
"T—Tay," usal ko at naupo sa sofa kaharap ng inuupuan niya. "I—I'm really sorry."
"I thought masyado kang matalino," disappointed na sabi niya. "Akala ko kaya mo na ang sarili mo kaya niluwagan kita pero hindi ko akalaing sa isang iglap, mangyari sa 'yo ang ganoon."
"H—Hindi ko po sinasadya, tatay," naiiyak na sabi ko. "I—I'm sorry if I fail you."
Mahabang katahimikan ang nangyari kaya napayuko ako.
"Tell me, kamusta ang relasyon mo kay Orange?" pagbasag niya sa katahimikan. "Sinasaktan ka ba niya?"
"A—Ang dami ko pong magiging kaaway dahil sa kanya," pag-amin ko.
"Normal na 'yon," sabat ni Nanay.
"Anong normal?" galit na tanong ni Tatay.
"Bakit? Marami rin naman akong naging kaaway nang dahil sa 'yo ah. Siyempre Villafuerte yun, may fanbase na 'yun at marami ang babaeng naghahabol," paliwanag ni Nanay.
"Wala ka namang naging kaaway dahil sa akin ah," sabi ni Tatay. "Ako lang ang may kaaway dahil sa 'yo."
"Wala ah."
"At ano si Niel?" paalala ni Tatay.
"Woah! Kamusta naman si Charlotte?" Nakataas ang kanang kilay na tanong ni Nanay.
"Ibang case naman 'yun."
"Anong iba? Ganun din 'yun! Ako naman ang target nila ah!" sabi ni Nanay.
"Hindi iyon ang problema natin, Kate," sabi ni Tatay at muling hinarap ako. "Anong tingin mo kay Orange? Kamusta siya bilang asawa sa bahay? Maliban sa mga babae?"
"Sa bahay?" ulit na sagot ko. "N—Nagluluto naman ho siya at nagdidilig ng halaman," honest na sagot ko. Minsan nga siya rin ang nagsasampay ng mga damit na nakalimutan ko sa washing machine. Sya rin ang nagva-vacuum tuwing Monday at Thursday.
"Sinaktan ka niya?"
Umiling ako. "Hindi po." Kahit na minsan pinipilit niya akong makipagtalik pero syempre hindi ko iyon sasabihin kay Tatay dahil baka ma-highblood siya. Isa pa, pumapayag din naman ako e.
"Anak, tingin ko mabuting asawa naman si Orange," malumanay na sabi ni Nanay. "Nagpaalam naman siya noon bago kayo ikinasal. May pagkamayabang lang ang dating minsan pero dahil ganoon talaga silang mga Villafuerte. Hindi lahat ng lalaki ay kayang harapin ang tatay mo at umamin sa kasalanang nagawa."
"Kinakampihan mo ba si Orange, Kate?" tanong ni Tatay.
"Sinasabi ko lang ang totoo," depensa ni Nanay.
"Tinatamad na akong pag-usapan!" pagsuko ni Tatay. "Kung ano man ang problema ninyo sa soc-med, kayo na ang bahalang maglutas nun!"
Siguro nga natanggap na ni Tatay dahil ilang buwan na rin pala ang nakaraan nang malaman niya ang sa amin.
"Labas lang ho ako," paalam ko at tumayo saka lumabas sa hardin para magpahangin.
Nagulat ako nang may yumakap sa bewang ko mula sa likuran pero dahil kilala ko na ang amoy niya, hindi na ako nagpumiglas pa.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...