46

5.9K 316 71
                                    





Unedited...





*********KAITLYN'S POV*******






"Morning. Breakfast is ready," bati niya nang magising ako. Napasulyap ako sa alarm clock sa bedside table, alas sais pa lang ng umaga. Nagbabalak pa nga sana akong magluto dahil mukhang may hangover siya pero naunahan niya akong magising.

"Ang aga mo yatang nagising," sabi ko.

"Hindi na ako makatulog kaya nagluto na ako ng ulam. Okay lang ba na sopas ang niluto ko?"

"Okay lang," sagot ko at bumangon saka naligo.

Nang lumabas ako, nakahanda na ang pagkain sa mesa.

"Sorry pala kagabi kung naabala kita," paumanhin niya sabay hila ng upuan saka nilagyan ng sopas ang bowl ko. "Kain ka nang marami."

"Ikaw ang may hangover kaya ikaw ang kumain nang marami."

"Medyo wala na," sabi niya.

"Naalala mo pa ba ang ginawa at pinagsasabi mo kagabi?" tanong ko.

"Ha?" aniya saka iniwas ang tingin. "H—Hindi ko na maalala."

Tumango ako bilang tugon. Sabi ko na nga ba eh, usapang lasing lang ang pinagsasabi nito.

"Don't worry, na-settle ko na ang mga kaibigan ko. I'm sure walang magpo-post ng photos natin kagabi."

Hindi ako umimik. Mukhang hindi na nga namin maiwasan ang chismis.

"Talaga ba?" tanong ko nang makita ang chat ni Rose Ann. Pinakita ko sa kanya ang picture naming in-upload ng vlogger niyang kaibigan. Though nakatalikod ako habang akay-akay siya. May video rin pero naka-blurred ang mukha ko.

"Don't worry, wala naman palang mukha mo," sabi niya.

"Kahit na!" sagot ko.Hindi ako sanay na may nagpo-post ng privacy ko. Hindi kasi ako ma-social na tao. Unlike kay Orange na siya talaga ang pang masa. People might hate me dahil sa ugali kong ganun pero ganun ako e. I hate publicity. Kahit sa pamilya namin, hindi kami ganoon.

"I know. Sorry for dragging you—"

"Wala na akong magagawa pero sana pagsabihan mo ang mga kaibigan mo," sabi ko.

"I will," sabi niya kaya nagsimula na kaming kumain.

Siya na rin ang nagligpit at pinabihis na ako.

"Sabay na tayo?" tanong niya.

"Wag na. Mag-taxi ako."

"Eh? Nasa iisang paaralan lang tayo e. Doon din naman ako patungo."

"Please lang," pakiusap ko.

"Fine," pagsuko niya saka sumunod sa akin palabas ng bahay. Sabay kaming sumakay sa elevator. Tumigil ito sa next floor at pumasok ang apat na babae, dalawa roon ang nasa lobby kagabi. Medyo nagulat pa sila nang makita kami.

Magbe-behave naman siguro si Orange. Tutal ilang segundo lang naman kaming nasa loob ng elevator kasama ang mga ito eh. Ang tahimik ng loob ng elevator. Iyong tipong hihinga ka lang ay maririnig na nila. Napasulyap ako sa ID ng katabi ko. Shit! Taga Westbridge.

"Siya nga pala," wika ni Orange na bumasag sa katahimikan kaya napalingon sila sa kanya pero agad ding iniwas ang tingin.

"Bili pala ako ng sinigang mamaya. Naubusan na tayo ng sinigang, 'di ba?" tanong niya kaya tiningala ko siya at pinandilatan. For pete's sake! Hindi naman 'to lasing eh! Nagkunwari akong hindi ko siya narinig para isipin nilang hindi ako ang kausap niya. Pwede namang may kausap lang siya sa phone at naka-earpiece e.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon